| 20 | - One more time

48 1 0
                                    

Chapter 20 - One more time



[ KAITA ]

"Wow, sobrang handa na nila oh," napalingon ako sa harap ng main building at nakita ang tatlong school bus ng Shiratorizawa na gagamitin ng cheering squad, cheerleading team, at ng banda. "Anong oras daw magsisimula ang unang round?"

"Nine daw," sagot ko kay Sein. Papalabas kami ng main building nang saktong nakita namin ang senaryong yun.

Thirty minutes na lang ang natitira bago sila aalis papuntang Sendai City Gymnasium. Hindi ko alam kung okay na ba si Usui at handa na sa pag-alis, sabi niya sasabay daw siya sa bus ng cheering squad. Nakababa na kaya siya sa Science building? Nadala niya ba ang mga gamit na kakailanganin?

"Talaga namang nakakainggit ang mga club na pinayagan. Alam mo yun...yung gusto mo rin sanang sumama."

Napalingon ako kay Sein nang mahimigan sa kanyang boses ang pagkabitter. Pinaparinggan yata ako nito eh. Aakma sana akong magsasalita nang winasiwas niya agad ang kamay sa harapan ko. "Shhh kana. Alam ko ang sasabihin mo."

Muli kong tinikom ang bibig at nagkibit-balikat na lang. Nang marating namin ang dulo ng hallway na nagkokonekta sa main building at sa building namin, lumiko kami sa kaliwang pasilyo kung saan nandoon ang mga lockers.

"Kumusta nga pala ang date niyo?" tanong niya habang pinapasok ang ibang gamit.

I pursed a suppressed smile nang maalala ang pinanggagawa namin ni Ushijima no'ng Sabado. I can't help but to smile inwardly on how he showed me those sweet sides of him. I sighed dreamily and looked at Sein. "The best."

"Woah," nasarado ni Sein ang locker atsaka lumapit sa pwesto ko.  Bakas sa mukha niya ang kuryosidad. "Paanong 'the best'? Magkwento ka nga."

"Huwag na, baka mainggit ka pa," biro ko at isinarado ang locker.

"Grabe siya, inggit agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang malaman. Alam mo..." turo niya sa'kin. "May hunch ako sa naging date niyo eh. Alam mo kung ano?"

Kumunot ang noo ko at umiling. Malay ko ba sa pinagsasabi nito.

Bigla niyang sinundot-sundot ang tagiliran ko at sumilay sa kanyang labi ang isang ngiting aso. "Kayo na 'noh? Ayieee. Tama ba ako? Ha? Kaya ayaw mong magkwento kasi kayo na."

Hanggang sa makarating kami sa classroom, hindi nawala ang pang-aasar at pag-iinsist ni Sein na kami na daw ni Ushijima. Ginawan niya pa ako ng senaryo kung paano ko sinagot si Ushijima at saang lugar nangyari. Unfortunately, walang nangyaring ganon. Ilang beses ko rin siyang sinabihan na hindi kami ni Ushijima.

"Hindi ako naniniwala. Pakiramdam ko talaga kayo na eh," ayan na naman ang pag-iinsist niya.

"Hindi nga. Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Gusto mo kay Ushijima ako magtatanong? Sigurado akong hindi yun magdadalawang-isip na sabihin ang totoo."

"A-Ano?" nagulat ako sa sinasabi niya. Minsan talaga hindi na nakakatuwa ang mga biro ng babaeng 'to. "Tumigil ka nga Sein. Ako na ang nagsabi, hindi nga kami."

Binelatan niya ako. Aba!

"Kaita, may gustong kumausap sa'yo! Nasa first floor."

Napahinto ako sa pag-amba kay Sein nang may tumawag sa'kin mula sa pinto. Pepektusan ko lang sana ito kahit isa lang kaso nasagip ng kaklase naming taga-hatid ng balita. Napakamot ako sa ulo bago tumayo. Muli kong binalingan si Sein na may mapang-asar na tingin. Parang sinasabi niyang 'Alam ko kung sino ang kakausap sa'yo' look. Eh ano ngayon?

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang