Chapter 9

29 1 0
                                    

"Magaling pala kayo kumanta?"

Amuse na tanong ni Khurt.

Kasalukuyan na silang nakaupo ngayon sa grass. Nakapabilog sila sa isa't-isa. Pagkatapos kasi nila kumain ay napag desisyonan nang dalawang ginang na iwan muna sila para makapagusap-usap at makapagbonding narin.

Gusto kasi ng dalawang ginang na maki-mingle sina Keith, Khurt, Siendria at Auberon sa kanila. Para naman nang sa gano'n ay hindi sila maging ilag at awkward sa isa't-isa.

Ang kaso nga lang umangal si Auberon at nagawa pang makipag argue sa Mama nito sa harapan nila. Ayon kay Auberon ay ayaw daw nitong makipag halubilo sa kanila, mas gugustuhin na lang daw ni Auberon na makasama ang dalawang ginang kaysa sa kanila. Pinipilit nga ito ni Mrs. Castro,  ngunit wala din naman nagawa ang ginang dahil masyadong matigas si Auberon. Ayaw talaga nito makihalubilo sa kanila.
Kahit si Siendria na ang pumilit dito- tulad ni Mrs. Castro, ay wala din itong nagawa. Gusto rin kasi sana maki mingle sa kanila ni Siendria para mas makilala pa daw sila nang dalaga, kaya nga lang mariin itong pinigilan nang supladong boyfriend nito. Sino pa nga ba? E di, 'yung supladong nilalang na itago na lang natin sa pangalan na. Auberon. Masyadong Maarte e! Nakakayamot.

At the end, si Keith at Khurt lang nga ang nakihalubilo sa kanilang tatlo nila Kaizhen, Hailey at Hale. Gusto rin naman kasi silang masinsinan na makilala ni Khurt at Keith. Mabuti pa itong dalawa hindi maarte. Hindi tulad nu'ng isa. Tsk! Nevermind.

Tulad kasi ng pinagpipilitan ni Auberon. Nasa bench lang nga ang dalawang magkasintahan at kasama ang dalawang ginang na busy'ng nag-uusap.

Gustohin man niya mainis dahil harap-harapan na pinagmumukha sa kanila ni Auberon na mahirap lang sila at hindi na babagay na maging kaibigan nang mga katulad nitong mayayaman, ay hindi niya kaya. Kaya hangga't maaari ay pipigilan niya ang sarili niyang makaramdam ng inis sa lalaki, mahirap na baka magkaruon pa siya ng kaaway and ang worst part pa n'on ay lalaki pa talaga. Hindi naman niya gugustuhin magkaroon ng kaaway na lalaki, kapag nagkataon ay nako! mahirap kalabanin.

Ang sakit rin naman kasi isipin na para silang may nakakahawang sakit kung iwasan nito. Nakakapang-init ulo lang.

"Ahh.. Hindi naman magaling. Marunong lang." sagot ni Hailey, with modesty.

Ibinaling na lang niya ang attention sa apat na kasama niya ngayon. At iwinaksi na lang ang mga negative thoughts na tumatakbo sa isip niya. Ang importante ay mayroon parin gusto silang makilala at maging kaibigan. At iyon ang mahalaga.

"Wee? Hindi ako naniniwala, hindi naman kayo mananalo kung hindi kayo magaling." Giit ni Khurt. Hindi talaga ito naniniwala na hindi sila magaling.

"Oo nga, nanalo kami. Pero hindi naman ibig sabihin n'un ay magaling na kami. Lucky lang talaga siguro kami kaya kami nanalo." Panindigan ni Hailey sa sinabi. Tumango-tango naman si Kaizhen bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Hailey.

"Nevermind, basta for me you're better than good. Even though, hindi ko pa man kayo naririnig kumanta." pagpipilit ni Khurt. Sabay ginawaran sila ng matamis na ngiti.

"Can you sing a song for us?"

Hindi nila inaasahang request ni Keith. Bigla niyang nalipat ang tingin kay Keith. Himala kasi at nagsalita ito. Parang kanina lang nung nasa hapag sila ay napakatahimik nito, muntik niya na nga isipin na pipi ito e. At ang mas malala ay nahuli niya itong panakaw-nakaw nang tingin kay Hailey.

Naiisip niya tuloy kanina na baka naiingayan ito kay Hailey. Masiyado kasing madaldal si Hailey kanina. Halos lahat ng topic ay nagmumula dito. Kung anu-ano na pangyayari sa buhay naikwe.kwento nito.

Ang bibig ni Hailey ay maiihalintulad sa siren. maingay. Walang preno kung magsalita. Sasabihin kung ano ang gustong sabahin. Hindi naman niya pwede sitahin ang kaibigan at baka mapahiya ito. Natutuwa din naman kasi ang iba nilang kasamahan kaya ayos lang.

The Way You Look At MeWhere stories live. Discover now