Chapter 17

47 1 0
                                    

"Kai, huhuhu.. Mag iingat ka du'n ha? Laging ka mag update sa akin. Kumain ka sa tamang oras, avoid fatty or unhealthy food, drink water everyday para everyday hydrated. Huwag mo pababayaan ang sarili mo doon! Wala pa naman ako doon para bantayan ka. Understand?"

Umiiyak at sunod-sunod na paalala ni Hailey sa kaniya, habang sumisinghot-singhot pa. Naiiyak man pero hindi niya na talaga maiwasang marindi kay Hailey, sapagkat kanina pa nito paulit ulit sinasabi ang paalalang iyon sa kaniya 10 times na nga yata, nasa sasakyan pa man sila.

Kasalukuyan na kasi silang nasa labas ng Airport. Kaharap niya si Hailey, Mrs. Liala at Hael. Pare-parehong emosyonal ang mukha ng mga ito. Pero ang mas transparent ay si Hailey.

Mismo siya ay gusto na rin maiyak, nadadala kasi siya sa way ng pag-iyak ni Hailey, kaya nga lang ay pilit niyang pinipigilan ang sarili. Kanina pa kasi ito umiiyak, noong nasa sasakyan pa man lang sila ni Mrs. Liala. Hindi daw kasi nito mapigilan ang sarili na hindi maiyak lalo na kapag naiisip daw nito na aalis na siya, sa mismong araw na ito, na tuluyan niya na itong iiwan.

Kaya kahit gusto niya ng umiyak ay pilit niya talagang pinipigilan ang sarili. Ayaw niya kasi talaga umiyak sa harap ng mga ito sapagkat mas lalo lang siya mahihirapan umalis kapag gan'on. Hangga't kaya niya pigilan ang emosyon na kanina pa gustong kumawala at sumabog sa katawan niya ay pipilitin niyang i-control, nang sa gan'on ay hindi siya manghina.

Inalis niya ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa handle ng maleta, saka nilapitan si Hailey at ipinatong ang kamay sa kaliwang balikat nito. Tipid niya itong nginitian.

"Oo, Ley! Promise. Mag iingat ako at hindi ko pababayaan ang sarili ko doon. Ikaw din mag iingat ka dito ha?"

Pilit ang ngiti na habilin niya kay hailey sa nahihirapang tuno ng pananalita. Nagpunas ito ng luha.

"Promise din, Kai! Basta ipangako mo sa akin na.. Kahit anong mangyari ay hindi mo ako ipagpapalit sa kung sino man d'on. Hmm?" Nangungusap ang mga matang paalala ni Hailey sa kaniya. Tinaas pa nito ang little finger. Natawa siya ng bahagya para talagang bata.

"Promise." Inalis niya ang kaniyang kamay na nakapatong sa balikat ni Hailey at nakipag pinky swear sa kaibigan. "May makilala man ako'ng kaibigan d'on, ikaw pa rin ang bestfriend ko. Hehe.."

Sincere, buong puso at punong-puno ng assurance na pangako niya kay hailey, niyakap niya ito ng mahigpit mabilis din naman nitong tinugunan ang yakap niya mas mahigpit pa nga kaysa sa yakap niya. Sa isang tabi naman ay nakatunghay lang sa kanilang dalawa si Mrs. Liala at Hale.

Umabot pa nang ilang minuto ang yakapan nila bago siya kumalas mula sa pagkakayakap kay Hailey. Nginitian niya ito saka tinap ito sa balikat nito. Ang sunod niyang hinarap ay si Mrs. Liala.

"Ah.. Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko sa inyo Mrs. Liala, pero gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga naitulong mo sa akin, lalo na sa advice, moral support at pagiging second mother sa akin. Maraming maraming salamat po talaga, Mrs. Liala." taos puso niyang wika.

Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin sa ginang kaya pagpapasalamat na lamang ang tanging lumabas sa kaniyang bibig. Nginitian naman siya nito ng matamis.

"No worries, alam mo naman pagdating sayo eh.. Nanlalambot ang puso ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na tulungan at e treat ka na bilang anak ko. Basta ang gusto ko lang ay mag-ingat ka lagi d'on. Tawagan mo ako kapag nakarating kana sa City, ha?!" malumanay na paalala rin nito sa kaniya.

"Opo, pangako po."

Ngumiti ito sa kaniya. At marahang hinawakan ang dalawang kamay niya at masuyo iyong pinisil. Sandali siyang napatingin doon, pagkatapos ibinalik ulit ang tingin sa ginang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Way You Look At MeWhere stories live. Discover now