Chapter 62: Forever

Start from the beginning
                                    

"Asawa ko yan eh" nagsitigil naman sa pagtawa ang mga babae. Tumayo si Charles at inakbayan ako.

"Sure ka?" tanong nung babae kaya tumango naman si Charles.

"Uwi na kami ng asawa ko. Bye girls" at pagkatapos ni Charles kawayan sila ay hinarap niya ako at hinalikan sa labi. Ayoko sana pero nang maramdaman ko na ay parang ayoko nang kumawala pa dahil na miss ko ang labi niya. Tinigil niya na ang halik kaya nabitin ako.

Naglakad na kami pero hindi na siya nakaakbay sa akin kaya hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Bati na tayo?" tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"Hindi. Sinabi ko lang yon para lubayan na ako ng mga babae kanina. Feeling mo naman" natulala ako sa sinabi niya at hindi ko napansin na nauna na pala siyang naglalakad sakin hanggang sa iniwan niya na ako dahil sa sobrang bilis niyang maglakad.

"Feeling mo naman. Feeling mo naman. Feeling mo naman. Aaaaarggghh!" masyado niya namang pinapahirapan ang babae.

Naunang nakarating si Charles sa simbahan at nahuli ako dahil medyo hininaan ko ang paglakad ko. Parang ayaw pa rin akong kausapin ni Charles. Ano na talagang gagawin ko?n Seduce him? No way. Sa simbahan kami tumutuloy kaya dapat hindi ako nag-iisip ng ganung mga bagay. Chill Euphy! Magkakaayos din kayo.

Naglalakad na ako papunta ng kwarto ko nang makita ko naman si Charles na papunta yata sa kwarto niya habang sapong-sapo ang likod.

"Charles, ayos ka lang ba?" walang imik. Sinundan ko siya hanggang sa kwarto niya pero hindi niya pa rin ako sinasagot.

"Hey! Ayos ka lang ba kasi mukhang hindi ka okay" sabi ko dito. Umupo siya sa kama at laking gulat ko na lang nang hubarin niya ang suot niyang tshirt revealing his... abs.

"Hoy! Ano ba, magsuot ka nga" takip ko sa mata ko.

Teka? Kanina lang ay sinabi kong miss ko na ang abs niya, ngayon naman na kaharap ko na saka ko naman papatakpan.

Bigla kasi akong namula kaya ayan.

"Masakit ang likod ko. Imasahe mo ang likod ko." At dumapa siya sa kama niya.

"Ako?" turo ko sa sarili ko. Malamang ako. Wala namang ibang tao dito eh.

Nanginginig akong hawakan ang likod niya at gumagalaw ang mga kamay ko.

"Bilisan mo na. Ang sakit ng likod ko" inalis ko na yung kaba ko at sinimulan na siyang imasahe. Sa bawat diin ko ay umuungol siya at baliw na yata ako kasi ang sarap pakinggan sa tenga.

"Diinan mo pa."  Sinunod ko naman yung gusto niya kaya mas lalo kong diniinan.

"Aray. Dahan dahan naman"

"Sorry po!" dinahan dahan ko naman at siguro naging ayos na sa kanya.  Patuloy lang akong nagmamasahe sa matigas niyang likod. Parang gusto ko tuloy na yakapin siya.

"Bat ang bagal naman? Bilis bilisan mo!" sigaw niya. Ang arte! Pasalamat siya at willing akong imasahe ang likod niya. Maya-maya ay biglang nagpalit siya ng pwesto. Ang dating nakadapa, ngayon ay nakahiga na that means nakaexpose sana sa akin ang abs niya.

"Imasahe mo rin ako sa may bandang tiyan ko. Masakit eh" napalunok na lamang ako. Tinupad talaga ni God yung dasal ko kanina. Nakikita ko na nga ang mga pandesal niya.

"Ma-masakit? Kung yung tiyan mo ang masakit eh di uminom ka na lang ng gamot. Hindi nagagamot ang sakit ng tiyan sa masa-masahe" aalis na sana ako nang bigla niyang hinigit ang kamay ko.

"Hindi yung tiyan ko ang masakit. Yung muscle sa may bandang tiyan ko. Ang dami ko kayang binuhat na mabibigat na bagay kanina. Sasakit at sasakit talaga ang katawan ko." Napakamot na lang ako sa batok ko.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now