Chapter 12

38 1 0
                                    

Tatlong araw na simula nung makauwi sina Kaizhen sa kani-kanilang bahay galing sa masayang outing-- Tatlong araw narin simula ng umalis sina Mrs. Castro, pabalik sa City-- Tatlong araw na rin simula ng matapos ang fiesta sa kanilang probinsiya -- At, Tatlong araw na rin simula ng bumalik sa tahimik ang barangay nila.

At ngayong araw na ito ay myerkules. Kasalukuyang binabagtas ni ang Kaizhen daan papunta sa bahay nila Hailey. Ngayon kasi ang araw na magpapaalam si Hailey sa mama nito about do'n sa trabahong ini.offer ni Mrs. Castro sa kanila, na agaran nitong tinanggap ng walang pag dadalawang isip.

Nakiusap kasi sa kaniya ang kaibigan, na kung maaari niya ba itong samahan at tulungan sa gagawin nitong pangungumbinsi sa mama nito. At syempre dahil responsable siyang kaibigan ni Hailey, buong puso siyang pumayag sa pakiusap nito.

Ngunit, sa kabila no'n ay hindi niya maiwasang malungkot at manibago. Hindi kasi mawala sa sistema niya ang ang makaramdam ng pagka-miss sa presensiya nila Keith at Khurt, kahit na dalawang araw niya pa lang nakilala at nakasalamuha ang dalawa. Magaan kasi ang loob niya sa dalawang gwapong nilalang na iyon. Hindi niya mawari kung bakit, o siguro kaya magaan ang loob niya sa dalawang iyon kasi mababait ang mga ito.

Atsaka, may kakulitang taglay din kasi ang dalawang lalaking 'yon, sobrang funny, jamming, may sense of humour at higit sa lahat ay masarap kasama. Kung kaya hindi na mawala sa isip niya ang mga mukha ni Keith at Khurt. Sana lang ay magkita silang muli para ng sa gano'n ay mas magkaruon pa sila nang bonding moment. Gusto niya kasi talaga maging kaibigan ang dalawang 'yon. Kung pagbibigyan man siya ng pagkakataon.

Pagdating sa bahay nila Hailey ay naabutan niyang nakasarado ang pintoan nang bahay nito. Actually, Sana'y na rin siya dahil lagi naman gano'n ang pamilya ng kaibigan niya. Ayaw naka-open ang pinto.

Ayon sa kaibigan niya kaya daw laging nakalock ang pinto ng bahay nito sa kadahilanang takot daw ang mama nito na baka daw isang araw ay bigla na lang silang masalisihan ng magnanakaw. E, ang pagkakaalan niya wala namang magnanakaw sa lugar nila, ang babait kaya ng mga tao doon. At baka bigla na lang daw may maligaw, kaya mas mabuti na daw iyong nag-iingat para ng sa gan'on ay wala itong pagsisihan sa huli. O diba? Napaka advance mag-isip ng mama ni Hailey. Na minsa'y kinaiirita ng kaibigan niya. 

Hindi naman mapagkakailang may kaya sa buhay ang pamilya ni Hailey. Ang papa kasi ni Hailey ay nagtatrabaho bilang seaman, ang pagkakaalam niya ay hinirang na ito bilang isang capitan ng barko. Nakakaproud lang diba?!

Ganiyan talaga ang takbo ng buhay basta bay mag sumikap lang. Makakamit at makakamit mo din ang tinatamasa mo'ng pangarap. Just be patient and trust the process, and most of all ay ang malaking tiwala sa sarili. Sureball, at the end of the day makakamit mo ang tinatamasa mong pangarap.

May minsan din na hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit kay Hailey kasi napakaswerte nito, dahil hanggang ngayon ay nasa tabi parin nito ang mga magulang nito. Samantalang siya ay wala na. Alam naman niyang mali ang makaramdam siya ng inggit kay Hailey, kaso nga lang ay hindi niya maiwasan dahil iyon ang totoo niyang nararamdaman na kahit anong pilit niyang pagsabihan at sitahin ang sarili ay talagang hindi niya maiwasan.

Ayaw naman niya maging hypocrite sa nararamdaman niya. Gano'n pa man ay mapalad at swerte pa din naman siya kasi tinuturing naman siya na parang isang tunay na anak ng mama ni Hailey. At feeling blessed na siya do'n. Kaya nag-papasalamat siya sa panginoon kasi hindi siya nito pinapabayaan. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay niya ay biniyayaan parin siya nito ng mapagmahal at maalalahaning kaibigan. Kahit na napaka-kalug no'n.

Napangiti siya sa mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip.

Bumuntong hininga muna siya bago nag doorbell. Wala pa'ng isang minuto ay may nagbukas na ng pintoan. Mukha agad ng kaibigan niya ang bumungad sa kaniya.

The Way You Look At MeWhere stories live. Discover now