Chapter 1

59 1 0
                                    

1 month later....

"KAIZHEN!"

Biglang napahinto si Kaizhen sa ginagawa at napalingon sa kaniyang likuran nang may tumawag sa kaniya mula roon. Kasalukuyan kasi siyang nag didilig ng kaniyang mga halaman sa maliit niyang harden na nasa harap ng kaniyang bahay.

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang maliit at manipis na malarosas na labi ng si Hailey ang kaniyang nalingunan, her childhood bestfriend. Saglit siyang huminto sa di kalayuan para iwagayway sa ere ang isang papel na hawak niya sa kaliwang kamay, saka muling tumakbo palapit sa akin.

"Ou, ba't ka tumatakbo? At ano yang hawak mo?" kuryuso niyang tanong kay Hailey.

Hindi siya kaagad sinagot ni Hailey, dahil sa hingal na hingal at habol ang hiningang huminto ito sa tapat ko. Nakatukod pa ang dalawang kamay sa tuhod. Sino ba kasi ang nag-utos sa babaitang ito na tumakbo?

Itinaas ni Hailey ang palad sa harap ko as a sign of: saglit lang at sasagap muna ako ng hangin. Ganon nga ang ginawa niya hinayaan niya muna ito hanggang sa bumalik na ang lakas nito.

"Tubig?" alok niya rito. Tatalima na sana upang pumasok sa bahay niya kasi naman, pinapaypay na nito ang damit sa sarili. Init na init.

Umiling ito.

"Huwag na, hindi naman ako nauuhaw. Napagod lang talaga ako." sabi nito kaya tumango na lang ako.

Sabi niya eh.

Nang makabawi na siya ng hangin ay tumuwid na siya ng tayo saka siya nito ginawaran ng isang napakagandang ngiti at walang salita inilahad sa kaniya ang papel. Ibinaba ko muna ang regadera sa mini plantbox ko atsaka pinahid sa likod ng aking damit ang medyo wet ko palad. Pagkatapos ay saka ko kinuha mula sa kamay ni Hailey ang papel.

"Ano 'to?" nagtataka niyang tanong sa kaibigan habang ang tingin ay nakatuon sa papel na noon ay hawak niya na, hindi niya pa kasi totally nabubuksan kaya wala pa siyang idea kung ano ang nilalaman n'un.

"Paper." pamimilusopong sagot nito.

Napahinto siya at pinaningkitan ito ng mata.

"Hmm.. Hailey!" Naruon ang pagbabanta sa tinig niya.

Alam naman kasi niyang papel 'yon, ang ibig niyang sabihin ay kung ano ang laman ng sulat doon.

"Haha. Joke lang, just read it!" natatawang sabi nito, sabay nag peace sign pa.

Napapilantik na lang niya ang kaniyang dila bago muling ibinalik ang tingin sa papel na hawak niya.

"Actually, napadaan lang talaga ako sa plaza at sakto namang nakita ko yan sa may gate kaya kinuha ko na." biglang sabi ni Hailey, kaya gulat niyang napaangat ang kaniyang tingin rito. Hindi pa man tuluyang nababasa ang nakasulat.

"Hoy, gage ka! Baka hanapin nila 'to?" nanlalaki ang matang sabi niya.

Kumunot ang mukha nito, umaangal.

"Anong hahanapin? Eh, ang daming ngang nakapaskil doon. Kinuha ko lang 'yang isa hindi naman siguro nila binilang ang mga announcement poster don," parang wala lang na turan nito.

Natawa na lang siya, baliw talaga tong kaibigan niya. Pwede naman kasing picture.an na lang tapos ipakita na lang sa kaniya. Kinuha pa talaga.

Naiiling na lang niyang tuluyang binasa kung ano man ang nakasulat doon,  Napangiti siya pagkatapos basahin ang nakasaad doon.

"Hmm, Singeng Contest," mahina, at tatangu-tango niyang usal.

Inangat niya ang tingin sa kaibigan. Sumalubong sa kaniya ang excitement sa mukha nito, sa magiging sagot niya. Kahit alam naman nito kung ano talaga ang magiging sagot niya.

The Way You Look At Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن