Chapter 20

58 3 0
                                    

I have a boyfriend

Those were the words that went sharp right in my hearts that moment. Sa sandaling 'yon, hindi ako nakagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya. Nakatulala. Pinilit na ngumiti sa harap niya at hanggang sa matapos ang araw na 'yon.

'Yun ang pinakaayaw ko sa lahat ng inamin niya. That's a cruel rejection. All I thought that kiss would lead to something good, but it didn't.

Ilang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari 'yon. Pero patuloy pa rin itong tumatakbo sa isip ko. Paulit-ulit. Parang natutulog lang sa umaga tapos gigising sa gabi. Madalas kapag nasa terrace ako ng kwarto. Nakaupo. Umiinom ng alak at may sigarilyo.

Gaya ngayon, dalawang upos na ng sigarilyo ang naubos ko. Nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang mga tala na kumikindat sa 'kin. Nag-aantay na dalawin ng antok habang palalim nang palalim ang iniisip.

This became my go-to-place everytime I went back home from office. Hoping that it would slip off my mine just for a while because it haunts me even at work.

Mapaglaro talaga ang tadhana.

I was ready to be in a relationship that isn't widely welcome by many. I don't care. Maglalakad kami nang naka-holding hands, mag-dinner date sa labas, manood ng sine, sit on a rooftop and talk about life.

Everything.

Everything that would make us happy.

Pero biglang gumuho ang lahat ng pinapangarap ko.

If this is karma, then it's too much. I know I've made bad things most of my life but I don't feel like I deserve this. This is not the punishment I want nor would ever prefer.

Ilang beses kong tinanggi sa sarili ang nararamdaman.  I convinced myself that I don't like him and I'm not gay. Kung mararamdaman ko ito bakit sa isang lalaki pa?

Pero gaya ng katanungan kung bakit patuloy tayong naghahanap ng pag-ibig kahit na nasasaktan, hindi ko alam ang sagot.

Hindi ko kontrolado kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ito isang mantsa sa damit na kukusutin mo lang pagkatapos wala na.

This is about emotions. Our goddamn emotions in which a lot of us tried to dictate but failed.

Unti-unti kong naramdaman na bumibigat ang mga mata ko. Lumalabo ang paligid. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha kasabay ng malalalim na paghinga.

I have never felt this pain so hard.

Binuga ko ang huling usok galing sa bibig at pinatay ang sindi ng sigarilyo. Hindi dapat ako nagkakaganito. Lalaki lang 'yon. Nadala lang ako sa emosyon dahil lagi ko siyang nakakasama. There are plenty of girl out there.

Nakakasawa ang gabi-gabing pagtambay rito. Hinila ko ang itim na jacket sa loob ng cabinet bago lumabas sa kwarto. Pinaharurot ko kaagad ang kotse. Ayokong malunod sa kaiisip. Mas mabuti pang malunod na lang sa alak– habang nagsasaya.

This is what I need right now. A break. Everything has been stressful lately.

Binalikan ko ang bar na paborito kong puntahan. I missed the loud noise of the people. I missed the atmosphere. 'Yung mga grupo ng tao na hindi mo kilala. 'Yung tugtog na unti-unting hihilahin ang katawan mo para sumabay sa beat kasabay ng mga nagsasayaw na disco lights.

Marami na akong naikot na bar. Pero may isa ka talagang paborito at babalik-balikan.

Nagkaroon nga lang ng kaibahan ngayon. Mayro'n na silang maliit na stage sa unahan at may live singers.

"Tequila. Dalawa," sabi ko sa bar tender pagkaupo ko.

"Parang ngayon na lang ulit kita nakita rito, boss. Hindi ka nagagawi no'ng mga nakaraang buwan," sabi niya sa 'kin habang hinahanda ang order ko.

No One Knows [ChanBaek COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon