Chapter 26

36 1 0
                                    

"And that was Ian De Guzman and Charlotte Camayang from grade seven with Rewrite the Stars! Around of applause!" Anang President ng student council na gumanap na emcee.

"What was their theme again, Nixx?" Tanong nito kay Nixx na isa ring emcee.

"Nako, Kim makakalimutin ka na talaga. Oh, girls and gays kung sinong makakasagot sa tanong ni Pres, baka magkaro'n kayo ng chance na alagaan 'to. Masyado nang makakalimutin, eh." Sabi ni Nixx.

She practiced too well that everyone didn't even notice that she feels uncomfortable. Public speaking isn't her thing. Her friends knows that at siguro ay natatawa na ang mga ito sa lagay niya.

"Fate against us!" Mabilis na sagot ng babaeng nasa unahan. "Ako na ba mag-aalaga kay Pres?! Malay mo hindi against sa'tin ang fate, Pres! Baka ikaw talaga ang forever ko!"

"Sorry, I don't believe in forever." Kunwari'y malungkot na anito.

"Ay bitter." Pang-aasar ni Nixx na umani ng tawa sa mga nanonood. "Next up are from grade nine! Are your hearts ready, BL fans?!"

Tinapat niya ang mikropono sa mga audience at sumigaw ang iba rito. "Yes!" Mostly girls and some were gays.

Kim, the President, chuckled that earned dreamy sighs. "But before that, here is a short video compilation of the school projects that we've successfully done."

They let down the white curtains and turned the projector on. Habang pinapanood nila ang video ay nag-aayos naman ang mga tao sa likod ng kurtina para sa susunod na magpeperform.

"SUSUNOD na kayo, mga anak. Manalo man o matalo, tandaan niyong proud pa rin si Ma'am sa inyo." Pampalubag loob ni Mrs. Daniva sa kanilang dalawa.

"Sinong may sabing matatalo po kami, Ma'am?" Ang yabang ay rinig sa boses ni Nero.

"Yabang mo, nanginginig na nga tuhod mo." Natatawang puna nito sa nanginginig ngang tuhod ni Nero.

Pinigilan niya ang panginginig nito. "Bakit kasi pangalawa tayong magpeperform?"

"Nagrereklamo ka pa, ikaw nga ang nakabunot no'n." Sabi ng guro nila.

Sa bunutan binase ang pagkakasunod-sunod ng mga magpeperform. Ang mga malas na kamay ni Nero ang nakabunot sa number two.

"Ah, Ignis and Nero from grade nine?" Sumilip ang isang babae sa backstage kung nasaan sila.

"Here." Sabay na sagot ng dalawa at parehong nakataas ang kanang kamay.

Tumingin ito sa banda kung nasaan sila. "The stage is all set. Two minutes and we'll start." Pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ito.

Tinapik ni Ma'am ang balikat ng dalawa. "Go out there and make our section proud!"

Sabay silang bumuga ng marahas na hangin at tumayo. Nang makalabas sila sa backstage ay dinig na dinig ang ingay ng mga tao na dumagdag sa kaba nila.

Umakyat na sila sa stage at pumunta sa kanya-kanyang pwesto. Sumilip si Nixx mula sa puting kurtina at nakangiting nag-thumbs up sa kanilang dalawa.

Nang matapos ang video ay nagsalita na ulit ang President. "Those were the school projects na nagawa natin. With the help of our Principal, teachers, staffs, sponsors, the student council, and of course our beloved PINHS students. We wouldn't have done it without you guys." Pumalakpak ang mga tao.

"And now, to perform Lover Remix by Taylor Swift featuring Shawn Mendes, here are Ignis Lewis Romero and Nero Sebastian Vasquez with their theme 'Homo'! BL fans, scream!!" Excitement was on Nixx's voice.

Nagkatinginan sila nang ibang theme ang sinabi ni Nixx. So that's the reason kung bakit mayroon silang kasamang mga babae na nag-audition. Pinalis na nila ito sa kanilang isipan at nagfocus na sa performance.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Where stories live. Discover now