Chapter 15

61 3 0
                                    

The C.Y. Cosmetics was successfully launched last week. You can see thrle posters on streets and the products inside the malls. Tinapos lang ng management ang mga mahahalagang bagay bago nagdaos ng after-party.

We rented a resort within the city. Siyempre hindi kasama ang si dad at mga alipores niyang matatanda sa party na 'to. Mga empleyado lang. Pero dahil anak niya ako, inimbita ko ang squad.

Pinabili ko sila ng pagkain bago pumunta. Huling update nila malapit na raw. Medyo traffic lang.

Pagbalik ko sa upuan nawala bigla ang ka-table ko. Nahagilap ito ng mata ko sa buffet area, sumasandok na naman. Pangatlo na niya. Hindi yata napupuno ang tiyan.

If you'll ask me of what happened after I eavesdropped with his secret conversation last time, well, nothing. I didn't confront him. I acted like I didn't heard anything. May nabubuo nang ideya sa utak ko pero masyado pang maaga para gumawa ng assumptions. Let's just observe first.

Saktong pagbalik niya sa mesa, siya namang dating ng mga tukmol. I invited them to make sure that I'll enjoy tonight and to have some breathing space in this atmosphere.

"Oh ba't nakabusangot 'yung isa?" tanong kay Sehun, referring to Kai na binagsak sa mesa ang dala.

Sinuntok ko siya sa braso nang mahina. "Parang bad mood ka. Ano nangyari?"

"Sinungitan kasi ng crew kanina," singit ni Suho.

"Bwisit na 'yon!" bulyaw niya. "Hindi ko naman sinasadyang patungan 'yung glass shelf ng store. Bigla na lang akong hinampas at tila pinapatay sa titig niya," gigil na kwento niya.

Natawa ako nang gusutin niya ang buhok.

"Mainit ang dugo ko ro'n. Ang pangit naman ng pangalan. D at O, ano 'yon Dunkin' Oughnut?"

"Chill." I gave him a bottle of beer.

"So he's the model?" usisa ni Suho sa tabi ko. Nakatingin sa lalaking halos mabulunan na. "He's cute," he teased.

"Shut up!"

Hindi pa nga pala niya ito nakikita. Sigurado namang pipigilan niya kami kaya hindi ko na siya sinama sa plano.

"Baekhyun," tawag ko. "This is Suho, Kai, and Sehun," pagpapakilala ko sa kanya.

"And guys, this is Baekhyun."

Kumaway sila sa isa't-isa.

"He's quite gorgeous, anong plano mo?" bulong ni Kai.

"Isa ka pa! Tusukuin kita." Inambahan ko siya ng hawak na tinidor.

Napatawa ang dalawa na nakatingin pala sa 'min. Samantalang ako napakunot ang noo. Pasimple ko silang sinipa sa ilalim ng mesa. Buti na lang busy sa pagkain 'yung isa kaya't hindi kami pansin.

Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan nang tawagin biglang namatay ang mga ilaw. Natahimik ang paligid. Maya-maya ay umalingawngaw ang isang sigaw kasunod ng malakas na sound.

"Enjoy the party!"

Lumitaw ang isang DJ sa unahan. Naghiyawan ang mga tao at nagsimulang mag-aabutan ng beer bawat mesa. The party is just getting started!

Hinila ko sila at nakitalon kami sa gitna. We danced along the beat of the sound. Nakita ko na naman ang corny steps ni Suho. Hataw naman si Kai habang tumutungga samantalang si Sehun ay nagpipigil pa.

Some are getting twild and tipsy also. Lumalim ang gabi, may mga sumasampa sa mesa at sumasayaw. May mga nag-ga-grind at twerk sa sahig. Mga naghihiyawan. I even saw a couple na nagmo-momol sa gilid. Take note: mga empleyado ito ng kumpanya.

Sehun couldn't hold himself back, Suho tried to stop him but he already grabbed the mic and shouted at the DJ. "I want the bop! I want the bop!" Itinaas niya ang kamay. Naka-rock and roll sign. "DJ drop the beat!"

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang magpatugtog ito ng upbeat remixes.

While dancing subtly, someone bumped into my back. 'Pag lingon ko, si Baekhyun lang pala. Sumasayaw. May hawak na bote ng beer.

Nakalimutan ko iniwan nga pala namin siya sa table kanina. Ilang bote na kaya naiinom nito, nangangamatis na naman ang mukha.

"Look at that. You know him?" turo niya sa malaking poster sa pader. "That's me!" he pointed at himself before. Iba ang tama ng alak sa kanya, nawawala sa sarili.

As I was about to approach him, Kai cutted our conversation. Isa ring may tama na.

"Hi I'm Kai!" pakilala nito sabay abot ng kamay.

Okay, pero naipakilala ko na siya kanina. What's going on?

Tinanggap ito ng lalaki. "I'm Baekhyun."

Kai pointed to his ear. Signaling that he can't hear him. He moved his face closer to Baekhyun's ear and right then, he whispered something to him.

Baekhyub arched his neck, indicating a tickling sensation. Nang mapansin kong magkahawak pa rin sila ng kamay, hinila ko si Kai. Ewan pero hindi ko na nagustuhan ang nakita ko.

Bago lumakad palayo, bumaling ako kay Baekhyun. "Are you gonna stay? Ihahatid pa kita!" I yelled.

"Okay! Okay!" he replied.

Nilibang ko si Kai sa grupo ng mga tao. D'yan na lang siya maghanap ng babae. H'wag na ang isang inosenteng lalaki.

Nang magtagal, inikot ko ng tingin ang paligid. Pero hindi ko makita si Baekhyun. Ang kaninang magaslaw at sayaw nang sayaw kahit hindi niya kilala ang mga tao. I'll just check him if he's still well and alive.

"Oh paano ba 'yan? Hinahanap na ng paningin mo," tukso ni Suho sa 'kin. "Go find him! Mahirap magsisi sa huli."

"Alam mo ikaw, mag-enjoy ka na lang. Kung ano-anong sinasabi mo!" sigaw ko.

Pero parang baliw lang na sinusunod ko ang sinabi niya. I need him to cross my sight again.

Inikot ko ang mga table pero wala siya. Pati sa buffet. Pinuntahan ko ang pool dahil baka nauna na siyang nag-swimming pero wala akong nakita.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Shit! Nasaan ka ba?

I asked the guard on the entrance table. 'Yung lalaking maputi, namumula ang pisngi, bagsak ang buhok, at hanggang balikat ko. Tumugma lahat ng descriptions ko sa nakita ng guard.

Lumabas daw ito. May kausap sa phone. Tinuro niya ako sa direksyon na pinuntahan nito. Sa kaliwa, sa may kalsada.

I ran towards that direction. Nagtago ako sa gilid nang makita siyang nakatayo at parang may inaantay. Maya-maya tumigil sa kanyang harapan ang itim na kotse. Lumabas mula rito ang isang lalaki na sa tantya ko ay matangkad lang ako nang kaunti.

They exchanged a few words I didn't hear. But I assumed he agreed with him when he nodded.

Pinagbuksan siya nito ng pintuan. He smiled and voluntarily jumped into the passenger's seat. In just a blink of an eye, they disappeared and I was left in questions.

No. This can't be. I do hope he's not what I think he is.

No One Knows [ChanBaek COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon