| 8 | - Tag along

Magsimula sa umpisa
                                    

Bzzzt! Bzzzt!

Agad kong kinuha ang cellphone at agad iyong sinagot. "Kaita, nandito na ako sa labas kaya lang may problema." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi ni Keita.

"Bakit, anong nangyari?" tanong ko. Kinakabahan ako sa sinabi niya, sobrang seryoso. Hindi ko gusto ang tono ng boses niya.

"Hindi mo naman sinabing may mga kasama ka pala. Pumunta ka na agad dito, kinukulit nila ako."

Kasama? Paano naman ako nagkaroon ng kasama? Binilisan ko ang paglalakad patungong gate at nakita ko ang sasakyan ni Keita. Kung sino man ang sinasabi ni Keita na kasama ko, malilintikan talaga sa'kin. Paano naman ako nagkaroon ng kasama e, wala naman akong pinagsabihan.

Lumapit ako sa kotse ni Keita at kumatok sa bintana. Agad naman iyong bumaba kaya sumilip ako. "Keita," pansin kong problemado ang mukha niya. "Saan na yung sinasabi mong kasama ko?"

Tinuro niya ang backseat. Sumilip ako sa likod at laking gulat kong nandoon sila Kenjiro, Hayato, Taichi at si....Ushijima. Ano bang kabaliwan 'to? Ngumisi silang tatlo sa'kin pero umiwas ng tingin sa'kin si Ushijima. Sila ba ang ibig sabihin ni Keita na kasama ko?

Kaya pala ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita silang tatlo kanina na papalayo sa gym, dito pala ang punta nila. Pero mas lalong hindi ko inaasahan na makita dito si Ushijima. Siya yung captain...Napabuga ako ng hangin at napakamot sa batok.

"Pagkarating ko, nakita ko na sila sa labas ng gate, mukhang may hinihintay. Tapos ng makita nila akong dumating, agad silang sumakay dito sa kotse ko. Nagulat nga ako." Paliwanag ni Keita.

Muli ko silang tiningnan isa-isa. Paano naman kaya nila nalaman ito? Sinong nagsabi?

"Hi, Kaita! Sama kami ha!" Sabi nilang tatlo. Napahilot ako sa sentido dahil sa inis. Talagang iniwan nila ang practice para sumama? At apat pa talaga sila?

"Ushijima-san," bumaling ako sa lalaking may seryosong mukha. "Umalis talaga kayo sa practice para sumama? Alam ba ito ng manager at Coach Washijo? Ha?"

"Sabi nila, pinayagan sila ng coach." Si Keita ang sumagot. Mas lalo akong nainis. Alam ba nila na bawal ang ginagawa nila? Mag-iisip ang kabilang team na maaaring nag-eespiya sila.

Matagal akong napatitig sa kanila at napagdesisyunang isama na lang. Pumasok na rin ako at sa passenger seat ako umupo. "Pasensiya ka na, Keita. Hindi ko alam na mangyayari ito." Nilingon ko silang apat na tahimik lang na nakaupo. "Pagkarating natin dun, huwag kayong gagawa ng kahihiyan. Magsiayos kayo. Ayoko nang sakit ng ulo."

"Hai!" Sagot nilang tatlo.

Napatingin ako kay Ushijima na tahimik lang at nakatingin sa labas. Walang pakialam sa nangyayari. Bumaling ako kay Keita. "Tara na."

***

Nang makarating na kami sa Karasuno High, unang bumaba si Keita sa kotse at sumunod ako. Bumaba na rin ang apat na parang isinama talaga. Hindi gaano kalaki o kalapad ang Karasuno High kumpara sa Shiratorizawa Academy.

"Ililibot ko muna kayo dito bago tayo dumiretso sa gym." Sabi ni Keita kaya sumunod na kami sa kanya. Pumasok kami sa main building ng school at sinalubong kami ng mga estudyanteng busy sa kani-kanilang buhay. Dinala kami ni Keita sa library, cafeteria, school grounds, at huli ay sa staff office. Ipapakilala niya daw muna ako bago kami tumuloy sa gym. Pinagbuksan niya kami ng pinto at naunang pumasok. May kinausap siya na isang guro bago bumalik.

"Takeda-sensei, siya yung sinasabi kong gagawa ng poster niyo. Kaibigan ko galing Shiratorizawa Academy, Ishikawa Kaita." Pagpapakilala ni Keita sa'kin. Yumuko ako at bumati.

Ngumiti naman si Takeda-sensei at bumati rin. Siya siguro ang supervisor ng volleyball team dito. "Ah, sensei. Pasensiya na po kung may kasama ako dito, talagang supportive sila pagdating sa ganitong bagay." Sabi ko at itinuro ang apat sa labas.

Bigla na lang nataranta si Takeda-sensei ng malaman kung sino ang mga kasama ko. "Ahh, ayos lang, Ms. Ishikawa. Na-naiintindahan ko." Bumaling ako sa apat na ngayo'y napakaseryoso ng mga mukha. Ibang-iba sila bago nakarating dito.

"Sensei, pupunta na kami sa gym para makapagsimula na." Paalam ni Keita.

"S-sige. Susunod ako."

Ako lang ang pinapasok ng manager nila sa loob ng gym. May practice daw ang team nila kaya ayaw nilang madistract ang members dahil makakalaban nila ang school namin. Bago ako pumasok, pinagsabihan ko silang apat na huwag aalis sa pwesto at manggulo sa klase. Sumang-ayon naman sila. Sa loob, pinakilala ako ni Kiyoko-san sa team niya at sa coach nilang si Coach Ukai.

Pagkatapos ng ilang pagpapakilala, nagsimula na kami. Nagset na ako ng camera para sa pagkuha ng bawat pose na gusto ng isang member na sasakto sa gagawing poster. Excited naman silang nagbihis ng kanilang uniform kaya hindi kami nagtagal. Kinuhanan ko sila ng picture base sa number ng jersey nila.

"HAHAHAHA! Hinata, sa dinami-dami na pose na pwedeng gawin, ganyan lang? Pwede ba yung nakakaagaw pansin?" Biro nila kay Hinata habang kinukunan ko. Kinuyom niya lang ang kamay niya saka seryosong tumingin sa camera.

"Ito lang ang alam ko eh!" Depensa niya sa sarili. Pinagtatawanan ulit siya kaya sabi ko ayos na. Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na kami. Ipinakita ko sa kanila ang nakuhang pictures.

"Sugoi~ ang galing ni Kaita-senpai!"

"Hindi naman. Bukas ulit ay babalik ako para sa picture niyong lahat kasama ang managers at coaches." Sabi ko atsaka ngumiti.

"Okay, aasahan ka namin, Kaita." Si Daichi, ang captain nila.

Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit para bumalik na sa school. Nagpasalamat naman si Kiyoko-san, Yachi, at Coach Ukai sa'kin. Kung hindi daw dahil kay Keita ay hindi sila magagawan ng poster. Inihatid kami ni Kiyoko-san sa labas ng gym habang may ilang suggestions para sa posters nila.

Muli kaming inihatid ni Keita pagkatapos. "Susunduin ulit kita bukas. Same time. Dapat wala ka ng extra baggage." Paalala niya sa akin.

Natawa naman ako. "Okay, Miss President," pilyang sagot ko. Inihinto na ni Keita ang sasakyan sa harap ng main gate atsaka kami lumabas. Nagpasalamat naman ang apat kay Keita bago naunang pumasok. Sinundan ko sila ng tingin. "Pasensiya kana sa apat na yun ha."

"It's nothing. Siguraduhin mo lang bukas na ikaw lang. Baka pumuslit na naman ang apat na 'yan. Sige, aalis na rin ako. Salamat sa uulitin, Kai."

Tumango ako sa kanya. "Walang anuman, Kei. Mag-iingat ka." Atsaka niya pinaandar ang sasakyan at umalis na.



~*~

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon