Chapter 31

28 1 0
                                    

"Paki-remind nga ulit ako kung bakit Civil Engineering kinuha ko."


Nilapag ni Andrei ang tray ng pagkain niya sa table at umupo sa harap namin ni Nixx. Nasa loob kami ng cafeteria ng school dahil break time na.


"'Kala mo naman talaga stressed na siya, tamang kopya ka nga lang sa'kin." Sabi ni Nixx.


Ngumiti naman agad si Andrei. "Speaking of kopya, nalimutan ko yung assignment sa Lit..."


Tinawanan ko na lang ang dalawa dahil nag-away pa sila sa harap ko. Hanggang ngayon,
nakakapanibagong si Nixx na ang kinukulit ni Andrei at hindi si Rex. I must admit that college became even harder than it really is especially when we were apart from each other.


Sa NU kami pumasok nila Nixx at Andrei. Sina Nero, Rex at Cass naman sa RIS at si Christy naman ay sa LSPU. Minsan na lang kami makumpleto dahil may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang isa't isa.


I took Architecture while these two who were still bickering in front of me took Civil Engineering. I love to draw. It's my passion and I'm quite good at it. My head is just full of creative ideas and I thought I could express it at this field.


"Inom daw mamaya sabi ni Rex." Ani Andrei habang nakatingin sa cellphone niya.


Simula noong mag-college kami, madalas na ring mag-akit mag-inom ang mga 'to.


"May tatapusin pa 'kong plates mamaya. Kayo na lang. Try ko na lang sumunod." Konti na lang naman ang tatapusin ko ro'n at Friday naman kaya pwede akong magpuyat.


"Magtigil ka, Kiro Andrei. Due na sa Monday nung project, wala ka pang nasisimulan." Sabi ni Nixx.


"Sa Monday pa pala 'yung due, edi sa Monday gagawin." Natatawang sagot ni Andrei.


Inirapan siya ni Nixx. "Ewan ko sa'yo. H'wag ka lang talagang iiyak sa'kin kapag hindi mo natapos 'yon on time."


Pagkatapos ng bangayan nila ay bumalik na kami sa kanya-kanyang room. Pagpasok ko ay wala pa ang prof kaya medyo magulo pa sila. Umupo ako sa upuan ko at lumapit naman kaagad sa'kin si Lenlen. Siya na 'yung masasabi kong pinaka-close ko sa blockmates ko.


"Tapos mo na plates mo?" Umupo siya sa upuan na katabi ko.


Umiling ako. "Hindi pa. Konting details na lang."


"Nawa'y lahat!" Sumimangot siya. "Wala pa akong nasisimulan! Walang pumapasok sa utak ko, e! Or baka wala lang talaga ako no'n?"


Kinatok pa niya ang ulo niya kaya natawa ako. Mabait naman siya at halos lahat yata ka-close niya kahit hindi ka-block. Kaya madalas din siyang napagtatanungan kung kilala ba niya si ganito, si ganyan.


"Baka naman may ideas ka pa riyan, oh!" Para talagang paiyak na siya kaya binigyan ko na lang rin. Marami pa naman akong stock ng ideas.


Maya-maya ay dumating na ang prof kaya bumalik na siya sa upuan niya. Nang mag-uwian ay nauna na kami ni Nixx kay Andrei sa condo dahil didiretso na raw siya roon sa bar na napag-usapan.


Sa Calamba ang school namin kaya kumuha kami ng condo unit. Ewan ko lang kung paanong napapayag ni Andrei ang mga magulang niya.


Katabing unit namin ni Andrei ang kay Nixx at madalas siyang nakatambay sa unit namin kapag walang magawa.


Mahirap mawalay kay Dad pero kailangan. Ayaw ko ng lagi na lang akong nakadepende sa kaniya. I needed to learn how to be independent. I need that to survive.


Tinatapos ko na ang plates ko nang mag-ring ang cellphone ko na nasa coffee table. Sa sahig ako gumagawa ng plates para mas malawak.


I put it on loud speaker. "Waeyo?"

Falling Unexpectedly (Ongoing)Where stories live. Discover now