Chapter 8

58 1 0
                                    

Pagkatapos nang 40 minutes na pag lalagay ng kulorete sa mukha ay tumayo na si Hailey mula sa pagkakaupo sa monoblock chair. Sinipat niya muna ang sarili sa salamin kung maayos na ba ang kaniyang itsura. Nang mapagtantong ayos na ay nginitian niya ang kaniyang reflection sa salamin at nag smack kiss pa sa huli.

Light make up lang ang inilagay niya sa mukha niya. Kaya nga lang ay mas natagalan sa paghulma ng kaniyang kilay, napakahirap naman kasing pormahin eh! Ilang ulit yata siyang pabalik balik sa pag guhit bago niya nakuha ang tamang pag guhit sa kilay niya, medyo namumula na nga iyon kakabura niya. Nakakainis! Tsk, kilay is life nga naman.

Pinaling niya sandali ang ulo patungo sa gawing kanan kung saan kasalukuyang nasa malalim na pagtulog si Kaizhen. Humihilik pa nga ito at bahagya pa'ng nakaawang ang labi, 'tas ang magkaparehong paa ay nakababa pa sa sahig. Natawa na lang siya at napailing dahil sa itsura ng kaibigan. Mahilig kasi talaga matulog ang kaniyang kaibigan na laging nakalaylay ang paa or kamay sa ibaba ng kama.

Hindi niya nga alam kung paano natatagalan ng kaibigan niya ang ganoong pasesiyon e nakakangalay 'yon. Siya nga ilang minuto lang nakabitin ang kamay sa kama nangangalay na siya. Ibang klase din talaga itong kaibigan niya, sobrang manhid.

"Tsk! Grabe talagang babae na'to oh!" She muttered while slightly shaking her head.

Isinauli niya muna ang kaniyang make up kit sa bag niya, bago nilapitan si Kai at tumayo sa may paanan nito. She decided na gisingin na si Kaizhen dahil malapit na ang oras. Baka mamaya niyan naghihintay na sa kanila sina Mrs. Liala at Mrs. Castro. Nakakahiya naman.

"Kai, gising na."

Tinapik niya ng mahina ang mukha nito. Imbis na gumising ay umungol lang ito at nangunot pa ang kilay, nadidisturbuhan.

"Hoy, ano ba! Sabi ko naman kasi e, huwag na matulog! Hayz. Kai!"

Muli niyang pag-gising sa kaibigan. Ungol lang ulit ang tinugon nito sa kaniya. Inis siyang napabuntong hininga.

"Pambihira naman oh! Kai, yohooo! Wake up. Time is up. Gumising ka na diyan."

Hinawakan niya ang dalawang kamay nito saka inangat at sin-shake shake iyon. Ngunit wala parin talab. Bagkos ay inagaw lang nito ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya atsaka tumagilid ng higa. Napasapo siya sa ulo niya. The frog?

"Ah! Ayaw mo talaga magising ah. Pwes!"

Bigla siyang nakaisip ng bright idea, kung paano niya magigising ang tulog mantika niyang kaibigan. Napa evil smile siya. Talagang inuubos nang babaitang ito ang kaniyang pasensiya. Ngayon ka, tignan lang niya kung di pa rin ito magigising.

"AHHHH!"

Biglang napasigaw si Kaizhen, dahil sa biglang pagkahulog niya sa kama. Napaliyad siya ng bumagsak ang likod niya sa semento. At talaga naman!, ang sakit nang likod at balakang niya pakiramdam niya nafracture ang backbone niya. Ang lakas ba naman nang pagkabagsak niya sa semento. Nagising tuloy siya nang wala sa oras. Bweset talaga!

Sumama ang timpla nang kaniyang mukha.

Paano ba naman kasi, hinila lang naman nang magaling niyang kaibigan na si Hailey ang kaniyang dalawang paa. Kaya ayon nahulog siya sa kaniyang kama at diretso sa seminto ang bagsak niya.

"Oh, 'ayan effective. Gising ka na."

Natatawang sabi ni Hailey, tila proud pa na nagising siya nito sa maling paraan. Hindi niya ito pinansin dahil sa sakit na nararamdaman niya. Hawak-hawak ang balakang na inangat niya ang sarili paupo sa sahig mula sa pagkakasalampak doon.

The Way You Look At Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن