Chapter 64: Back

158K 2.3K 131
                                    



Chapter 64: Back






EUPHY'S POV


"Sorry" narinig kong sabi ni Aries sakin.

Kasalukuyan kaming nandito sa may patio at sa may di kalayuan ay nakatayo si Charles na nakatingin sa amin. Binabantayan niya ang bawat galaw namin dahil ayaw niyang maulit muli ang nangyari nung nakaraan kung saan bigla na lang akong hinalikan ni Aries.

Kanina nang dumating kami ay naabutan namin si Aries na naghihintay sa amin. Nais niya daw akong makausap. Ayaw nga sanang pumayag ni Charles pero ako na mismo ang nagsabing magiging maayos din ang lahat. Pumayag naman siya, basta babantayan niya daw kami habang nag-uusap. Okay sana kaso pinalayo ko pa siya para hindi niya marinig ang pinag-uusapan namin at saka baka mamaya niyan ay bigla niya na lang sugurin si Aries.

"I'm sorry for kissing you last time. I should know where I stand" sincere niyang sabi sa akin. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Ano nga ba ang sasabihin ko? At saka, may dapat ba akong sabihin?

"Pero hindi ako nagbibiro nang sinabi ko sayong mahal pa rin kita. Totoo iyon" napalunok ako. Euphy. Wala ka bang sasabihin? Think, think.

"Ayos lang naman kung wala kang sasabihin. Ang mahalaga ay makinig ka sa sasabihin ko" hinarap niya ako sa kanya.

"Euphy, wala akong ibang minahal na babae kundi ikaw lang. Akala ko makakalimutan na kita pero nung muli kitang makita ay bumalik rin ang nararamdaman ko sayo noon. Tinanong mo ako diba kung bakit hindi ako nagkagirlfriend ng iba. Ang totoo niyan ay sinubukan ko. Sinubukan kong makipag date at manligaw ng ibang babae pero sa huli ay hindi ko magawa. Plano ko nga sanang ligawan ka ulit kaso nang nalaman kong may asawa ka na, gumuho ang mundo ko at alam kong hindi ko na magagawang kunin ka ulit. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko kaya kahit masakit ay susubukan kong kalimutan at pawiin itong nararamdaman ko sa iyo" tumango ako sa mga pinagsasabi niya. Kailangan niya ito.

"Huwag mo lang dapat subukan, kundi gawin mo." hinawakan ko ang kamay niya "Napakabuti mong tao at alam kong marami pa diyang babae ang magkakagusto sa iyo. Hindi nga lang ako. Thank you dahil maliban kay Charles at sa pamilya ko ay meron pa palang nagmamahal sa akin. Sorry din kasi hindi ko masusuklian.." naiiyak ako "..iyang pagmamahal mo sakin. But I love you as a friend"

"Hindi ka dapat mag sorry sakin. Sisihin mo itong puso ko." pareho na lang kaming natawa.

"So, friends?" tiningnan ko siya.

"Friends. Basta promise me, kakalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin" sabi ko sa kanya.

"Diba nagmomove on na ako? Nandito ako ngayo dahil magpapalaam na rin kasi ako. Last week ko na dito bilang doktor sa bayan na ito. Next month sa kabilang probinsiya naman ako maa-asign. Well, baka ito na rin ang last time na magkikita tayo." sabi niya sa akin.

"Huh? Ba't parang ang bilis naman. Pero that's good. Malay mo makilala mo na rin doon ang babaeng para sayo" nagkatawanan kami. Sana talaga ay makahanap na siya ng babaeng para sa kanya. Aaminin ko, nagi-guilty ako kasi hindi ko masuklian ang pagmamahal niya sa akin. Napakabuti niyang tao and he doesn't deserve to be treated like this.

"Last request" ani nito.

"Ano na naman iyan?" baka hihingi na naman ito ng kiss.

"Don't worry, I will not request for kiss. Just a hug, please?" pagmamakaawa niya at ang loko naka puppy eyes.

Marrying My Boss [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora