| 19 | - Lucky Charms

56 1 0
                                    

Chapter 19 - Lucky Charms
   

[ KAITA ]

Mabilis lumipas ang dalawang linggo. Parang kisapmata lang na nagdaan ang preparation week at exam week. Sa dalawang linggong iyon, walang masyadong nangyari. Nang malaman ni Sein na makakapunta ako sa Sendai City Gymnasium para sa Prefectural Qualifiers, nagtampo siya sa'kin ng dalawang araw (talagang OA lang siya) — Sabado at Linggo. Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit pati kaming taga-Photojournalism Club ay dadalo. Ayon, nahimasmasan nang Linggong 'yun at niyaya ako sa bahay nila na magreview.

Preparation week para sa exam. Lunes, ay ibinigay na sa club namin ang schedule kung sino ang pupunta sa unang araw ng qualifiers hanggang sa huling araw nito — ang finals. Sad to say, natungtong ako sa huling araw. Ayos lang din sa'kin kahit last day ang schedule ko, atleast may pagkakataong makakanuod ako.

The rest of the day ay ibinigay sa amin para makapag-review. Bumalik kami ni Sein sa library para doon mag-aral, pinaalalahanan pa kami ng librarian bago pumasok na huwag mag-inggay. Hindi niya talaga kami nakakalimutan.

"Opo, Mrs. Wataru, wala ka pong maririnig sa amin," paninigurado ni Sein sa librarian sabay taas-baba ng kanyang kilay. Napa-face palm na lang ako sa isip dahil sa ginagawa ni Sein. Sana hindi na kami mapapalabas sa pagkakataong ito.

"Siguraduhin mo lang, Ms. Tachibana," sabi ng librarian bago nilagyan ng stamp ang library pass namin. Inabot niya ito sa amin at tiningnan kami ng maigi, inuukit na niya sa utak ang mga mukhang 'to. "Walang ingay at chismis," paalala niya bago kami pumasok.

Tumango kami. "Opo. Thank you, Ms. Wataru."

Nang gabing iyon, doon ako tumuloy sa bahay nila ni Sein para makapag-review ng maayos. Nagsimula na kasing mag-ingay si Tsutomu, at puro boses niya ang naririnig ko sa bahay. Ano ba naman kasi, siya yung tipo na kapag may isinasaulo, kailangang naririnig niya ang sinasabi para pumasok talaga sa utak.

Hindi ko naman siya mapapatahimik dahil ganon talaga siya kapag nag-aaral. Mismong ako na lang ang nag-aadjust para sa kanya tuwing may exam at ako kina Sein nag-rereview gabi-gabi.

Martes at Miyerkules, ganon din ang ginawa namin nung Lunes. Pwera na lang hindi kami sa library tumambay kundi sa gazebo na kaharap ng cafeteria. Wala lang, for a change? Ewan ko ba kay Sein kung bakit dito niya naisipang mag-aral. Hindi naman kami pinalabas ulit ng librarian nong nandon kami sa library.

"Bibili muna ako sa loob ha. Anong gusto mo?" tanong niya nang maubos ang kinakaing curry bun. Hindi pa nga ako nangangalahati sa'kin pero siya magdadalawa na.

Umiling ako. "Okay na'ko dito," tukoy ko sa tinapay.

"Eh drinks?"

Tumingin ako sa water bottle ko na kalahati pa lang ang nauubos. Umiling ulit ako. "'Di na kailangan. Salamat."

"Okay, sabi mo," hindi na niya ako kinulit at agad pumasok sa kalapit na cafeteria.

Napailing lang ako sa sarili. Sa dalawang araw na nandito kami sa gazebo, walang oras na hindi nauubusan ng pagkain si Sein. Sa tabi niya ay may nakalatag o nakareserve na chichirya at maiinom. Kung mauubusan man, ayun papasok ng cafeteria para bumili.

Tiniklop ko ang binabasang notes nang makita si Sein na papalabas ng cafeteria. Pinagmasdan ko lang siya at hindi man lang tinulungan habang papalapit sa pwesto namin. Sa isang kamay niya ay may hawak na tig-iisang curry at pork buns habang ang drinks naman sa isa.

Ngumiti siya nang makarating. Inilapag niya ang pinamili at nagsimula nang kumain. "Kakatapos lang nating mananghalian, hindi ka pa rin nabubusog?"

Umangat ang tingin niya sa'kin atsaka umiling. "Hindi ako nabusog dun sa kinain natin."

"Paanong naging hindi? Kinain mo nga rin yung akin nang hindi ko maubos."

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt