EPILOGUE

1K 55 25
                                    

EPILOGUE





"WHAT?" iritado kong tanong at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lamang siya at hindi nag-abalang alisin ang titig sa akin. Itinaas ko ang hawak kong tinidor at tinutok sa kanya. Mas lalo lamang siyang humagalpak ng tawa.

"Caelum Carter, mind your food, not me. Okay?" 

"Ikaw ang nagluto nito?" usisa niya at parang kinikilatis ang kabuuan ng putaheng niluto ko para sa kanya. Napataas-kilay ako.

"Malamang!" pagmamayabang ko. He chuckled.

"Kaya pala hindi masarap."

"Potangena, anong sabi mo?!" Halos magsalubong ang kilay ko at napatayo. Padabog kong hinampas ang mesa at pinanlisikan siya ng mga mata.

Tulad ng dating Caelum Carter, nag-crossed arm lamang siya at hindi nagpatinag.

"Paano kung mas masarap ka?" Dahil sa sinabi niya'y halos mamula ang pisngi ko na parang kamatis.

"Tangina mo talaga," mura ko at inurong sa kanya ang plato. "Ubusin mo iyan kung ayaw mong mapaslang kita." Agad akong naglakad palayo at hindi na nag-abala pang lingunin siya.

"Alam kong hindi mo ako kayang patayin. Remember na ako pa mismo ang sumaksak sa sarili ko noon? Ginamit ko lang ang mga kamay mo," paliwanag pa niya pero hindi ko na siya pinansin. Ang epal niya.

"Kayang-kaya ko 'yon, Caelum. Kung nagawa ko sa mga kaklase natin, kaya ko rin sa 'yo," giit ko pa.

"Hoy!" tawag niya sa akin at bago pa ako tuluyang makabalik sa sala ay hinigit na niya ang braso ko. Hinarap ko siya.

"Ano na naman, Carter?" Nakakainis na ang tangang 'to.

"How come that I look annoying to you wherein fact you're looking for me all these years and praying for me to be alive again? Ngayong nasa harapan mo na ako at nakakausap, parang ayaw mo naman sa akin."

Napaiwas ako ng tingin. Parang nakonsensya ako roon.

"Hindi naman sa ganoon, pero..." Tinitigan ko siya at ngumiti nang tipid. Nagpamewang siya at tumingala. Pagkuwa'y bumuga ng hangin.

"Girls are annoying and boring to be with. Lalo ka na. Ang gulo mo kasi," sambit niya dahilan para mapangiwi ako.

"Or I'm just boring in your eyes?"  Ako naman ang nagpamewang.

"You won't be too boring for me."

"Wow naman, Carter!" palatak ko dahil sa mga korni niyang banat. Mayamaya'y hinatak niya ako sa braso palabas ng bahay.

"Wait, saan mo na naman ako dadalhin? Nakakahalata na ako, ah! Kanina mo pa ako hinahatak-hatak! Porket ang lakas mo na ulit ngayon!" reklamo ko nang buksan naman niya ngayon ang kotse niya at pinapasok ako.

Isinuot niya ang seatbelt at pinaandar ang sasakyan. Tiningnan ko siya nang masama.

"Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko pa.

"Daming tanong. Parang tanga---aray fuck!" sigaw niya matapos ko siyang sabunutan. Buti na lang at hindi na malago ang buhok niya kundi mas nahatak ko iyon. Bukod roon, may suot na ulit siyang piercings. Pero naroon pa rin kabila niyang pisngi ang peklat ng nakaraan.

I can't deny that it made him cool even more with his piercings and scars in his face. A gangster Caelum Carter is in front of me right now.

"Your stare can't melt me, Ezelle. Much better if I should be the one to stare at you later like that. Let's see who will melt first," aniya kaya napaiwas ako ng tingin. Abala siya sa pagmamaneho at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now