Chapter 16

59 4 1
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Pagtingin ko, ang mga nag-uumpugang kaldero, pinggan, at mga kutsara't tinidor. Bago ang sapin sa mesa at mga kurtina.

"Bakit ang dami pong nakahain?" tanong ko kay Manang.

"Ah, special request ng daddy mo."

Oh. I almost forgot, today is Wendy's birthday. Dito isi-celebrate sa bahay. Marami nang nakahandang pagkain, natatakpan. Pero busy si Manang sa pagluluto ng iba pang handa.

Wala pang online sa tropa pero ni-remind ko na sila na pumunta mamaya. Inimbita ko rin pala si Baekhyun no'ng nakaraan. I also reminded him to come today. Alam naman na niya ang papunta rito.

I still have a lot of questions in my head after he left the party. Malinaw pa rin sa akin ang mga nakita ko. Sumama siya sa isang lalaki na hindi naman niya kilala.

I tried to follow them. I ran back to my car and drove. Pinanatili ko ang distansya sa kanila para hindi ako mahalata. Para akong nasa isang action film. Inaalam ang isang sikreto.

At gaya rin sa isang scene sa pelikula, inabutan ako ng red light habang ang sinusundan na sasakyan ang tuluyang lumayo at nawala sa paningin ko. Fuck!

I have no choice so I decided to go back to the party. Hindi ko na rin siya nakitang bumalik.

One things for sure, he is suspicious. But I'll find the answers soon, on my own.

May bumusina sa labas ng gate, walang iba kung 'di si kuya. Mula sa sasakyan, lumabas ito kasama ang kanyang asawa na karga-karga ang birthday celebrant. Malaki na ang umbok sa tiyan.

Ang cute tingnan ng bata sa suot na red dress at sandals. Lumapit ako para kargahin ito. Napapikit pa nang halikan ko sa pisngi. May pahabol pang kurot.

"Ang cute naman ng baby!" panggigigil ko rito.

"Why aren't you prepared? Magsisimula na ang party," reklamo ni kuya.

"Kagigising ko lang. I'll change later."

Pinalo niya ako nang malakas. "Pwede ba 'wag mong panggigilan 'yang anak ko. Ang laki-laki mong tao malalamog 'yan!" saway niya.

"Pagbigyan mo na 'ko. Paborito kong pamangkin 'to eh."

"Paano naman 'to?!" singit ng babae, hinihimas ang bilog na tiyan.

"Edi dalawa na silang paborito ko!"

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Kinuha ni kuya ang mga pang-decorate sa compartment ng sasakyan. Sinimulan niyang ikabit ang mga lobo sa pader, sa gilid ng mesa, at sa sala.

Tumulong ako sa pagkabit ng taurpaulin. Next, I arranged the birthday caps and loot bags na ipamimigay sa mga bisita. Nilabas ko rin ang party poppers.

Pagkatapos nito, tinulungan ko si Manang sa paglilipat ng mga tray. Masyadong mabigat para kayanin niya.

Just right after we finished arranging, dad knocked on the door. Holding a huge box wrapped in yellow.

Dumiretso ito sa sala kung saan naroon si bata. "How are you, apo?" he kissed Wendy and borrowed her from the lady.

"You're so cute, apo! Mana sa lola," sabi nito sabay lapit sa picture ni mom.

I received a message from the squad. They're on their way. Isa-isa na ring nagdadatingang ang mga bisita. May mga kasamang bata.

When I checked Baekyun, he's online twenty minutes ago. Na-seen na rin niya ang message ko pero hindi nag-reply. Papunta na rin siguro.

I went upstairs to take a shower and dressed up. Pagbaba ko sakto naman ang dating ng tatlo. Nilagay ko sa mesa ang dala nilang regalo matapos nilang bumati.

"Nasa'n si Baekhyun? Hindi mo inimbita?" usisa ni Kai.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Siya talaga una mong hinanap 'no? Mag-antay ka darating 'yon maya-maya."

"Chill. Hindi ko aagawin, okay? Nagtaka lang kasi ako nawala siya bigla sa party."

"Ewan ko sa 'yo."

Ako rin. Nagtataka rin ako kung bakit siya sumakay sa sasakyan na 'yon. Sino ang kasama niya. At saan sila pumunta.

More than that, paano niya nasisikmura na gawin 'yon? Hindi ko lubos maisip na gano'n siya.

Kuya popped the party popper. Simula na ng party. And just when everybody was about to eat, a boy showed up in the door, grabbing our attention. He is wearing a white printed shirt tucked in a dark blue jeans and sealed with a black belt. Down to his feet covered with patent high-heeled shoes.

I immediately closed my mouth when I realized he left me jaw-dropping. He was holding a small paper bag.

"Chanyeol!" sigaw ni dad na nagpabalik sa 'kin. "Assist your visitor. Show some manners, anak." pagalit niya sa 'kin.

Before I could even move, the pregnant lady already pulled him inside. Nag-bless siya nang makita si Manang.

"Happy birthday po." He handed the paper bag to the lady which the latter responded with appreciation.

"Bakit ka late?" tanong ko pagkalapit niya sa 'kin.

He moved his face closer to me and whispered. "Traffic kasi."

Hindi ko maiwasang malanghap ang bago niyang amoy. Napagmasdan ko rin ang hugis ng kanyang labi na unti-unting nabanat nang ngumiti siya. Naniningkit ang mga mata.

Is this the way how he attract his customers? Magaling. But I'm not buying.

Kumuha agad siya ng spaghetti at chicken. Ang isang kamay may hawak na cupcake.

I can't help but think how being in line with the poverty deprived him of so many things. Kaya gano'n na lang siya kasabik sa amusement park at tuwing kumakain

Hindi ko alam kung maiinis ako o maaawa.

"Congratualtions!" pagsingit ni dad karga ang apo. He was talking to Baekhyun. "Chanyeol told me you did great in the project and your working attitude is also commendable. Good job!"

"Salamat din po sa oppurtunity, sir." sagot niya.

After I finished eating, I carried Wendy again. Ilang minuto lang nagsimula na silang magbukas ng mga regalo. Halos mapuno ng gift wrapper ang sahig. Nang binuksan ang kay dad, isang malaking doll house. Natawa naman si kuya. Iba talaga ang mga lolo at lola pagdating sa apo.

Since wala akong regalo, dahil nakalimutan ko, hinalikan ko na lang ulit ang baby. "Ihabol ko na lang 'yung gift ni uncle ha," sabi ko sa bata.

Next na binuksan ang kay Baekhyun. Nasa maliit na box. Isang pink-bottled perfume na may ribbon ang laman nito.

"Safe ba 'yon sa bata?" tanong ko rito.

"Oo naman. Skin-friendly kaya 'yon, 'no."

Iniwan ko muna ang bata para kumuha ng pagkain. Nandoon din si Manang. Sumasandok. Saka ko lang napansin na ang suot niyang bestida.

Ang tatlong tukmol naman nilalaro ang iba pang bata. May suot din na birthday cap gaya ko. Sumagi sa isip ko kailan kaya sila magkakapamilya?

Hays! Not too soon. Hindi pa ako ready mawalan ng buddies.

"Ganda ng dress ah."

Ngumiti siya sa 'kin. "Talaga ba? Nako nahiya nga akong suotin 'to eh. Mamahalin pala 'to. Galing sa gip sertipiket na binigay ni Ser Baekhyun," pagkwekwento niya.

"Anong brand po?"

"Ribil daw sabi ng anak ko eh."

Revel. 'Yung sikat na clothing line sa bansa.

"Alam niyo po ba kung saan galing 'yon?" May malisya sa tono ng boses ko.

"Edi sa kanya," nag-aalangang sagot niya.

"Anong malay natin."

Bigla kong naalala ang napulot ko sa kwarto no'ng nakaraan. Card. No. Not just a card. VIP card.

Saan siya kukuha ng pera para maka-avail ng mga 'to?

Ang conversation nila sa banyo, ang pag-pick up sa kanya ng isang lalaki. Now everything makes sense.

Who really are you, Baekyun?

No One Knows [ChanBaek COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon