Chapter 22

41 1 0
                                    

A/N: This is to celebrate my first year of being a writer at wattpad! Loveyou guys!!❤️

Flashback

Tinatahak ni Andrei ang daan papunta sa guidance habang iniisip kung sino ang posibleng naghahanap sa kanya.

Wala naman kasi siyang inaasahang darating.

Nang makarating sa harap ng guidance office ay kumatok siya nang tatlong beses. Hindi nagtagal ay bumukas ito.

Akala niya ay isa sa mga tao sa guidance kaya naman nakahanda na ang maganda niyang ngiti. Ngunit isa rin palang estudyante ang nagbukas nito.

He stilled a bit as he stared at her beauty. Thin eyebrows, dark brown eyes, small pointed nose, thin pink lips, chubby cheeks at kutis porselana.

Damn, sobrang ganda kahit walang make-up.

"Alam ko namang maganda ako, pero pwede bang makiraan?" Anito na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Pansin din niya ang biloy nito na lumilitaw kapag nagsasalita.

Tumabi siya para magbigay daan. "S-sorry."

Nagtuloy-tuloy na ito sa paglalakad at hindi na ulit lumingon. Habang papalayo ang bulto nito ay nakatanaw pa rin siya. Her long black wavy hair was being blown by the wind making her aura more powerful.

"Hey, babe." Tawag ng isang lalaki na kumuha sa atensyon niya.

The man was wearing a cap and facemask but he already knew who it was.

"What the fuck are you doing here, Ximenez? At h'wag mo akong ma-babe riyan!" He was half shouting and half whispering.

"Ito talagang babe ko napaka-init parati ng ulo. Halika nga rito, namiss mo lang siguro ako." Akmang yayakapin ni Ximenez si Andrei nang singhalan niya ito.

"Fuck off!"

"Language!" Sita ng isa sa mga tao sa guidance.

Napapahiya siyang nag-sorry samantalang si Ximenez naman ay tatawa-tawa.

Lumabas si Ximenez ng silid dahil baka naiingayan na ang mga tao sa loob.

"I just came here to give this to Rex." He handed a key to Andrei.

Tinanggap niya ito nang magkasalubong ang kilay. "Siraulo ka pala, e. Bakit ako ang pinatawag mo imbis na si Rex?"

Ximenez pouted. "I want to see you."

Still, his words had no effect on Andrei. "You wanted to see me or you wanted to piss me?"

"Even when I do nothing, you're always pissed at me." Ximenez rolled his eyes.

Andrei smirked. "I'm glad you know that."

He sighed. "Just tell Rex that Mom and Dad are out of the country. Si Yaya Nel naman ay day-off ngayon. Walang maiiwan sa bahay kaya ayan 'yung susi."

"At ikaw?"

Ximenez smiled by the thought that he's interested. "May shoot ako."

"Ah, sige. Una na ako, may klase pa'ko." Akmang aalis na siya nang hawakan ni Ximenez ang braso niya.

Hindi naman ganoon kahigpit ang kapit ni Ximenez kaya bahagya siyang nagtaka kung bakit hindi niya binawi ito tulad ng ginagawa niya dati.

"I forgot something."

Hindi pa nakakatugon si Andrei rito nang ibaba niya ang mask at ilapit ang mukha sa kaniya.

Then everything seems to be in slow motion. Dahan-dahang lumapit ang mukha niya kay Andrei at na-estatwa ito nang maramdaman ang labi ni Ximenez sa noo niya.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Where stories live. Discover now