Chapter 60: Mess

163K 2.9K 203
                                    


Chapter 60: Mess

EUPHY’S POV

“Hanggang kalian mo balak mag stay dito?” tanong ko kay Charles.

“Diba sabi ko naman sayo, hindi ako babalik hanggat hindi kita kasama” dapat hindi na lang pala ako nagtanong.

“Eh paano kung ayoko?” sabay taas ng isa kong kilay.

“E di dito lang ako... sa tabi mo” sabay ngiti sakin ng pagkalapad. Kelan kaya susuko ang taong ito sa akin?

Halos 3 days na siyang nandito at kahit anong pagsuyo na ginagawa niya ay wala pa ring epekto sakin. Ilang beses na siyang nagmakaawa na patawarin ko na siya pero di ko pa rin siya binibigyan ng kasagutan. Actually, pinatawad ko na siya. Hindi naman kasi kaya ng puso ko na magalit sa kanya kaso tinitingnan ko lang kung gaano kahaba ang pasensya niya sa akin at kung gaano siya ka sincere na humingi ng tawag. Pakipot na kung pakipot pero gusto ko lang makita kung paano siya mag effort na ligawan ang isang tulad ko.

“Ganun? Paano kung sabihin kong magmamadre ako?” tanong ko dito.

“HOY HUWAG! Kasal ka na kaya!” bigla niyang hinigit ang kamay ko. “At saka hindi ka nababagay sa kumbento... kasi sa akin ka nababagay” ugh! Ayan na naman ang mga hirit niya. Nakupo! Hindi bagay! Kahit sa loob loob ko ay gusto kong tumili, hindi pwede. Kaya ang ginawa ko ay pinalo ko ang braso niyang may sugat.

“Aray!”

“Buti nga sayo!” iniwan ko siya at dirediretsong naglakad tungong kusina. Tutulong na lang ako maglinis dun.

****************

“Itigil mo na yang pagpapakipot mo sa asawa mo. Sa sobrang kakahintay niya magsawa yun” biglang sambit ni tito sa akin.

“Huh?” tinuro ko ang sarili ko. “Tito naman, ano ba yang pinagsasasabi niyo. Di naman po ako nagpapakipot ah” nakahalata yata ang Tito ko.

“Ikaw talagang bata ka. Sa tingin mo ba hindi ko napapansin na masyado kang natutuwa na pinapahirapan mo si Charles? Alam kong napatawad mo na siya pero ayaw mo pa ring aminin.” Nagulat ako sa sinabi ni Tito. Keen observer talaga siya. Nagpalinga linga ako sa paligid. Buti walang tao.

Marrying My Boss [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα