Chapter 6: Her Crush

413K 4.2K 79
                                    

Chapter 6: Crush

 

EUPHY'S POV

Nagluluto ako ng ulam ko ngayon. Ewan ko ba pero good mood ako ngayon. Pakanta kanta pa ang peg ko.

Nang matapos na akong magluto, linagay ko na siya sa mesa at ready to eat na ako. Chichibog na sana ako ng may kumatok. I wonder who?

*tok*tok*

Kaya binuksan ko yung pintuan and it was Kelly. Ano ginagawa niya dito? At sa oras na ito? Diba dapat nandun siya sa bahay nila?

"Surprise!" Kahit kelan talaga napaka cheerful nitong si Kelly at ang cute cute niya! 

Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya.

"Pwede bang dito muna ako? Kahit saglit lang? Pleeeaassee?" with matching pout of lips.

  

"Of course. Come on, pasok ka!"  At pinapasok ko siya sa munting bahay ko. 

"Euphy, sorry talaga kung naabala kita." Nag-aalala niyang sabi.

"Ok lang talaga. Mabuti nga't nandito ka. Ang boring kasing na mag-isa ka lang sa bahay" sabi ko.

Dito na si Kelly kumain ng dinner. Share kami ng ulam na niluto ko at may dala din siyang pizza kaya nanood na lang kami ng movie. Twilight. 

"Kyaaaah! Ang gwapo ni Edward Cullen" Kinikilig ng bongga ang Lola niyo.

"Mas gwapo si Jacob" sabi niya.

"Duh! Ang haba ng buhok at saka extra lang siya sa story"

 "Oy hindi ah! Malaki ang role niya diyan. Panoorin mo ang New Moon. Umikli yung hair tapos ang ganda ng abs! Makalaglag panty!" Napanood na niya kasi ito. Mula twilight hanggang breaking dawn, ako naman ngayon lang.  Gusto niya pa daw makita ang kagwapuhan ni Jacob kaya ito na lang ang pinanood namin.

Natapos din yung pinapanood namin. 

"Kelly, di ka ba hinahanap sa inyo?"

"Oo, don't worry uuwi na rin ako mamaya. May masamang nilalang lang na nakapasok sa bahay kaya hindi ako uuwi hangga't hindi siya umaalis" She said it in a bitter way. 

"Talaga? Sino?" Tanong ko. Sorry, masyado akong curious eh.

"Sabihin na lang natin na isang tao- I mean, isang DEVIL na walang ibang ginawa kundi manira ng buhay namin ni kuya." And there she said it. Halatang naiinis siya dun sa kung sino man yun.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon