Chapter 4

22 1 0
                                    

Kinagabihan....

Nasa plaza si Hailey at nakikisali sa mga nanunuod ng naglalaro ng kung tawagin nila ay Basketball League. Sa court nila ang labanan ng laro ngayon.

Laban ng purok 1 at purok 2. Bali ang purok 1 ay 'yun ang kanilang barangay. Samantalang, ang purok 2 naman ay sa kabilang barangay. Masyadong maingay dito sa plaza dahil sa sigawan ng bawat
Campo. Samahan mo pa na ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang bitbit na iba't-ibang uri nang plastic bottle na may lamang maliliit na bato sa loob.

Hinahampas-hampas nila iyon sa bleachers na inuupoan nila para mas makadagdag sa ingay. Kanina pa kasi nagsisimula ang laro at madami na rin ang tao sa basketball court, halos mapuno na ang palibot ng court dahil sa dami ng tao. Halos mapuno nga nang sigawan ang buong Court.

Mas marami nga lang ang mga nanunuod sa kanilang purok kaya mas nangingibabaw ang ingay nila kaysa kabila. Kunti lang kasi ang dumayo na taga kabilang barangay para e cheer ang kanilang manlalaro. Malayo kasi ang lugar nang kalaban nang barangay nila kaya expected na kunti lang talaga ang cheerer sa kabilang team. Tiyak kaya kunti lang ang nakadayo sa kadahilanang walang pamasahe ang iba kaya kahit gugustuhin man pumunta nang iba ay wala naman magagawa ang mga ito, kundi antayan nalang ibalita sa kapurok nila ang resulta ng laro. Ngunit kahit ganun atleast may mga sumusuporta pa rin sa mga ito, hindi na masama.

3rd game na pala ang laro ngayon. bali n'ung monday pa nag simula ang basketball game. Dahil busy nga siya kaka-practice ay ngayon lang siya nagkaroon ng time na manuod. And for sure maliban sa kaniya ay may isang tao pa ang hindi nakakapanuod ng laro, walang iba kundi si Kaizhen. Sabagay, hindi na siya magtataka kung bakit?. Hindi kasi mahilig manuod ng basketball ang isang iyon, eh! Ayon kasi sa kaniyang kaibigan ay boring para rito ang ganoong laro. Kaya wala siyang magagawa kundi ang mag-solo sa panunuod.

Actually, pupuntahan niya nga sana si Kaizhen sa bahay nito kanina. Pero baka nagpapahinga pa kaya hindi nalang siya tumuloy. Bugnutin pa man din 'yun kapag sapilitang ginigising. Hindi rin naman niya pwedeng tawagan kasi hindi naman na nito ginagamit ang cp nito.

Simula kasi ng mawala ang nobyo never na itong gumamit ng Cellphone. Ang dahilan ng kaniyang kaibigan ay baka daw kapag binuksan nito ang Cellphone nito ay makita lang nito lahat ng masasayang litrato kasama si Kheil, ang mga ala-ala na makakasakit sa dalaga. Napabuntong hininga siya.

Kheil again.

Kung si Hael naman ay hindi niya pwede makasama. Panigurado mag babangayan lang din sila lalo na at hindi nagpapatalo ang homo-sapien na iyon. Nakakaloka!

"Oy, shot. Kyahh! Panalo na naman ang manok natin. 20 second left nalang."

"Nako Champion na naman ang barangay natin Whoaaa..."

"Oo nga, Yiehhh!!!"

Saka lang na balik sa ulirat si hailey ng marinig ang malakas na pag-uusap ng dalawang babaeng katabi niya. Sandali niya lang tinapunan ng tingin ang dalawa bago maang na ibinaling ang tingin sa may bandang gilid ng court. Tinignan niya ang score board na nasa di kalayuan ng Referee.

Warriors VS. Eagles
     98                   76

Warrior ay ang pangalan ng team nang kanilang BB Players. Habang ang Eagles naman ay sa kabilang team.

"Go warrior!"

Wala sa sariling sigaw niya pagkakita sa score. Inilagay niya ang kaniyang dalawang palad sa magkabilang gilid ng kaniyang labi. Gulat pang napatingin sa kaniya dalawang babae na katabi niya, pati narin ang iilang kasama niya sa bleachers. Ngunit hindi niya iyon pinansin, bagkos ay nagpatuloy lang siya sa pag cheer sa kanilang BB players.

The Way You Look At MeWhere stories live. Discover now