Chapter 6

77 3 1
                                    

I gave Suho a one thousand bill. Ambag ko sa mga pagkain na binili niya. He opened some and gave it to us one by one.

"Seryoso ba 'yun?" Kai asked, referring to the deal I told them about.

"Mukha bang mahilig magbiro si dad? Remember no'ng college I had to commute for a month? Dahil 'yun sa isang subject na bagsak ko."

"No way! Really?" Sehun exclaimed while laughing carelessly.

I punched him gently. "Funny 'yon?"

"So ano nang plano mo?" Si Suho.

"Hindi ko nga alam eh. Last day na ng palugit bukas. Wala akong mahanap na swak sa gusto nilang mangyari."

"Someone unknown naman 'di ba? Why not get a stranger you see on streets. 'Yung nangangailangan ng pera. For sure hindi tatanggi 'yon."

Galing talaga ng mga idea nito ni Sehun minsan. Hindi mo alam kung saang lupalop niya hinuhugot.

"Ano ba?! Company pa rin namin 'yon. Of course I will not do this just for compliance!"

Tumayo si Suho. Hawak ang baba at tila seryoso sa pagbi-brainstorming.

"Actually may point siya. Look for someone who needs money. Mapapa-oo mo agad 'yon. Show it to your dad and problem solved. Sila na bahala sa next procedure. Maghanap lang naman ang sabi sa 'yo eh."

"Eh ang kaso nga..." Minasahe ko ang batok "...hindi model material 'yung mga babaeng nakikilala ko sa bar."

"Eh 'di lalaki!"

Natahimik ang kwarto. Lumingon ako kay Kai. Nakakunot ang noo. "Seryoso ka? Cosmetic, dude. Cosmetic."

Nakatuon ang atensyon namin sa kanya nang itaas niya ang dalawang kamay, kalahating tiklop. "Break gender norms, girl!" He cackled, imitating that meme of a pink cartoon character with long nails and pouty lips I often see on twitter.

Napalingon kaming lahat nang binagsak ni Suho ang kamay sa mesa. Giving us an 'Aha!'  face.

"May point siya!"

Oh God! Akala ko naman nakapag-isip na siya nang sariling idea sa tagal niyang nakatayo at nakapalumbaba.

"Oo nga. Magandang idea 'yon," gatong ng isa.

Lalaki?

Sa isang cosmetic brand?

I mean...

Not a bad idea.

"Sounds interesting." Tumuhog ako ng bread roll at sinubo.

Pero ang tanong– sino?

Habang ngumunguya, tumingala ako sa kisame.

At para akong batang nabigyan ng candy nang may sumagi sa isip ko.

"Alam ko na!"

Nagpaalam ako sa tropa at agad na nagmaneho papunta sa destinasyon na alam ko.

The boy in that hotel.

Si Baekhyun.

Siya ang nakikita kong bagay sa concept na 'to. Hindi lang unknown, unconventional pa. Mas magiging agaw-atensyon ito sa masa.

Bukod pa ro'n, siya agad ang pumasok sa isip ko dahil nabanggit niya sa 'kin no'ng magka-usap kami na nakatapos siya ng pag-aaral dahil sa pagiging working student at scholar sa isang university.

Imagine nagtatrabaho habang nag-aaral...

Wait, possible ba 'yon? Parang ang hirap naman ng gano'n.

No One Knows [ChanBaek COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon