Chapter 5

34 1 0
                                    

Saturday

Nasa bahay lang si Kaizhen at nakakulong sa kwarto niya. Nang araw kasi na iyon ay napag desisyonan nilang dalawa ni Hailey na hindi muna sila mag pra-practice. Ipagpapahinga na muna nila ang diaphragm nila para hindi manakit ang kanilang lalamunan at ng sa ganun ay hindi sila mapaos, mahirap na kasi lalo na at mataas pa naman ang kantang aawitin nila. Atsaka isa pa, para rin makapagpahinga sila sa ilang straight na araw nilang inilaan para sa pagiinsayo.

At dahil bored siya naisipan niyang ilaan muna ang oras sa paglilinis ng kwarto niya total wala naman siyang ibang gagawin. Gusto niya rin kasi pagpawisan ang katawa niya.

Nagsimula siya sa bintana. Pinunasan niya lang iyon ng wet na basahan. Hindi naman kasi madumi ang bintana niya dahil lagi niya iyong nililinisan kaya mabilis lang siya natapos. Ang sunod niyang pinunasan ay ang Two layers wall shelf kung saan nakapatong ang mga Trophy niya. Inalis niya muna ang mga Trophy at inilipag sa sahig. Sinimulan niya ng punasahan ang shelf. Nang matapos ay sinunud naman niyang pinunasan ang mga trophy, hindi niya pa nga maiwasan mapangiti at maging proud sa sarili niya habang pinupunasan ang kaniyang mga trophy, bumabalik kasi sa ala-ala niya kung paano niya na kuha ang mga trophy na iyon, hindi siya lubos makapaniwala na may naipagmamalaki at naipagmamayabang siya, hindi sa mga tao kundi sa sarili niya- na 'yon bang kahit paano ay may na achieved siya sa buhay niya at isa na iyong karangalan para sa kaniya. Alam niya ring proud ang mga magulang niya sa mga nakamit niya ngayon lalo na ang mama niya.

Pagkatapos niyang punasahan lahat ng trophy at ibalik sa shelf ay kinuha niya ang walis sa gilid ng pintoan ng kaniyang kwarto at sinimulang walisin ang floor at ilalim ng kaniyang kama. Wala naman masiyadong dumi. Ang duming nawalis nga lang niya ay nakalaan lang para sa araw lang na iyon kung kaya wala siya masyadong nawawalis. Hindi naman sa pagmamayabang, araw-araw niya kasi talagang winawalisan ang kwarto at buong bahay niya at walang palya iyon, para ng sa ganun ay laging malinis at maaliwalas ang loob ng bahay. Malinis kasi talaga siya sa bahay at paligid niya. Ewan niya ba, siguro namana lang niya ang mannarism na iyon sa mama niya, malinis din kasi ang mama niya sa bahay kunting kalat lang tumatalak na, naalala niya pa nga ang sinabi nito sa kaniya noon na: Kung gaano ka kalinis o karumi sa bahay, ibig sabihin nun ay nagre-represent iyon sa personalidad mo o kung ano ka bilang tao. Kaya talaga hindi siya sanay sa madumi, maliban dun ay naiirita at naaalibadbaran siyang makakita ng dumi. Sumasakit ang mata niya, kaaway niya nga siguro ang dumi sa past life niya e. Pambihira!

Nang matapos sa pagwalis ay inaayos naman niya ang kaniyang kama. Nang matapos sa paglilinis ng silid ay pagod siyang tumayo sa gilid ng kaniyang kama.

Ipinamaywang niya ang kaliwang kamay, habang ang isang kamay ay ipinunas niya sa kaniyang pawisang noo. Pagod siyang napabuga ng hangin.

"Kapagod!"

Buntong hininga na usal niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa tukador niya at kumuha ng face towel doon. Naupo siya sa kama niya at pinunasan ang pawis niya mula sa mukha, patungo sa liig, kamay, likod at sa harap.  Buti na lang at may hangin na pumapasok sa kwarto niya gawa ng nakabukas ng bintana, kaya hindi masiyadong mainit ang pakiramdam niya.

Nagpahinga na muna siya, after 20 minutes ay naligo na siya.

Pagkatapos maligo ay nag palit na siya ng damit-pambahay. Sleeveless shirt at Short lang ang soot niya, mahilig kasi siya mag soot ng ganu'ng damit kapagka nasa bahay lang siya. Nang matapos siyang mag palit ay naupo siya sa gilid ng kama niya at inabot ang gitara na nakasandal sa side table niya.

Nag strum siya sa gitara niya habang ang tingin ay nasa labas ng bintana niya. Tinatanaw niya ang mapayapang asul na kalangitan. Mula kasi sa kinauupoan niya ay nasisilip niya lang ang kulay asul na kalangitan. Napangiti siya.

The Way You Look At MeWhere stories live. Discover now