| 7 | - Make your move

147 9 5
                                    

Chapter 7 - Make your move

Pinilit ko ang sarili na bumangon para sa araw na ito. Sunday ngayon at obligado kami sa Photojournalism Club na bumalik sa school para sa isang meeting. New sets of schedules na naman ang pag-uusapan namin kaya kailangan munang mai-arrange lahat at maiorganize bago simulan. Bigla akong napahawak sa batok. Mali ba ang naging posisyon ko sa pagtulog?

Sinubukan kong pagalawin ang ulo ngunit sa tuwing ginagawa ko yun, kumikirot ito. Medyo tumagilid rin ang ulo ko. Hindi maganda 'to. Pagkatapos kong maghanda sa sarili, bumaba na ako at dumiretso agad sa kusina.

Napansin kong wala si Tsutomu. "Ma, nasaan si Tsutomu?"

"Maagang umalis kasi may practice daw sila. Ngayon lang ata sila nagpractice ng Sunday. May laban ba sila?" sabi ni mama.

"Opo. Prefectural Qualifiers."

"Ganun ba? Eh, ikaw? Sa school din ba ang punta mo?"

"Opo. May meeting po kami. Uuwi na din po ako pagkatapos," tiningnan ko ang orasan sa sala at mag-aalas otso na pala ng umaga. Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na ang mga gamit at nagpaalam kay mama.

Nang makarating academy, dumiretso agad ako sa second floor ng Science Building. Dala ko na rin ang laptop atsaka ang camera in case maipagpatuloy ko ang pag-e-edit ng posters. Binuksan ko ang pinto ng club room at nadatnan ko na sina Chai-san, Mika, Ino, at Kiara. Wala pa sina Usui at Saito.

"Ohayo!" Bati nila ng makapasok ako.

"Ohayo."

Tumabi ako kay Chia-san  na ngayo'y busy sa paghahanda ng meeting namin. "Kaita, tapos mo na bang gawin ang poster ng volleyball team?" Tanong niya ng mag-open ako ng laptop para mag-edit.

"Malapit na po," sagot ko. Akala ko matatagalan ako sa pag-eedit pero kagabi lang ay nagawa kong tapusin ang isang poster.

"Oh, talaga? Ang bilis mo ah! Patingin nga." Tumango ako at binuksan ang folder kung saan nakasave doon ang posters. Una kong ipinakita kay Chia-san yung group poster. "Sugoi! Ang galing." komento niya. Sunod kong ipinakita ay kay Ushijima. Hindi pa ito masyadong maayos at kinakailangan pa ng mas detalyadong paggawa. "So far, it's good. Pwede mo nang e-release ang unang poster at gawin ng maayos ang ikalawa," tinapik niya ang likod ko. "Good job, Kaita."

Napangiti ako sa sinabi ni Chia-san at tumango. Maya-maya ay dumating na sila Usui at Saito kaya nagsimula na kaming magmeeting.

Unang agenda, ang High School at College Courier. Isa itong magazine ng school kung saan maraming e-fefeature na mga ganap sa loob at labas ng school. Mga events na sinalihan at dinaluhan ng ibang students. Nakapaloob din dito ang mga tula, short stories, at comics. Ang club namin ang bahala sa lahat ng pictures na ilalagay sa magazine kaya ang naatasang gumawa nun ay sina Ino at Kiara.

Ikalawang agenda, sina Mika, Usui at Saito ang gagawa. Ito ay ang Vogue Sport Magazine. Mapa-basketball, baseball, football, volleyball, name it. All inclined sports ay makikita at mababasa dito. Ang magazine ay mapapublish sa buong Miyagi Prefecture at kung sakali ay aabot pa sa Tokyo.

Pangatlo at huling agenda, ang Yearbook pictorial ng mga ga-graduate ngayong taon. Isa na ang aming president sa gagraduate na. Ibig sabihin, sa akin ibibigay ang assignment na ito.

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Where stories live. Discover now