Chapter 7

72 4 0
                                    

Naglalakad ako sa kahabaan ng sidewalk. Naghahanap ng signal. May kailangan akong i-update pero kanina pa nagloloko ang data ko. Nakakabwisit!

Naagaw ang atensyon ko nang may marinig akong malakas na sigaw na nanggagaling sa hindi kalayuan. Lalo itong lumakas habang umaabante ang lakad ko. Sunod-sunod. Parang humihingi ng tulong.

"Blag!"

Bago pa man ako makaliko sa daanan, isang malakas na pwersa ang bumangga sa 'kin. Galing sa isang taong tumatakbo at hinihingal.

"Tumabi ka nga!" bulyaw sa 'kin ng lalaking hanggang balikat ko lang. Naghahabol ng hininga at tagaktak ang pawis.

"Ikaw na naman?!" sabay kaming napasigaw nang makilala ang isa't-isa. Halos magdikit ang kilay niya habang nakatingala sa 'kin. Pero higit sa inis, mas naaninag ko sa mga mata niya ang takot at kaba.

"Teka lang." I crossed my arms. "Huwag mong sabihing may humahab–"

"Walang gagalaw!"

And just that, a figure of two men covered with a black cap and a mask showed up in this slightly-lit road, answering the question I was supposed to ask.

Ah, here we go again.

"Kalma lang mga dude." Hinila ko si Baekhyun sa likod ko. Nakaharang ang dalawa kong kamay. Sa posisyong 'to, ako ang mapupuruhan kung sakaling iputok nila ang baril na nakatutok sa amin.

"Magkano kailangan niyo?" tanong ko.

Sumagot ang isa. "Akin na ang wallet niyo!"

Okay. Madali naman akong kausap. Pera lang naman 'to. Kinapa ko ang pitaka sa bulsa ng pantalon.

Oh shit! Napamura ako sa isip. Wala akong dalang wallet. Naiwan ko yata sa kotse. Hayop! Kung minamalas ka nga naman oh!

"May dala ka bang pera?" bulong ko sa lalaking nakasiksik sa likod ko.

"W-Wala rin eh. Bigay mo na lang phone mo. Hulugan ko na lang, please. Mas mahalaga buhay natin," sagot niya, nakakapit nang mahigpit sa damit ko.

"Hindi pwede ano ka ba?! Maraming contact information dito!"

"Eh...paano na 'yan?" nag-aalalang tanong niya sa garagal na boses.

Bahala na.

I need to do this.

Lumingon ako nang dahan-dahan sa dalawang armadong lalaki. Isang malalim na hinga. Napalunok ako. Walang anu-ano'y sinipa ko ang kamay ng isa dahilan para tumalsik ang baril na hawak niya. Agad ko itong sinuntok.

Isang malakas na hampas ng baril ang tumama sa likod ko. Nagdilim ang paningin ko. Sinunggaban ko agad ang lalaking humampas sa 'kin bago pa nito maitutok ang baril.

Binigyan ko ng isang may pwersang suntok sa mata. Tinadyakan sa gitna ng hita. Namilipit ito sa sakit saka natumba. Doon ko pinaibabawan ang lalaki at inundayan ng suntok.

"Ah!" sigaw ko nang may sumakal galing sa likod ko. Nakapulupot ang braso sa leeg ko. Mahigpit. Hindi ako makahinga.

"Bi...t...taw..."

Hawak ang kamay na nasa leeg ko, nagpupumiglas akong makawala. Pinilit kong makatayo man lang kahit halos malagutan na ako ng hininga. Sa bigat ng nakadamba sa 'kin, hindi ko magawang bumalanse nang maayos.

Nakakuha ako ng pagkakataong pumalag nang kasama ko siyang maiangat sa ere. Umatras ako nang mabilis at ibinangga siya sa pader.

Bumitaw ito sa pagkakagapos sa leeg ko. Nakakarindi sa tainga ang sigaw na pinakawalan nito. Dumadaing sa sakit. Binigyan ko pa ito ng isang sipa.

I didn't wait for them to get up. Hinila ko ang nakatayo at nangangatog na lalaki sa gilid at tumakbo palayo.

"Hey, are you okay?" tanong ko nang makalayo kami sa pinangyarihan ng gulo.

He looked directly into me eyes. Those round brown eyes were about to shed tears the longer I stare at it.

"I-I'm...sorry."

'Yun lang ang mga salitang lumabas sa bibig niya bago tuluyang mag-unahan pababa ang mga luha niya.

Geez! How do I comfort someone who's crying in front of me?

"Sssh. Wala na sila. Malayo na tayo. Okay na." Hinimas ko ang likod niya. Pinatong ang kamay sa kanyang ulo. Hanggang sa unti-unti siyang kumalma at tumahan.

Pinahid niya ang luha bago nagsalita. "Ayos ka lang ba? Baka may sugat ka?"

Oh. A coward David asking a tough Goliath how was he after a bloody battle.

"Wala. Ayos lang," sagot ko kahit kumikirot ang likod at masakit ang leeg ko.

I offered him a ride again. Para ligtas siyang makauwi. Ano bang mayroon at habulin siya ng mga holdaper? Tapos nagkakataon pang nandoon ako malapit sa lugar.

"Thank you. Pangalawang beses mo na akong niligtas," nahihiya niyang sabi nang umandar ang sasakyan.

"No problem. Pero advice ko lang sa 'yo 'wag ka nang lumabas 'pag gabi."

Ilang minutong katahimikan. Naglakas-loob akong tanungin siyang muli. "'Yung tungkol sa offer ko–" I paused. "– hindi mo ba napag-isipan 'yon? Sayang naman. Makakatulong 'yon sa 'yo. Sa pamilya mo. Pwede ka na rin lumipat ng trabaho para makaiwas ka na sa mga masasamang-loob."

"May trabaho ako," mahina niyang sagot.

"Babayaran ko ang daily salary mo. Kung ilang araw kang mawawala sa trabaho. Doble. I can also talk to your manager if you want. I badly needed you, please?"

He laid his back on the board. "Ba't ako? Marami kang mahahanap d'yan. Hindi naman ako marunong mag-model," pagtanggi niya.

"Nasabi ko na sa 'yo 'yan last time. Company na ang bahala. You'll undergo training and sessions. Hindi ka namin pababayaan."

Hell! That was the sincerest tone I've ever done in my life. Para akong nanay na ina-assure ang anak na 'okay' naman ang mga bagay-bagay.

"Will you be promoted if I agree?"

I gasped some air. "No. I'm doing this to make my father proud. Gusto kong ipakita na may kaya akong gawin at deserving akong anak."

The car was filled with deafening silence again. No one bothered to make a noise. Until I dared to. "Okay lang kung ayaw mo–"

"Sige."

Napalingon ako. "Really?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"I accept your offer."

Hindi ko naitago ang saya nang kumpirmahin niya ang pagtanggap sa alok ko. Matapos ang ilang araw na paghahanap ng model, finally mayroon na!

Sabi nga, sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy– if that makes sense. Naririnig ko lang naman dati kay lola.

Binaba ko siya sa tapat ng hotel na pinagtatrabahuhan niya. Doon niya ako tinuro. I waved my goodbye to him before leaving.

"Ingat ka," bilin niya.

I continued driving, heading back home. Kinuha ko ang phone sa bulsa at nag-message sa tropa.

Success!

Whoa. Talaga ba? Sehun replied.

Oo. Salamat. Galing niyo umarte.

Anong arte? Hoy tarantado! Ang sakit ng likod ko no'ng binangga mo 'ko sa pader. Kai butt in.

Kamusta naman 'yung isang suntok na dumiretso mismo sa mukha ko?

Pssh. Hindi maiiwasan 'yon. Treat ko na lang kayo. Salamat guys!

Then Suho chatted before I went offline. Anong mayro'n?

Umakyat ako sa kwarto with 'mission accomplished' under my name. I told you. Wala pa sa mga nagtangkang sumubok ang nanalo sa akin.

Oh well, every mouth that rises against Chanyeol shall fall.

No One Knows [ChanBaek COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon