| 11 | - Rescued

133 9 0
                                    

Chapter 11 - Rescued

Nakahinga ako ng maluwag nang malamang walang galos o pasa ang natamo ni Nori. Pinaalalahanan din kami ng nurse na mag-ingat sa susunod. Bumalik na kaming tatlo sa building para ipagpatuloy ang ginagawa. Sinalubong si Nori ng mga nag-aalalang kaklase namin at kinamusta. Pero bago ako sumunod sa kanila sa loob, hinarap ko muna si Ushijima.

"Hindi ka pa ba babalik sa building niyo?" tanong ko ng mapansin na kanina pa siya nakasunod sa amin mula sa infirmary. Is he really that worried? Sa sobrang pag-aalala niya kanina, napayakap siya sa akin at sunod-sunod ang mga tinanong. Napakaweird niya.

Umiling siya. "Didiretso na ako sa gym pagkatapos nito," sabi niya kaya napatango na lang ako. Oo nga naman, saan pa ba siya pumupunta kapag tanghali. Malapit na ang qualifiers kaya kailangan nilang mag-ensayo ng husto.

Biglang bumukas ang pinto ng room. "Kaita, may pagmemeetingan daw muna tayo. Pinapatawag ka ni Seri," napalingon ako ng tinawag ako ni Cori.

"Sige, susunod ako." Sabi ko at muling hinarap si Ushijima at nagpaalam.

***

Kinagabihan, muling ginawa ni Kaita ang poster ng Karasuno sa sala. Next week ay pwede na niya itong ipublish at isubmitt sa kanila. Habang nag-eedit siya, kapansin-pansin ang ikinikilos ni Tsutomu sa harap niya, palakad-lakad tapos hihinto at ganun ulit. Tumingala siya sa pinsan at sinusundan ito ng tingin. Nakakadistract ito.

"Hoy, umupo ka nga. Kanina ka pa diyan ah," sita ni Kaita. Tumigil naman si Tsutomu sa ginagawa atsaka humarap sa kanya, nakapamewang at seryoso ang mukha. Kumunot ang noo niya. Ano na naman kaya ang kailangan nito?

"Narinig ko kay Taichi ang nangyari sa'yo sa school kanina. Wala ka bang sasabihin sa'min ni tita?"

"Wala. Ano ba dapat ang sasabihin ko? Aksidente lang ang nangyari," sagot agad ni Kaita.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

"Eh ano pala?"

Bigla na lang ngumisi si Tsutomu at makahulugan siyang tiningnan. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Kaita sa pagtataka. Hindi niya gusto ang pagmumukha ng pinsan ngayon. Para itong may masamang balak. Dahan-dahan niyang inabot ang lapis sa gilid atsaka mahigpit iyong hinawakan.

"Hoy, sabihin mo nga sa'kin kung ano na ang namamagitan sa inyo ni Ushijima. Nalaman ko kay Taichi na bigla kang niyakap ng captain pagkakita sa'yo sa infirmary. Nag-alala daw ito ng husto sa iyo ng malamang dinala ka doon."

Umawang ang bibig ni Kaita sa sinabi ni Tsutomu. Nabitawan niya ang hawak na lapis at gumulong iyon sa mesa hanggang sa mahulog. Pinipilit niya ang sarili na huwag na iyong maalala ngunit ang magaling niyang pinsan ay binuksan ang usapang yun. Napabuga na lang siya ng hangin at sumandal sa upuan.

"Tsk! Walang namamagitan sa amin ng lalaking yun. What he did to me at the infirmary caught me off guard. Ang weird ng ikinilos niya, hindi naman siya ganun ah," walang ganang sabi ni Kaita.

Totoo naman. Kahit nga ang mga tingin nito ay kakaiba kumpara sa orihinal nitong nakikita. Yung cold na mga matang yun, yung pakiramdam na ayaw niya sa'yo at higit sa lahat, yung pakiramdam na ayaw ka niyang makita.

"Ano naman ang naramdaman mo ng niyakap ka niya?"

Nagkibit balikat si Kaita. "Nagulat ako syempre. Hindi ko inaasahan yun eh. Bakit mo natanong?" balik tanong niya.

"Wala lang. Sige, akyat na ako. Good night," paalam sa kanya ng pinsan.

"Hmm, good night."

Bumalik si Kaita sa pag-eedit ngunit pumasok sa isip niya ang tanong ni Tsutomu. Napatigil siya. Walang ano-ano'y napahawak siya sa kanyang dibdib kung saan ang puso niya. Ano ba dapat ang maramdaman niya sa sandaling yun?

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Where stories live. Discover now