| 25 | - Decisive Decision

40 1 0
                                    

Chapter 25 - Decisive Decision

[ TSUTOMU ]

Gising na si Kaita...gising na siya.

Iyan ang tumatakbo sa isip ko simula nang umalis ako sa academy hanggang sa makasakay ako ng bus. Ni hindi nga ako natuloy sa practice dahil sa balita ni tita. She told me to be there as soon as possible, that's why the second thing I did was leave the academy. Sigurado akong magtataka ang buong team kung bakit hindi ako sumipot ngayon gayong alam nilang wala akong pinapalampas na practice. Yeah, volleyball is important to me, but Kaita is more important.

Nang huminto ang bus sa bus stop ng ospital, mabilis akong bumaba at tumawid ng kalye. Dala ko pa ang uniform at sapatos ko nang pumasok sa ospital, ni hindi ko alam kung mag-eelevator pa ba ako o maghahagdan dahil sa sobrang pagmamadali. Ang gusto ko lang ay makarating agad sa third floor, sa kwarto ni Kaita. Sa dalawang linggong paghihintay namin na magising siya, sa wakas, dumating ang araw na iyon.

Pagbukas pa lang ng pinto ng elevator, dali-dali kong tinungo ang kwarto ni Kaita at binuksan ito. Tumambad sa akin ang nangyayari sa loob - si tita na nasa tabi ng kama at alalang-alala pero bakas sa kanyang mukha ang saya at ginhawa, ang nurse at ang doktor na sinusuri si Kaita, at si Tetsuya na nasa tabi lang at tahimik. Lumapit ako kay tita at tumabi sa kanya. Nang mapansin niya ako, sumilay sa kanyang labi ang isang mapait na ngiti.

Doon pa ako lumingon sa kama ni Kaita.

"T-Tsutomu?" mahina pero malinaw na boses ang bumungad sa'kin. Then, she smiled weakly. "I-Ikaw ba 'yan?"

Wala na ang mga aparatong nakakabit sa kanya, tanging IV line at oxygen na lang ang natitira. Halos mapangalngal ako ng iyak nang makita siyang gising na talaga. Akala ko nang-gogood time lang si tita kanina pero hindi pala. Sa harap ko, nakikita ko ang mulat na mulat na mga mata ni Kaita. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at napasinghot, lumapit agad ako kay Insan.

"Na-Nakikilala mo pa b-ba ako, insan? H-Hindi ka naman na-amnesia, 'di ba? Sino nga ako?" sunod-sunod na tanong ang ginawa ko. Baka naman pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko. Baka na-amnesia nga siya tapos hindi pala kami nakikilala. Ngunit imbes na sagutin ako, nanatiling nakatingin si Kaita sa kisame. Hindi niya ba ako titingnan?

"Hindi siya nagka-amnesia, Tsutomu. She..." nabaling ang tingin ko kay Tetsuya sa kabilang gilid ng kama. He sat down on the bed nang umalis ang doktor para kausapin si tita. "She lost her eyesight."

Nanlamig ako sa kinauupuan.

"No...way," tanging nasabi ko dahil sa sobrang pagkagulat. Yumuko lamang si Tetsuya at maraang tumango. Then, it hit me hard. Kaya pala...kaya pala hindi man lang siya lumingon sa'kin nang makarating ako, tinanong niya lang kung ako ba daw ito. Iyon pala ay hindi na kailangan. My heart dropped instantly. Kung saan guminhawa na ang pakiramdam namin, nagkaroon naman ng panibagong pagsubok sa'min. "H-How?" tanging lumabas sa bibig ko. Wala akong ibang masabi. I am speechless.

Lumingon si Tetsuya kina tita at sa doktor na masinsinang nag-uusap malayo sa amin habang hinihinaan ang mga boses. "Let's hear it later."


[ SHIRATORIZAWA ACADEMY ]

"Wala pa ba si Tsutomu? Malapit na tayong matapos, ah. 'Kala ko ba papunta na siya?" palinga-lingang hinanap ni Tendou ang kaisa-isahang member na wala ngayon. Dapat nandito na ito kanina pa, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Kasalukuyan silang nagpa-practice match. "Hindi ba nagtext sa'yo, Shirabu?" tanong niya sa kasama.

"Hindi," ikling sagot lamang ni Shirabu atsaka si-net ang bola ang Reon. Kahit siya ay hindi rin alam, hindi naman siya babysitter ni Tsutomu na dapat laging updated.

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon