Chapter 27

35 2 0
                                    

"Go, Nero!" Sabay-sabay na sigaw nila Nixx, Cass, at Christy bago magsimula ang laro.

Huling intramurals na nila itong dadaluhan sa highschool. Tatlong araw ang intrams nila at sa unang araw ang basketball at volleyball na pinaka inaabangan ng karamihan.

Noong isang taon ay hindi nakapunta si Ignis dahil sa RIS ito ginanap at badtrip pa sya sa ibang tao roon. Pero ngayon naman ay nakakayanan na niya itong makita nang hindi naiirita.

Nakigamit ang school nila ng basketball court sa RIS dahil may event na ginaganap doon sa basketball court na malapit sa kanila. Wala rin namang basketball court sa loob ng school nila.

Sumali si Nero sa basketball dahil gusto nya lang daw malibang. Hindi siya ganoon kaseryoso rito. Huling laban na nila para sa intramurals at wala naman kay Nero kung matalo man sila. Sa district meet, hindi lahat ng players na mananalo ay makukuha. Pwede silang kumuha mula sa ibang team na may potential. At balak ni Nero na hindi sumali sa district meet.

Si Rex naman ay sa volleyball sumali. Sila Andrei at Andrea ay nag-mixed doubles sa badminton. Habang sina Ignis, Cass, Nixx, at Christy ay walang sinalihang sports dahil hindi naman sila sporty. Kaya heto, nagchicheer na lang sila.

Sa kalaban napunta ang bola nang mag-jump ball. Hindi biro ang kalaban nila Nero kahit na mas bata pa sa kanila ang kalaban nila. Maliliksi ito at may mga galaw kaya nakapuntos agad sa simula pa lang. Humahabol rin ang taas nila sa kanila kaya medyo nahihirapan sila.

Nang mapunta ang bola kay Nero, tumakbo sila papunta sa kabilang side nang mabilis ang mga galaw. Pinasa niya ito nang makitang free ang isang kakampi. Pumosisyon siya sa three point arc at pinasa sa kaniya pabalik ang bola. Nero threw the ball and gave them three points that made the crowd go wild.

Kahit ang mga taong nasa kabilang side ay nakikisigaw. Nero was also quite popular but he doesn't seem to have care to it.

Malinis ang naging laro. Walang pisikalan at bugnutan na naganap. Mukhang determinado ring manalo ang kalaban.

Lamang sila Nero sa first quarter at naka-bawi ang kabilang team sa second hanggang third quarter. Nagtuos sila sa fourth nang makahabol sila Nero. Maya-maya rin ay narinig na nila ang buzzer at sabay-sabay na nagsigawan ang side nila Nero sa pagkapanalo nila.

Ang huling three points ni Nero ang nakapagpanalo sa kanila nang lumamang sila ng dalawang puntos. Itinanghal ang captain nila bilang mvp at kasali naman si Nero sa mythical five.

Bumaba na sila para salubungin si Nero. It was not their first time. Pero para kay Ignis na ngayon lang nakita si Nero maglaro, umaapaw ang excitement sa kaniya.

"Three points from Vasquez 11!" Sigaw ni Ignis nang makalapit kay Nero. Ginaya pa n'ya ang pag-shoot ng bola.

Naiiling na tinawanan lang niya si Ignis. Lalapit pa sana sila perop pinigilan sila ni Nero.

"Amoy pawis ako, d'yan na lang kayo."

Nagtaka naman si Ignis dahil sa kinatatayuan niya, amoy niya si Nero. He can smell a manly scent or was it his perfume? Pero hindi siya amoy pawis kaya nagtataka siya kung anong sinasabi nito.

Masyado ka nang pinagpala, dapat ka nang ipatumba.

"Let's take a pic!" Ani Cass.

Nilabas ni Cass ang phone niya at ang walang hiyang si Andrei ay naghanap pa talaga ng magpi-picture sa kanila.

"Sabing amoy pawis ako, eh!" Angal ni Nero nang lumapit sila sa kaniya para sa group pic.

Hindi nila ito pinansin at ngumiti na lang sa camera. Naka-ilang kuha lang sila bago nagpaalam si Nero para pumunta sa locker room.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Where stories live. Discover now