Chapter 33

27 1 0
                                    

After taking a bath, I reached my phone at the bedside table and saw a lot of notifications. Mostly from facebook. Nag-alala tuloy ako at baka kung ano-anong katarantaduhan nanaman pinagshe-share nila na naka-tag ako.

Pagtingin ko ay puro sa NU Freedom Wall na page pala galing. Most of them came from Nixx, Andrei, and Lenlen. Napabuntong hininga na lang ako kasi feeling ko, alam ko na kung ano 'yung mga 'yon. Tinignan ko ang isa sa mga post na naka-mention ako at tama nga ang hinala ko.


NU Calamba Freedom Wall
Sabay sabay tayong magsabi ng condolence sa mga namatay nating puso dahil may nagmamay-ari na kay Ignis HUHUMDBIEHWKQJE😭


Ang OA, gagi. There were also some comments and I think they're just literally out of their minds.


Ghelyn Morales
PATAYIN NYO NA LANG AQ🙂


Kyla Miguel
kukuha na lang kayo ng chika, kulang-kulang pa mga ponyeta SINO DAW


Andrei Rivera
one dot, magbibigay ako ng clue;)


Under it are tons of replies knowing that I'm close to him. Oh my gosh, such a clout chaser!


Ronalyn Rieno
TUMIGIL NA KAYO NANG KAKACHAT SA'KIN DAHIL WALA RIN AKONG ALAM MGA CHIKADORA!!


Nixx Flores
@Rex Katipunan @Nero Vasquez @Cassandra Tenorio @Christy Alon lugi tayo do'n, ah


Anong lugi?! Siya kaya may pakana nito! Ang mga inutil, nakisali na rin.


Rex Katipunan
ckat pala 'yang si Ignis? binabatok-batukan ko lang 'yan, e.


Cassandra Tenorio
OMGJQBJSBDKAKA ignis kalandian era is coming🤌🤌🤌


Christy Alon
kung hindi yan si Bae Suzy, wag na lang, pls...


Wow, himala. Walang comment si Nero, ah? Just when I was about to ignore all of them, a new notification popped up. I was mentioned again from another post.


NU Calamba Freedom Wall
stop spreading fake news. single pa rin si Ignis kasi hindi ko pa 'yan nililigawan. save those dramas for the future. and btw, if ever he really has someone, I would be the one to know that first pero ngayon, wala pa siyang sinasabi sa'kin.


The fuck? Sino 'to? Bakit parang siguradong sigurado naman siya sa mga sinasabi niya? At bakit niya nasabing siya ang unang makakaalam about sa lovelife ko? Argh, this is giving me a headache!


NU Calamba Freedom Wall
mga beh this is from a student at RIS and hanggang doon lang ang information na kaya kong ibigay. In short, ako lang muna ang pwedeng kiligin💅🏻

-admingina


Kahit 'yung admin nakikisali na rin! They said it was from a student sa RIS. Wala naman akong ibang kilala na nagkagusto sa'kin doon maliban kay
Zarlyn at Michael. Matanong nga kay Nero.


i.lewis: ano na? namatay ka na ba sa kilig dyan?


Baka kasi kinikilig pa rin siya roon sa kung sino mang sinasabi ni Rex. Ilang segundo lang ang hinintay ko nang mag-reply siya.


nerosv: ba't naman ako kikiligin?


Lah, galit 'yan?


i.lewis: joke lang naman bakit parang galit ka?


nerosv: i'm not galit.


Hindi galit pero may tuldok sa chat. Sinong niloko niya?


i.lewis: why is my tubig galit did i do something wrong ba:((

Falling Unexpectedly (Ongoing)Where stories live. Discover now