***

Kami ang naatasan ni Mirei na kunin ang ibang materyales sa storage room sa ikatlong palapag ng aming building. Pagkatapos ng first two subject namin kanina, ibinigay sa amin ang natitirang oras para makapaghanda na. Lumabas na kami ni Mirei after ng ilang paalala at instructions ni Seri. Umakyat na kami at tinungo ang storage room. Hinanap namin ang mga materyales na gagamitin.

"Huh?" Usal ni Mirei sa kalagitnaan. Napalingon ako sa kanya, nakatingin siya sa pinto nitong storage room at parang may nakita. "Weird," dugtong niya.

"Ang alin?" tanong ko.

Itinuro niya ang tinitingnan kanina. "Parang may naramdaman akong nakamasid sa atin kanina sa pinto. Pero bigla na lang nawala nang lumingon ako." Tiningnan ko ang tinuro niya.

"Namamalik-mata ka lang yata. Imposible namang magkatao dito eh."

Napakamot na lang sa ulo si Mirei at tumango. "Oo nga naman."

Nagpatuloy ulit kami sa ginagawa pero hindi naalis sa isip ko ang sinabi ni Mirei. Para naman akong kinilabutin sandali. Ang palapag na ito ay may dalawang silid lang para sa mga special classes and the rest ay storage rooms na. Pag-akyat namin dito, wala talagang tao. Sobrang tahimik nga hindi kagaya sa una at ikalawang palapag.

"Ito na ba lahat?" usal ni Mirei.

"Oo, okay na ito. Bumaba na tayo," sabi ko at muling nilock ang storage room.

Una akong bumaba kay Mirei nang inayos niya pa ang pagkakadala ng sariling box atsaka sumunod sa akin. Nasa unang hagdan na kami nang makita ko si Sein sa ibaba, eksakto namang lumingon siya sa gawi namin.

"Sein! Pakitulong nama — Huh?" biglang naputol sa kanyang sasabihin si Mirei at naramdaman kong parang itinulak ako.

Sh*t! Parang nagso-slow motion ang lahat.

"Kaita! Mirei!" sigaw ni Sein sa baba habang gulat na nakatingin sa amin.

Hindi ko naiwasang mapangiti ng maramdaman ang sariling gumulong sa hagdan hanggang sa bumagsak ako sa unang palapag. My breath hitched for a second bago ito bumalik sa normal. Ramdam ko ang sakit na dulot nang pagkahulog ko sa hagdan. Minulat ko ng konti ang mga mata at nakita ko sa tabi sina Sein at Mirei na sobrang nag-aalala.

Sinubukan kong bumangon. Dahan-dahan. Agad naman akong tinulungan nina Sein at ipinasandal sa pader. Gosh! Kinabahan ako ng mabilis dun ah. Nakita ko rin na nagkalat sa sahig ang dala namin ni Mirei.

Ngumiti ako kay Sein. "We're right."

"Gaga ka ba?!" Singhal nito sa'kin. "Kinabahan ako ng sobra nang makita kang nahulog sa hagdan! Akala ko napuruhan ka na tapos ngayon sasabihin mong tama tayo ng nakangiti?! Gusto mo ba talagang mamatay?!"

"Kaita...sorry. Hindi ko sinasadyang matulak ka," suminghot si Mirei bago nagpatuloy. "May tumulak kasi sa'kin eh. Hindi ko nakita kong sino. Sorry talaga, Kaita!"

Tinapik ko sa balikat si Mirei. "Hayaan mo na yun. Wala kang kasalanan, nadamay ka lang dito, Rei. Ayos lang ako," sabi ko at dahan-dahang tumayo. Pinagpagan ko ang sarili at inayos ang uniform ko. Pinulot ko na rin ang natapon na mga materyales sa sahig.

"Kaita..."

Humarap ako sa kanila at ngumiti. "Let's go?"

***

"Ano?! Na naman?!" napasigaw sa gulat si Seri nang sinabi nila Sein at Mirei ang nangyari kanina. Nasa labas silang tatlo ngayon at magkausap. Napahilot sa sentido si Seri at napabuntong-hininga sa mga nangyayari simula kahapon. Kinalma niya ang sarili. "Hindi niyo ba siya dinala sa infirmary para ipacheck?"

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Where stories live. Discover now