Chapter 5: That GIRL

428K 4.4K 450
                                    

Chapter 5: That GIRL

 

KELLY'S POV

 

[Kelly on the right side ---------------------------------------------->]


Nandito lang ako sa labas ng bahay namin. Nagpapahangin. Nakaupo ako ngayon sa bench ng Garden namin. Ayoko kasi pumasok sa loob. May masamang nilalang na nakapasok at hindi ako papasok sa loob hangga't hindi SIYA umaalis. Kung pwede lang sanang sabuyan ko ng holy water ang bahay para hindi na siya makabalik. And HELL dahil sinama niya pa parents niya dito. Ayan na naman siya sa 'Angel in Disguise' peg niya. Urgh.

Sigurado naman akong matagal pang aalis sila dito so nag-isip isip ako kung anong pwedeng gagawin. Hmmm?

Aha! Kung umalis na lang kaya ako? Maaga pa naman. Tama! Saan kaya ako pupunta?

Ayoko naman mag shopping. Wala ako sa mood. At saka, nasa room yung money ko. Ayoko naman mag shopping na Php5,000 lang pera ko sa wallet ko na kasalukuyang nasa bulsa ko ngayon. Ayoko naman kunin sa room ko dahil kailangan pang daanan yung Living Room kung saan nandoon yung masamang  nilalang. 

Si Mama naman kasi! Akala ko simpleng dinner lang ito together with Kuya Charles and Papa. Why are they invited I mean mas OK nang parents niya ang nandito but what the hell! Pati siya nandito! Aalis na lang ako kesa makasalo siya sa Dinner. 

*beep**beep*

 

Si kuya nagtext. 


Fr: KuyaKoooo

"Get inside. It's time to eat dinner.Mama's looking for you"

 

Siguro sa mga oras na ito, bad trip na si Kuya. I mean, BADTRIP na talaga siya. Ayokong makasalo sa pagkain yung babaeng iyon. Baka malagyan ko pa ng lason yung kakainin niya kaya I texted Kuya.

To: KuyaKoooo

 

Tell her na may pinuntahan ako. Don't worry babalik ako kapag wala na siya kaya GOOD LUCK! :P Hehehehehe.

Sa oras na mabasa ito ni Kuya alam kong hindi niya maiiwasang hindi mainggit sakin. Alam kong gusto niya ring umalis kaso nandun si Mama. Hindi naman niyang magawang paalisin ang bisita, magagalit tiyak si Mama. Poor kuya.

Hindi na nagreply si Kuya dahil alam niyang hindi niya ko mapipilit na sabayan sila. Alam niya kung gaano kalaki ang galit ko sa kanya.

Sumakay na ako sa kotse ako at nagdrive. Magdadrive n lang ako kung saan saan basta malibang ako.

*beep**beep*

And oh, tumunog uli ang aking oh so precious iPhone5. With shining glimmering Hello Kitty case and keychain which is pink. Akala ko si Kuya, hindi pala. 

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now