Chapter 52: Flashback

177K 2.8K 145
                                    

Chapter 52: Flashback

I was 15 years old that time. Halos limang taon na rin mula nung mamatay ang papa ko. At sa limang taon na yun ay sinubukan namin ni Mama na mamuhay na parang walang nangyari. Na parang hindi nawala si Papa sa amin.Alam kong mahirap pero dahil na rin sa tulong ng mga tao sa paligid namin lalong lalo na ni Tito, ang kapatid ni Papa na isang pari at nung kinakapatid ko na si Joseph ay unti-unti naming natanggap ang lahat.

 

Hindi nila kami iniwan at mas lalo tinatagan ni Mama ang loob niya na buhayin ako mag-isa.

 

Sobra-sobrang sakripisyo ang ginawa niya sakin and I love her so much.

 

Araw-araw siyang nagtatrabaho para lang mabuhay ako. Sa tuwing wala siya, iniiwan niya ako sa simbahan at inihahabilin kay Joseph at Tito. Ayaw niya kasi akong palaging nag-iisa sa bahay lalo na’t palagi rin siyang wala.

 

Pagkatapos niya sa trabaho ay susunduin niya na lang ako dun at sabay na kaming umuuwi sa bahay namin.

 

Isang araw habang pauwi kami ni Mama ay nagulat na lamang kami nang may makita kaming isang lalaking nakatayo sa harap ng gate namin. Mukhang may sadya yata ito sa amin o sa nanay ko. Nakatanaw kasi ito sa bahay namin.

 

Hindi ko siya kilala pero kilala pala ito ni Mama.

 

“Ernesto? Ikaw ba yan?” lumapit si Mama sa kanya at bigla na lang itong niyakap.

 

“Eunice, akala ko hindi na kayo dito nakatira” sabi naman nung lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang yata ni Mama.

 

“Ano nga palang ginagawa mo rito? Halika, pumasok ka sa bahay. Malapit nang maggabi kaya lumalamig na” pumasok naman sila sa bahay. Patuloy lang ako sa pakikinig sa usapan nilang dalawa. Halatang masaya silang dalawa nang magkita sila.

 

“Pwede bang dito muna ako makituloy? Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Puro kasi usok ng tambutso ang nalalanghap ko sa Manila” napansin ko naman na may dala siyang malaking bag.

 

“Aba’y oo naman” hay. Si Mama hindi na ako napansin. Busy sa bisita niya. At ano daw? Makikitira dito yung lalaki? Eh hindi ko nga yun kilala.

 

Bigla akong nacurious. Sino kaya siya? Di kaya boyfriend siya ni Mama?

 

Pero wala namang sinabi sakin si Mama na may boyfriend siya at sinabi niya rin sakin noon na wala siyang balak mag-asawa ulit. Base rin sa narinig kong pag-uusap nila ay matagal na silang hindi nagkikita.

 

“Ma!” tawag ko rito at dun niya lang naalala ako.

 

“Ay! Siya nga pala Ernesto” lumapit sa akin si Mama “Siya si Euphy, ang nag-iisa naming anak ni Philip.Euphy, siya ang Tito Ernesto mo. Kapatid ko yan kaya magmano ka” nagulat na lamang ako sa sinabi ni Mama.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now