Chapter 59: Together Again?

174K 3.3K 264
                                    

Chapter 59: Together Again?

 

EUPHY’S POV

 

“Hayan na. Nagamot ko na ang sugat mo. Huwag ka na lang gumalaw masyado nang hindi na dumugo. Bukas mismo ipagamot natin yan sa doktor” sabi ko kay Charles pero hindi naman ako nakatingin sa kanya. Kailangan ko pa ring umiwas.

“Euphy—“ hindi ko siya pinasalita.

“Dito ka muna daw sa kwarto ko magpahinga at saka...” tinuro ko yung suot niya “isauli mo na lang kay Tito yang damit na pinahiram niya” basang basa kasi ang damit niya.

Aalis na sana ako nang bigla na lang niya akong niyakap sa likuran.

“Dito ka lang Euphy. Alam mo bang miss na miss na kita. Di mo alam kung gaano mo ako pinag-alala nung umalis ka. Huwag mo na ulit gagawin yon” sabi niya sakin.

Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya.

“Paano mo ako nahanap? And to think na nagbyahe ka pa talaga sa oras ng bagyo. Tingnan mo tuloy yung nangyari sa kotse mo at sa sarili mo. Basta-basta ka na lang susuong sa hagupit ng bagyo” pangaral ko dito.

“Actually, yung Tito mo ang tumawag sa akin na nandito ka kasi hindi niya raw kayang magsinungaling sakin. Bumiyahe kaagad ako papunta dito, hindi ko naman alam na may bagyo pala” napahinga na lang ako ng malalim.

“Euphy, I love you. Alam ko na lahat, ayusin natin-“ pinatigil ko siyang magsalita.

“Bukas na tayo mag-usap, please? Kailangan ni Tito ang tulong ko, alam mo namang ang daming tao ngayon dito.” At pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Medyo humuhupa na ang napakalakas na ulan pero ang lakas pa rin ng hangin.

Tumabi ako kay Tito na kasalukuyang nakaupo rin pero kausap yung ibang evacuees. Nung mapansin niyang nasa tabi niya ako ay humarap siya sa akin.

“Kamusta si Charles?” tanong niya.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now