Chapter 7: What to do?

386K 4.2K 137
                                    

Chapter 7:What to do?

CHARLES' POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Mukhang naparami ata ang inom ko. May mga bote ng alak na nagkalat sa sahig. So, tama nga ako. Buti hindi ako nagsuka. Pero ayos lang, kung sakali man, may mga katulong naman na pwedeng luminis nun. Ano pang silbi ng katulong kung hindi mo papalinisin?

Tiniis ko na lang ang sakit ng ulo ko. Iinom na lang ako ng kape para mawala naman ng kahit konti ang sakit. 

Napansin ko, wala ako sa condo ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ng bahay namin., Tssk. Dito pala ako nakatulog. Sana naman hindi magalit si Dad na ininom ko yung mga alak niya. Tiningnan ko ang orasan. 6:05 am pa lang.

Kailangan ko ng umalis bago pa magising sina Mommy, tiyak papaulanin ako nun ng tanong. Bakit naman kasi dito pa ako natulog. Pwede namang umuwi na lang ako kagabi. Tssk. Tanga ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba na ng hagdan. Tahimik ang bahay kaya mukahng hindi pa gising si Mommy. Salamat naman.

"ehem"

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses iyon ni Mama. Nakatayo pa rin ako sa hagdan. Liningon lingon ko ang ulo ko pero hindi ko makita si Mama. Imagination ko lang ata yun.

Gagalawin ko na sana ang paa ko ng marinig ko na naman.

Saan ba nanggagaling yun? Sigurado akong boses iyon ni Mama.

"Alam mo bang masama sa isag dalaga ang hindi umuwi ng gabi?"

Iyon naman pala. Hindi ako ang kausap. Si Kelly. Mukhang kadarating lang galing sa kung saan. Buti hindi ako napansin ni Mama. Bumaba na ako ng dahan dahan. Pumunta na ako sa may likod ni Mama pero nahaharangan ako ng isang malaking figurine kaya hindi nila ako makita. 

"Ma, ikaw pala. Good Morning" Tuwang tuwa pa na sabi ni Kelly. Hindi niya ba napapansin na mukhang galit si Ma?

"Don't act like you didn't do something" Inis na sabi ni Mama. Lagot ka Kelly.

"Why Ma? Did I've done something wrong?" Ayan na. Mukhang nahalata na rin ni Kelly.

"Where have you been? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Pinag alala mo ako. I can't even contact you. Hindi ka na nga nag-attend nung hinanda kong dinner tapos hindi ka pa nagpaalam sa akin." What the? Akala ko papagalitan. Mukhang hinid naman galit si Mama. Nagtatampo lang.

"Ma sorry na.  Sorry kung hindi ako nag attend ng Dinner at umalis ako. Ano kasi.. Ano, yung ano, si ano, si.. si Euphy! Oo! Tama! Si Euphy, birthday niya kahapon kaya pumunta ako sa kanya kagabi, sinurprise ko siya at dun na din ko natulog. Euphy is my new best friend at the same time Kuya's Secretary" Napaghahalataang nagsisinungaling ka Kelly. 

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now