Chapter 12

45 5 1
                                    

tw : mention of death

"Anong nangyari sa gagawa ng project, mga tanga?" Tanong ni Nero sa kanila dahil wala pa silang nasisimulan dahil puro nakatutok sa cellphone silang lahat.

"Nakakatamad, bukas na lang." Sagot ni Ignis.

"I second the motion." Sambit ni Rex.

"I third the motion" Sambit naman ni Andrei.

Nakisali na rin ang mga babae sa kanila.

"I fourth the motion" Ani Nixx.

"I fifth the motion." Ani naman ni Cass.

"I six the motion." Ani Christy.

"Gaga! Sixth 'yon, hindi six." Pagtatama ni Cass kay Christy.

"Ayos na 'yon. Magkatunog naman. Kesa naman 'yung letter 'e' imbis na 'i', diba?" Natatawang sabi ni Andrei.

"Yuck! My innocent isip!" Sigaw ni Cass habang tinatakpan ang mga tainga.

"Napakabastos mo talaga, Drei!" Sigaw sa kaniya ni Nixx.

"'Yan, nood pa ng ano." Pang-aasar sa kaniya ni Rex.

"Gago! Inosente ako, 'no? Kahit tignan mo man browser history ko." Depensa ni Andrei.

"Delete history pa more." Patuloy sa pang-aasar si Rex.

"Kala mo hindi rin niya ginagawa, eh, 'no?" Sabi naman ni Nero kay Rex.

"Inosente rin kaya ako! Ikaw lang nagturo sa'kin no'n, eh."

"Alamat ka! Inosente ako, oy!" Sigaw sa kaniya ni Nero.

"Sige kunwari naniniwala kami na inosente kayo." Ignis rolled his eyes at them.

Tinigil na nila ang pag-aasaran tungkol sa bagay na iyon dahil baka hindi na komportable ang iba sa kanila.

"Oh, ano nang plano? Kailan ba talaga gagawa? Sa Monday na pasahan nito tandaan n'yo." Paalala ni Nero.

"Bukas na nga lang. Tinatamad talaga kami." Sambit ni Ignis.

"Siguraduhin n'yo lang na gagawa kayo bukas, ha? Kung hindi, tatanggalin ko kayo sa grupo." Banta sa kanila ni Nero.

"Yes, boss." Walang ganang sagot nila.

"Sa tingin n'yo maniniwala ako sa sagot na 'yan?" Tanong sa kanila ni Nero.

"Yes, boss!" Sabay-sabay na sigaw nila.

Nero raised a brow at them "Hindi naman kayo galit?"

Ngumiti sa kaniya silang lahat at sabay-sabay na umiling.

"Hoy, Lewis! Tignan mo na lang kung may kailangan pa tayong bilhin na materials para do'n sa project. Ako na lang ang bibili." Sambit ni Nero.

"Sure. I'll just message you if we need something else." Sagot ni Ignis.

"Paano mo ako i-me-message, hindi naman tayo mutuals sa lahat ng social media accounts natin?" Natatawang tanong ni Nero.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu