| 27 | - For the Last Time

58 1 2
                                    

Final Chapter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Final Chapter

Sa isang coffee shop malapit sa ospital naisipan nina Mrs. Ishikawa at Ushijima na mag-usap. Mangilan-ngilan lang ang taong nasa loob kung kaya't hindi sila nahirapang makahanap ng bakanteng mesa. Amoy sa buong paligid ang aroma ng bagong gawang kape. The relaxing music in the background also helps to relax everybody who visits. Sandali pa'y lumapit sa kanila ang isang waiter.

"Good evening, ma'am, sir. Ano pong order niyo?" tanong ng waiter sa kanila.

"Ano'ng gusto mo, hijo? Mag-order ka lang, ako ang magbabayad," sabi ni Mrs. Ishikawa kay Ushijima bago hinarap ang waiter. "Hindi lang ako mag-oorder."

"Okay po. Sa inyo, sir?"

"Uhm...isang hot coffee na lang."

Tumango ang waiter at isinulat sa dalang papel ang kanilang inorder. "Aabutin po ng five minutes ang order niyo, sir. Okay lang po ba?"

"Yes, that's okay."

"Okay po, maiwan ko po muna kayo." At umalis ang waiter.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Mrs. Ishikawa kung saan siya magsisimula sa kanyang mga tanong, ngayon niya lang kasi ulit nakita ang binata at pansin niya na animo'y may mabigat itong dinadala. Ayaw niyang biglain ito sa kanyang mga tanong. Si Ushijima naman ay hindi makatingin ng direkta kay Mrs. Ishikawa. Hindi niya inaasahang makikita siya ng ginang sa labas ng ospital habang pinapanuod lamang si Kaita sa lobby. Nahihiya siya sa ginawa, wala siyang mukhang maihaharap dito.

"Kumusta ka naman, hijo?"

Naangat ni Ushijima ang kanyang tingin sa ginang nang magsalita ito. "Okay naman po ako, tita."

Ngumiti si Mrs. Ishikawa at tumingin sa labas ng coffee shop. Nagsisimula nang sumindi ang mga ilaw sa daan at nagbibigay buhay sa mga taong naglalakad. Huminga ng malalim si Mrs. Ishikawa at muling tiningnan si Ushijima, nandun pa rin ang kanyang mga ngiti.

"Bakit hindi ka na bumalik? She misses you a lot. Hinahanap-hanap ka niya."

Napayuko si Ushijima. Alam niya 'yun. "I'm sorry for not showing up, tita."

"Bakit? May problema ka ba sa mga panahong 'yun?"

Hindi agad naka-imik si Ushijima. It looks like Mrs. Ishikawa can see through him. Parang alam nitong may dinadala siya at gusto nitong malaman. Umiling sa kaloob-looban si Ushijima. He can't tell Mrs. Ishikawa. May ipinangako siya. This is between him and Tetsuya only.

Napabuntong hininga lamang si Mrs. Ishikawa. Wala siyang magagawa kung ayaw man sabihin sa kanya ng binata ang rason. Ang gusto lang naman niya ay makatulong kung ano man 'yun. Sumandal siya sa upuan at sinabing, "I don't want to see my daughter get hurt,"
napalabi si Mrs. Ishikawa sa susunod na sasabihin. "Ayokong maging rude pero, nasasaktan si Kaita sa tuwing malalamang hindi ka dumalaw."

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Where stories live. Discover now