| 7 | - Make your move

Start from the beginning
                                    

"Ahh, malapit kong makalimutan." Biglang saad ni Chia-neesan pagkatapos sabihin ang gagawin namin. Bumalik siya sa kanyang table at may kinuha. "Kaita, merong special request sa'yo. Pinadala ito kanina," binasa niya ang hawak na papel. "Galing sa nagngangalang, Minami Keita ng Karasuno High. Sabi niya, nirecommend ka niya sa isang Volleyball Club din sa school na iyon. Dalawang araw lang ang nirequest nila — Monday at Tuesday next week. Poster din ang ipapagawa nila para sa Prefectural Qualifier. Kaya mo ba?"

Sabi ko huwag na siyang magpadala ng request dahil ako na ang bahala pero ginawa niya pa rin. Napag-usapan na namin ito kahapon.

"Opo."

"Okay. So, wala na bang magtatanong o any comments sa meeting natin?" Tanong ni Chia-san.

"Wala na po."

"Okay, hanggang dito na lang ang meeting natin. Pwede na kayong magpatuloy sa ginagawa."

Kaniya-kaniya na kami sa tinatapos na assignments bago simulan ang bago. Ako naman, ipinagpatuloy ko ang pag-eedit sa poster ni Ushijima. Mag-isa lang ako dito sa round table  dahil ang ibang kasamahan ko ay nandoon sa kani-kanilang mga mesa nagtrabaho. Kailangan ko na itong matapos agad bago ako pupunta sa Karasuno.

"Kaita, bibili ako ng maiinom. Baka gusto mo ring magpabili." alok sa akin ni Kiara. Sunod-sunod ang pagtango ko na hindi inaalis sa laptop ang tingin. "Okay."

"Thanks."

Rinig ko ang pagbukas nang pinto ng club room. Itinaas ko ang dalawang paa sa upuan at komportableng ineedit ang ikalawang poster. "Ha? Ah si Kaita ba? Ayon oh, busy sa pag-eedit ng poster niyo...Sige pasok lang." Rinig kong may kausap si Kiara sa labas. "Ikaw ha, bawal 'yan. Against the rules. Oi Kaita, may kliyente ka."

"Okay," Nasaan na ba yun? Naniningkit na ang mga mata ko kakahanap ng isang picture nila. Nandito lang yun eh.

"Hindi pa ba 'yan tapos?"

Umangat ang tingin ko sa gilid at inayos ang suot na salamin. He was looking down on me with his cold eyes. Kulang na lang ay titirisin na niya ako sa paraan ng pagtingin niya. Ano nga pala ang ginagawa niya dito?

Sumandal ako at pinagkrus ang mga kamay. "May maiitulong ba ako?"

"Para sa'yo." Sabi niya at may inabot sa'kin na isang paper bag. Napatingin naman ako dun. "Tanghali na at mukhang hindi ka pa kumakain." Muli kong ibinalik sa kanya ang tingin. Talagang nag-abala pa siyang pumunta dito para bigyan ako ng makakain? What's this? Peace offering for what he did last night? No, hindi iyon big deal sa kanya.

I don't really know his reason. Should I ask him?

"What's with you?" Kunot noo kong tanong. Hindi ko pa rin kinuha ang hawak niya. "May umihip bang magandang hangin sa'yo, hmm?" Napaka-unpredictable ng taong ito. Magugulat ka na lang sa ikinikilos niya. Kagaya ngayon.

"Ayaw mo?"

Humarap ako sa laptop. "Ilagay mo na lang dyan sa mesa. Kakainin ko yan kapag gutom na ako. Salamat." At nagpatuloy sa ginagawa. Ayokong mag-isip ng kung ano sa lalaking 'to. Hindi pa kami gaanong magkakilala. Giving him cold shoulders and setting our boundaries are the best choices to stay in our own places.

Pansin kong ipinatong niya ito sa mesa.

"Oh, ikaw pala Ushijima! Napadalaw ka yata? Maupo ka muna." Alok sa kanya ni Chia-san. Nawala ang konsentrasyon ko ng maupo siya sa tabi ko.

"Gusto kong makita ang progress ng poster namin kung maaari." Sagot niya atsaka tumingin sa'kin. Pinindot ko naman ang folder kung saan naglalaman iyon ng poster nila at ipinakita sa kanya. "Okay, it's good. Kailan matatapos yung akin?"

"Malapit na. Maaaring ngayon." Ikling sagot ko.

Nagulat kami nang biglang tumawa si Chia-san. "You two are getting close, huh?" At isa-isa niya kaming binigyan ng kakaibang tingin. "Masaya ka na ba Ushijima sa kung anong meron ngayon? Ang hiningi mo ay tinupad ko na. You should be happy at least." Napatingin ako kay Chia-san at Ushijima. What's with their look? Parang nag-uusap ang kanilang mga mata. May pinagkasunduan ba sila na hindi namin alam?

"Not enough, Chiaki."

"Ohh~ you're getting selfish. Not good, Ushijima." Umiling si Chia-san atsaka tumayo. "Kung ako sa'yo, make your move already. Who knows..." at binigyan niya ng isang makahulugang tingin si Ushijima bago umalis.

Bumaling ako sa lalaking katabi. "Ano yun?"

"Wala kana dun," atsaka siya tumayo. Lumabas na naman ang kasungitan niya. Ano ba talaga ang problema niya? Hindi ko talaga alam. "It's good to know that you don't have a clue about it." Sabi niya atsaka umalis.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano daw?



~*~

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Where stories live. Discover now