| 15 | - Just with you

74 3 0
                                    

Chapter 15 - Just with you

"Seryoso?"

Sa dinami-dami ng pwede kong sabihin, iyan talaga ang unang lumabas sa bibig ko. Alam kong ako ang tinutukoy ni Ushijima at ramdam ko din na hindi siya nagbibiro. Pero teka lang...seryoso talaga? Ako ang batang babae na kasama niya sa litrato? Paano nangyari yun? Bakit wala akong naaalala?

Napahawak ako sa sentido at inalala ang pangyayaring sinasabi ni Ushijima. Talaga bang nagkita na kami noon? Kaya ba pamilyar ang batang babae sa litrato dahil ako yun?

Hindi ako makapaniwala.

Fated?

Ako at si Ushijima?

Tumingin ako sa kanya. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kahapon sa cafeteria. Ano kaya ang sasabihin niya pagkatapos ng Prefectural Qualifiers na dapat kong abangan? What does he mean by that?

"Oi, ako ba talaga ang batang 'yan?" pagkukumpirma ko sa litratong hawak niya. "Hindi ka naman talaga nagjojoke?"

Bumaba ang tingin niya sa hawak at tumango. "What I said was true. Why? You forgot?" bakas sa boses niya ang panghihinayang sa tanong ko. Napakagat ako sa ibabang labi. Hindi ko naman nakalimutan eh. Wala lang talaga akong maalala.

"S-Sorry," tanging nasabi ko at napayuko. Nagi-guilty tuloy ako dahil wala man lang akong maalala tapos siya ay halos ilang taong na palang naghihintay sa pagkakataong ito. Gosh, nakakahiya. Dahan-dahan kong sinulyapan si Ushijima para tingnan ang naging reaksyon niya pero agad rin akong nagbawi ng tingin.

I shouldn't looked at him.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya. "You don't remember me at all," biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. "It's okay. Hindi mo naman kailangang alalahanin, hindi naman importante."

Agad umangat ang ulo ko sa pagkagulat nang dahil sa sinabi niya at kita kong ibinalik niya sa wallet ang litrato pero hindi na sa orihinal na pwesto nito.

No.

Pinigilan ko ang kamay niya. "I want to remember it, Ushijima-san."

***

Magkatabi kaming nakaupo sa pinakaitaas ng mga bleachers habang nanunood ng basketball practice. Sa ibaba namin ay may iilang nakikinuod at kadalasan dito ay mga fangirls ng team. Maingay, magulo, at halos tilian ang nangingibabaw sa buong gym. Hindi ko man lang maisingit ang pag-uusapan namin ni Ushijima. Mali yata ang napili naming lugar.

Inilapag ko sa gilid ang hawak na paper plate na may lamang takoyaki atsaka sumimsim ng iced tea. Sumulyap ako ng bahagya kay Ushijima at seryoso siyang nakatingin sa court. Ilang segundo pa ako tumitig sa kanya bago nagpasyang magsalita.

"Gusto mo takoyaki?" wika ko na ikinalingon niya sa'kin. Kinuha ko sa gilid ang paper plate at inilahad sa kanya. Ilang subuan na lang sana kaso busog na ako, ayoko namang itapon. Ngunit hindi niya ito tinanggap. "Ayaw mo?" tanong ko ng dumako ang tingin niya sa akin.

"Ubusin mo 'yan," sagot niya.

Nailayo ko naman ang hawak atsaka tumusok ng isa. "Ayaw mo talaga? Hindi ka ba nagugutom? O gusto mong iced tea?" offer ko sa hawak na plastic cup.

"Just finish them already," sabi niya at muling tumingin sa court. "So we can talk freely."

Sa sinabi niyang yun, agad kong inubos ang takoyaki at iced tea na wala pang tatlong minuto. Gusto ko nang marinig ang kwento niya tungkol sa kung paano kami nagkakilala noon. Para akong naexcite sa malalaman. Nang matapos ako, itinabi ko ang paper plate at plastic cup atsaka humarap kay Ushijima.

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon