| 17 |- Not what you think

56 2 0
                                    

Chapter 17 - Not what you think

"Ahh! It's good to be back!" wika ko sabay higa sa sofa ng club room namin. After ng klase kanina, dumiretso agad ako dito sa second floor ng Science building para sa club activity.

Ilang araw na akong hindi napupunta dito simula 'nung umabsent ako hanggang sa matapos ang school festival. Wala din kaming natanggap na announcement mula kay Chia-san tungkol sa mga magaganap na mga events simula ngayong buwan hanggang December at sa long-term assignments namin. Siguro busy rin siya.

Mahinang natawa si Mika. "Geez, dalawang araw ka lang namang wala — Friday at Sunday. Maliban sa kakatapos na school festival. Kumusta nga pala yung pinapagawang poster sa'yo ng Karasuno? Ready na bang ipublish?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mika at dali-dali akong napabangon mula sa pagkakahiga. Lumipat ako sa sariling mesa atsaka tiningnan kung kailan ang deadline 'non.

Shit!

Sa Friday na. Ano na ngayon? Wednesday?

Nasapo ko ang noo at napasandal sa upuan. Sobrang kaba ang naramdaman ko sa pag-aakalang lumagpas na ako sa deadline. Nawaglit sa isip ko ang poster ng Karasuno kung hindi pa pinaalala ni Mika. Inilabas ko ang laptop sa bag at binuksan ang isang folder.
Bumuga ako nang hangin nang makitang konti na lang ang gagawin ko dito at matatapos na. Nakahinga ako ng maluwag.

"Thanks for reminding me, Mika. Akala ko out of date na'ko. Hay, naistress ako bigla," wika ko atsaka tumayo para kunin ang water bottle sa bag.

"Tapusin mo na 'yan mamayang gabi para mapublish mo na bukas," sabi niya habang hindi inaalis sa laptop ang mga mata. Maybe she's doing now her assignments. "Kukunin ba 'yan ng kaibigan mo kapag natapos na? O ikaw ang maghahatid dun?" dagdag niya.

"Kukunin niya. Iyan ang napagkasunduan namin."

Tumango si Mika atsaka tiniklop ang laptop. Tumingin na siya sa'kin. "Hindi ka pa ba uuwi?"

Oo nga pala, kami lang ni Mika ngayon sa club room. Chia-san and the others can't make it today dahil may supplemental review daw sila pagkatapos ng proper class. Bakit sa section namin wala?

"Uuwi ka na?" balik tanong ko.

"Yep, magsisimula na akong mag-aral. Andami nating aaralin ngayon kaya hindi na ako magpapaabot next week para magsimula." Isinalid na niya sa kanyang bag ang laptop at iilang gamit atsaka isinukbit ito sa kanyang balikat. Muli siyang tumingin sa'kin. "Eh ikaw?"

Tumango ako. May deadline pa akong hahabulin maliban sa pag-aaral, kailangan 'kong matapos 'to bago mag-Friday. Bakit ba kasi nakalimutan ko? Marami kasing nangyari na 'di inaasahan. Heh. Sinagot ko pa ang sariling tanong.

Sabay na kaming lumabas ng club room ni Mika at bumaba ng Science building. Napag-usapan namin ang magaganap na Prefectural Qualifiers sa huling linggo ng buwan na ito. Pagkatapos kasi ng exam namin ay qualifiers na. Malamang marami ang pupunta at manunuod sa volleyball team.

"Hindi ako sigurado eh. Baka dito lang ako sa mga araw na iyon. Ewan ko kina Chia-san kung manunuod sila."

Kagaya ni Mika, hindi rin ako sigurado. Hindi pa kasi fix ang isip ko kung pupunta ba ako o hindi kasi malayo pa naman 'yun. May two weeks pa akong makapag-isip. Pero bakit kailangan ko pang pag-isipan ang bagay na iyon kung wala naman akong masyadong gagawin? Tsk! Bahala na nga.

"O siya, dito na ako, Kaita. Kita na lang tayo bukas," paalam ni Mika ng makalabas na kami sa gate. Nasa kabilang kalye kasi ang daan niya pauwi. Kumaway ako sa kanya.

Nang makalayo na siya, tumawid na ako sa daan.
"Kaita!"

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Mula sa sa gate ng academy, nakita ko si Tendou na kumakaway gamit ang dalawang kamay, nakangiti pa ito. Sa tabi niya ay si Ushijima na nakatayo lang at pinagmamasdan ako sa malayo. Nakasuot sila ng kanilang jacket at jogging pants.

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Where stories live. Discover now