| 2 | - Lunch box

246 12 2
                                    

Chapter 2 - Lunch box

Nanliit ako sa sarili. Ikaw ba naman humarap sa nagtataasang volleyball members ng Shiratorizawa. Nakalinya sila sa harap namin ng manager ngunit ang tingin nila ay nasa akin. Pigil na pigil ko ang hininga sa sobrang bigat ng nararamdaman.

"Everyone! E-welcome natin ang representative ng Photojournalism Club, Ms. Ishikawa Kaita." Sinimulan na akong ipakilala ng manager nila. "Siya ang magiging photographer natin para sa bagong poster." Mas lalo nila akong tinitigan. Agad akong umiwas ng tingin.

Humakbang ako ng isa at yumuko sa harap nilang lahat at bumati. "Ishikawa Kaita. Yoroshiku." Kinakabahan ba ako?

"Hi Kaita! Nagagalak din kaming makilala ka. Sa wakas."  Agad naman akong napatuwid ng tayo. Isa-isa ko silang tiningnan at lahat sila ay nakangiti sa'kin. Hindi ko yun inaasahan. Ngumiti rin ako sa kanila kahit hindi ko alam kung bakit. Ipinakilala ako ng manager sa members ng Volleyball team. Una niyang pinakilala ang dalawang setter nila, si Kenjiro Shirabu at si Eita Semi. Sunod ay ang mga middle blockers —  Taichi Kawanishi at Tendou Satori. Ang libero nilang si Hayato Yamagata at ang huli ay ang Wing spikers nila.

"Ang sumundo sa'yo ay si Goshiki Tsutomu, isa sa mga wing spiker namin," Pakilala niya. "At iyang lalaki na nasa likod ay ang captain ng volleyball team, Ushijima Wakatoshi." Tiningnan ko ang itinuro ni Manager Akise. Siya rin yung nakita ko kanina na humampas ng bola bago ako makapasok sa gym.
Napakaseryoso ng mukha niya.

"Wakatoshi-kun, bumati ka naman kay Kaita. Nahiya ka pa!" Biglang sabi nung may pulang buhok, si Tendou. Inakbayan niya pa ito. Nagtawanan naman silang lahat ng tumalikod ang captain. "Ooohhh~ nahihiya siya!" Pagbibiro ni Tendou.

"Mag-practice na tayo." Sabi ng captain atsaka umalis. Sumunod naman silang lahat sa kanya at naiwan kami ni Manager Akise. Nilapitan niya ako at kinausap.

"Pasensiya ka na sa kanya, Kaita. Seryoso ang isang yun pagdating sa practice. Intindihin mo na lang." sabi niya. Tumango na lang ako. "Anyways, paano ka ba kukuha ng litrato para sa poster? Isa-isa mo ba silang kukunan o grupo na?"

"Silang lahat tapos pipili ako ng isa para sa jump shot."

"Woah, talaga? Sino naman ang napili mo?"

Pinagmasdan ko muna ang court kung saan nagsimula ulit silang magpractice. Sabi ni Chia-san kanina, ang gagawa ng mid-air jump shot ay ang ace ng team na ito. Sa nakikita, maaaring silang lahat ay pwedeng maging ace. Napakagaling.

"Sino sa kanila ang ace?" tanong ko. Hindi ko pa rin inalis ang tingin sa kanila, pinagmasdan ko sila ng mabuti.

Biglang tumawa si Manager Akise. "Siyempre ang captain!" Proud na sabi niya saka muling tumawa. Bumaling ako sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ko. Seryoso? Ang captain nila mismo?

"Totoo po?"

"Oo. Mukha ba akong nagbibiro?"

Pagkatapos ng practice nila, pinasuot sa kanila ng manager ang jersey uniform nila. Nagrequest kasi ako sa manager na kung maaari ay dapat nakajersey sila sa litrato para maganda tingnan. Ilang shot ang ginawa ko hanggang sa nakuha ko ang tamang litrato para sa poster. Ipinakita ko ito sa kanila pagkatapos.

"Wow! Ang cool niyan, Kaita!"

"Galing!"

"Ang ganda!"

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Where stories live. Discover now