CHAPTER 5 - BEHIND THE WALLS

724 47 2
                                    

CHAPTER 5



BEHIND THE WALLS






DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang puting kisame at nakakasilaw na liwanag. Napabuntong-hininga ako.

Narito na naman ako sa ospital.

Naramdaman kong may kumaluskos sa bandang sulok at nakita ko si Khirl na nakatunghay na pala sa akin. Gustuhin ko mang ngitian siya ay hindi ko magawa dahil sobrang sakit pa rin talaga ng ulo ko. Para itong binibiyak. Ngumiwi ako at napahawak sa ulo.

"Thought your skull would literally crack. That bitches really hit you hardcore," bungad niya at kinilatis ang itsura ko na may benda sa ulo at may pasa sa mukha. Mukhang matatagalan pa ako rito ng ilang araw bago makalabas. Tangina lang kasi.

Buti nabuhay pa ako sa lakas ng hampas na iyon.

"I shall return and hit them to death," tiim-bagang kong sagot kaya natawa siya.

"That's my sister," natatawa niyang komento bago nag-thumbs up at tinulungan akong makaupo mula sa pagkakahiga. Pati katawan ko, masakit na rin.

"Nasa labas pa si ate Marie. Bumibili ng pagkain. May gusto ka ba para maabisuhan agad si ate kung anong bibilhin?" sambit pa niya pero umiling lang ako.

Parehas kaming bumuntong-hininga at nagkatinginan.

"Ano kaya kung mag-quit ka na sa pagtuturo at tulungan na lang si lolo na mag-manage ng kompanya? Ate, hindi ka ligtas sa Mortala. Nakita mo naman kung paano ka tratuhin ng mga estudyante mo roon. Ang tanong, estudyante pa ba sila? They almost killed you by a fucking bat! Alam ko iyon kasi I've been through that inside Eldritch," paliwanag ni Khirl at tumingin sa akin. May pag-aalala sa mga titig nito.

"Isang linggo pa lang akong nagtuturo tapos magpa-file agad ako ng resignation? Sayang naman ang degree ko kung ganoon," pabiro kong tanong. Nasapo niya ang mukha.

"You're not really safe in Mortala. Your students are all psychopaths. I've heard that your co-teacher commited suicide after she killed her student. They triggered her to do that. Ayokong hintayan na baka ikaw rin---"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mapansin niyang naluluha na ako.

"Ate naman. Kahit hindi ka na maniwala sa akin. Kahit kay lolo na lang. You know that he's after our safety. Paano kapag nalaman n'ya 'to? Lagot na naman tayo."

"Just don't say anything about this to lolo. Ayoko nang mag-alala pa ulit siya. He already felt enough lalo na noong napahamak tayo dati. I can handle this," paniniguro ko na lamang at nginitian siya.

Muli akong napatitig sa kisame at inalala ang mga nangyari kanina. Kahit pa ata ilang beses mahampas ng matigas na bagay ang ulo ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang duguang bangkay ni Jessie sa may bodega, ang pagtalon ni Jhanzel sa rooftop, at ang paghampas nina Blaize sa akin ng bitbit nilang baseball bat.

Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. I should go back to that institution and teach them a lesson. Akala nila mapapatalsik nila ako dahil sa mga kagaguhang pinaparanas nila sa akin? Hindi.

Dolorous already taught me so much that I will never forget in my entire life.

"How's Caleb, by the way?" pag-iiba ko na lamang ng usapan nang mapansin kong tumahimik si Khirl sa sulok.

"He's fine. Still looking for his brother," she answered as she shrugs her shoulder.

"Do you think his brother could be still alive all this time?" Napahigpit ang kapit ko sa kumot nang magtanong si Khirl. Napalunok ako.

"I-I don't know," tipid kong sagot at humiga na lang muli. Pagod na ang utak kong mag-isip ng kung ano-ano.

"Is it okay with you kung aalis muna ako saglit? Susunduin ko lang si ate Marie," paalam ni Khirl at tumayo na. Tumango na lamang ako. Sabagay, gusto ko rin namang mapag-isa muna kahit ilang minuto lang.

Pinagmasdan ko siyang ayusin muna ang sarili bago lumabas. Narinig ko pa ang pagsarado ng pinto.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagbabakasakaling makatulog ulit ako kahit sandali lang para maibsan ang kirot ng ulo. Ngunit otomatiko akong napamulat nang makarinig ng kakaibang ingay.

Tunog ito medical trolley dahil kumikiskis pa ang gulong nito sa tiles na sahig. May kumalansing at mayamaya'y mga boses na hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan. Napakunot ang noo ko.

Bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan naroon ako at bumungad ang nurse sa kulay puti niyang uniporme. Lumapit siya at chineck ang vitals ko.

"Pahinga ka po ng maayos, Ma'am," aniya habang nagsusulat sa kanyang notepad. Hindi ko siya pinansin at itinuon muli ang atensyon sa pakikinig ng ingay.

Imposibleng sa labas iyon nanggagaling dahil wala namang dumaan bukod sa nurse na ito. Wala rin siyang dala na medical trolley.

Dumako ang tingin ko sa pader na katapat ko lamang. Sa kabila nito nagmumula ang ingay.

"May kwarto pa ba ng pasyente rito sa kabila?" wala sa sariling tanong ko kaya natigil siya sa pagsusulat at nagtataka akong tinitigan.

"Sa pagkakaalam ko po wala na, e. Binili na po ng isang businessman ang space na iyan sa likod. Iyong malawak na kwarto at pagtatayuan raw ng laboratory," paliwanag niya. Napataas ang kilay ko.

"So may kwarto nga? Nakakarinig ako ng ingay kanina pa, e," giit ko dahilan para mapakamot siya sa ulo.

"Pasensya na po at naistorbo ka pa sa ingay nila. Baka nagkaroon lang ng emergency sa kabila," nahihiya nitong paumanhin.

"Miss? Ano bang pangalan ng ospital na ito?" tanong ko pa at inilibot ang paningin ko sa buong kwarto.

Nadala na rin naman ako sa ospital pero hindi rito. Hindi pamilyar ang isang ito sa akin. Hindi ko rin naitanong kay Khirl kung sino ang nagdala sa akin rito kanina.

"This is Louge Hospital, Ma'am," magalang nitong sagot. Inayos niya ang kumot ko at ngumiti.

"Magpagaling po kayo at nang makalabas agad. Huwag mo na lang pansinin ang ingay na naririnig mo sa kabila. Pasensya na po talaga." Yumuko siya na parang nahihiya.

"It's okay. Salamat."

Paglabas pa lamang niya ng kwarto ay agad akong tumalon mula sa kama at ini-lock ang pintuan. Dali-dali akong lumapit sa makapal na pader sa gilid ko at idinikit ang tenga.

May naririnig ako pero ugong na lang ng aircon. Wala nang pagtulak ng medical trolley o mga boses. Payapa na. May naririnig ako pero hindi klaro kung legit nga ba.

Parang sound ng mga makina at life-support system.

Kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan.



***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang