Chapter 19

65 3 2
                                    

While I was able to get the forgiveness I'm asking from him, he left me hanging with that kiss. I can still vividly remember how he marked my lips so swiftly.

I couldn't go to bed without thinking our last encounter. As much as I want it to be clearer, atleast I could hold onto something for now. Sapat na 'yon.

Tok! Tok! Tok!

Pinagbuksan ko ang kumakatok sa pinto. Si Manang. Inabot sa akin ang itim na coat na plinantsa niya.

"Laki na ng pinagbago mo, hijo. Biruin mo isa ka nang ganap na CEO."

Tumawa ako. "Hindi pa po. Mamaya pa."

"Nako! Gano'n din 'yon!"

Ipinatong ko ang coat sa suot kong puting long sleeves. Tiningnan ko ang sarili sa salamin bago lumabas sa kwarto.

Hindi natapos ang role ko sa C.Y. Cosmetics. Nagpatuloy ako sa pagmo-monitor sa sales at sa paglalatag ng strategic plans. Nagamit ko kahit paano ang napag-aralan ko.

The good news is: it's performing good in the market.

Bumaba ako sa harap ng building sakay ng bago kong sasakyan. Binati ako ng security at sinabayan papunta sa conference hall. Binabati ako ng bawat empleyadong makakasalubong ko. Nakakapanibago ang treatment nila sa 'kin ngayon but I'll get used to it eventually.

Narito sa event ang ilang business tycoons. Mga tanyag na pangalan sa larangan ng negosyo. Kinamayan ko sila isa-isa pagpasok. Ang board members, business partners, at investors ng kumpanya. 'Yung iba ngayon ko lang nakita.

Huli kong kinamayan ang tinaguriang 'youngest billionare' sa bansa dahil sa kanyang leading footwear brand– ang Shoe-Min.

"Nice to meet you, Mr. Kim," bati ko.

"Likewise, Mr. Park," balik nito nang nakangiti.

I went to my designated seat habang inaantay kong magsimula ang event. Sa tingin si dad na lang ang kulang para mag-start.

Lumilipad ang isip ko. Kaya ko kaya ang responsibilidad na ipapasa sa akin ni dad? Ayaw kong maging abo lang ang pangalang itinayo niya sa loob ng mahabang panahon.

Minutes have passed, dad showed up. Nagtayuan ang lahat at sinalubong siya ng palakpakan. He greeted the important persons, including me, before going up on the rostrum.

"Good day to everyone! I am pleasant to have your presence here tonight. We have been in the industry for almost three decades. From being a small company with limited resources, we have rised up into being one of the top companies in the country," panimula niya.

He has put most of his time in this company. Ilang taong pagtitiyaga para makarating dito.

"Today is a very special day not just because we are celebrating our thirty-fifth anniversary, but this day also marks the new chapter of this company. I prepared for the day I would step down as the CEO, and that day comes right here. I knew right then, he is the perfect one to replace me. But he need a little more push. I did everything for him to be ready, and I didn't fail. He proved himselft that he is deserving and worthy of this position."

This is it!

"Ladies and gentlemen, I introduce to you the new chairperson of SM Company, my very own son, Mr. Park Chanyeol!"

I heard the whole room being occupied by loud applauses. I came here prepared, pero malakas pa rin ang tibok ng puso ko.

Sumampa ako sa rostrum at humugot ng malalim na hininga bago itinapat ang sarili sa mikropono.

No One Knows [ChanBaek COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon