Chapter 25: Continuation?

327K 3.6K 179
                                    

Chapter 25: Continuation?

 

EUPHY'S POV

 

"Tell me, what happened to you?" Tanong sa akin ni Charles.

What now? Sasabihin ko ba sa kanya ang lahat? Hindi ako nagsalita.

"Euphy.." Sabi niya. Mukhang naiinip na siya dagdagan mo pang mukhang nabadtrip dun sa ginawa ni Aika sa pagbalibag nito ng pinto.

"A-ano, hayaan mo na ako. W-wala lang ito" Iniwas ko ang tingin ko sa mga mata niya. Ayoko, ayokong malaman niya.

"Dammit! Just tell me what happened to you!" Ayan na nga ba ang sinasabi ko!!! Hindi ko kayang magsinungaling kapag nagagalit siya. Tingnan mo nga oh, sinisigawan pa ako.

I broke down. Linagay ko yung mga palad ko sa mukha ko at umiyak na naman. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapaluha. Napakaiyakin ko talaga!

Naramdaman ko naman na parang napatigil si Sir. Narealize niya yata kung ano yung ginawa niya.

Magkaharap na lang kami ngayon at hindi niya na ako yakap pero nakahawak naman yung isang kamay niya sa balikat ko.

Wala na akong choice kundi sabihin na sa kanya.

"K-kasi... S-si A-aika... Kung anu-anong pinagsasasabi tungkol sa akin na wala namang katotohanan!"

Napahagulhol na lamang ako. Siya naman, nakikinig lang.

"Hindi naman ako malandi ah! Wala naman siyang alam para pagsalitaan ako ng masama! Charles, maniwala ka. Hindi naman kita pinakasalan para sa pera. Hindi ako mukhang pera..." Umiiyak pa ako. Nakakainis itong luha ko, ayaw tumigil.

Minsan talaga naiinis ako sa sarili ko, kahit gaano ko pa sabihing ang tapang tapang ko, sa huli naglalabas lang akong mahina. Masisisi niyo ba ako? Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, naging iyakin tuloy ako.

"Yun lang naman pala, iiyak ka na?" Ewan ko pero para akong nainis. Kasi parang ayaw niya na ako icomfort tulad nung kanina.

"Palibhasa wala ka sa posisyon ko!" Kung siya rin kaya ang mapagsabihan nun! Masakit kaya na pagsalitaan ng mga bagay na wala namang katotohanan. Inalis niya yung dalawang kamay ko na nakatakip sa mukha ko at tiningnan niya ako sa mga mata.

"Euphy, ba't ka maniniwala sa sinasabi ng iba kung alam mo namang hindi totoo? I didn't know that you were that dumb" At pinitik niya ang ilong ko.

"Alam ko! Pero kasalanan ko bang ipinanganak akong iyakin?" Tinamaan ako ng husto sa sinabi niya. Ba't ko iiyakan ang simpleng bagay na iyon? Pero hindi naman ako normal na tao, dahil ako si Euphy na iyakin, iyakin, IYAKIN!!!

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now