CHAPTER 21 - GOODBYE, MORTALA

675 36 2
                                    

CHAPTER 21


GOODBYE, MORTALA





"SURE ka na ba sa desisyon mo?" malungkot na tanong ni Ion at pinagmamasdan lamang akong ligpitin ang mga gamit ko sa table. Inilagay ko lahat ng mga iyon sa isang hindi kalakihang kahon bago isinara.

Niyakap ko ang kahon at ngumiti sa kanya.

"Mami-miss ka ng Mortala. At s'yempre, mami-miss ko ang mga former teacher ko rito. Ang daya n'yo, e. Nang-iiwan kayo," himutok pa niya.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng faculty. Kami na lang ang tao roon. Malinis na ang table ni Jhanzel. Ganoon rin ang kay Margie. Nagdesisyon na rin kasi itong mag-quit sa pagtuturo dahil sa trauma na naranasan rito sa Mortala.

"Mami-miss rin naman kita. Kaso nga lang..." I smiled timidly and divert my gaze into the picture frame wherein our happy faces were captured together. "...things just aren't the same anymore. Maybe teaching in Mortala isn't for me."

I heaved deep sigh at tumango-tango. Naiiyak na naman ako. Ang babaw talaga ng mga luha ko.

Mayamaya ay nakarinig na ako ng pagsinghot. Napangiwi ako nang makita si Ion na umiiyak na. Ang baklitang 'to talaga. Magkakaroon pa ata kami rito ng drama session.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Hey, don't cry. You know that you're making this hard for me. Pero buo na ang desisyon ko, Ion. Don't worry. I'll visit you here in my free time. Hindi ka rin naman pati mag-iisa sa pag-alis ko rito. May ibang teacher lang na papalit sa pwesto namin," paliwanag ko pa dahilan para mas umiyak siya nang malakas. Natatawa kong hinagod ang likod niya.

"Iyon na nga, Ezelle, e. Panibagong teachers, mag-aadjust na naman ako! Malay ko ba sa mga ipapalit sa inyo."

"Tahan na, Mamsh. Papanget ka niyan, sige," pang-aalo ko pa kaya halos mabatukan niya ako. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang kumatok sa bukas na pintuan ang admin.

Tulad ng dati, blangko pa rin ang pagmumukha niya nang titigan ako. Ngunit nagulat ako nang ngumiti siya nang tipid ngunit may paghihinayang. Alinlangan tuloy akong napangiti rin.

"Can I talk to you? 5 minutes only. In my office," maotoridad niyang sambit kaya napatango ako. Tinapik ko muna ang balikat ng umiiyak pang si Ion at saka kinuha na ang box ko.

"Paano, Ion. I must bid a temporary goodbye for now. See you on our next bonding." I winked at him and dash out of the faculty room leaving the door open enough for me to hear his cry. Parang matutunaw ang puso ko. Ganito pala ang feeling na ikaw ang nang-iiwan.







Tahimik kong sinundan ang admin sa paglalakad papasok ng kanyang opisina bitbit pa rin ang kahon na puno ng mga gamit ko. Pagpasok pa lamang, pinaupo na niya ako. Tulad ng unang pasok ko rito sa Mortala, mainit pa rin ang pag-welcome niya sa akin. Hindi ko tuloy akalaing mapapamahal ako sa Mortala sa halos dalawang buwan ko pa lamang na pananatili rito.

Mahirap para sa akin ang mag-resign nang biglaan. Pero alam kong ito ang mas makakabuti.

"So...  are you now signing off?" Malungkot ang tinig niya. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ako makaimik.

Napabuntong-hininga siya.

"You know that you're a very good teacher, Ezelle. Your performances are outstanding. We are very sorry that you'll resign this earlier." Napangiti ako nang mapakla.

"That night in a camping was very traumatic for me. It left nothing but scars and cracks in my head. Blood sheds. Screaming faces. All those things happened in just a span of night. They were all gone now. I failed to save everyone. It's not a very good performance, Ma'am." Tuluyan na akong napahikbi at tumingin sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang maiyak sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari ng gabing iyon.

Napapikit siya at humigpit ang kapit sa ballpen niya. She managed to nod.

"Please, you don't need to blame yourself in that incident. It's not your fault---"

"It's mine, Ma'am. Because I was their adviser."

Napasinghap ako at bumuga ng hangin. Pinahid ko ang mga luha at mahinang humalakhak.

"I suck at making decisions. But now, I am really sure of my resignation. I think it will be better this way. I must say goodbye to Mortala and to all of you." Ngumiti ako. Sinalubong ko ang mga titig niya.

"Looks like you're really decided. Just remember that, if you feel that you miss Mortala Academy, you are always welcome to visit here. Goodbye, Miss Ezelle Lamontez." Nakipagkamay siya sa akin bago iabot sa akin ang isang folder na nagpapatunay na nagresign talaga ako at hindi pinatalsik ng administration nila.

"Thank you for the consideration," I replied as I keep the folder inside my box.

Saglit akong napatitig sa bintana, sa ground floor kung saan maraming nagtatakbuhang estudyante. Wala na ang Mirk section para panoorin. Kung tutuusin, hindi sila ganoon kasama. Kung alam ko lang sana noon pang may problema lang sila sa kanilang mga sarili, hindi na sana humantong sa brutal na pangyayaring iyon.









Matapos kong ipasok sa compartment ng sasakyan ang box na naglalaman ng aking mga gamit ay napasandal ako saglit at pinagmasdan ang Mortala.

Mami-miss ko talaga ang eskwelahang ito. Bukod sa Dolorous Academy na naging impyerno ng buhay ko, isa pa 'tong paaralan na ito.

"Ezelle?" tawag sa akin ni ate Marie at sumilip pa sa bintana ng sasakyan. Napaigtad ako.

"Ah, yeah! Sa sementeryo tayo, ate," anunsyo ko matapos kong sumakay ng kotse.

"Okay!" Buti na lang at may driver ako ngayong araw, I mean araw-araw pala.







Medyo marami nang tao sa sementeryo nang makarating kami. Paano ba naman, November 1 na bukas at alam kong mas dadagsa ang lahat kapag ipinagpabukas ko pa ang pagdalaw rito.

"Ate Marie? I think I forgot something," sambit ko na nag-iisip pa kung anong bagay ang nakalimutan ko. Saglit pa at napasulyap ako sa bungkos ng bulaklak na hawak ng isang babae.

"Oh damn, I forgot to bring you one today!" himutok ko habang tinatahak ang daan patungo sa lapida niya.

"No need. I already brought him flowers." Napalingon ako sa boses ng nagsasalita at nakita ko si Manrei na nakangiti sa akin.

Nasapo ko ang mukha ko at napangiwi.

"I'm sorry if I still thought it's Caelum's grave," hingi kong paumanhin kaya natawa siya.

"Ayos lang, ate. Pero huwag mo namang isipin lagi. Baka multuhin ka ni kuya, sige," pananakot niya sa akin kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Ayos lang namang dumalaw siya sa panaginip ko pero sana huwag naman lagi. Jusko!" palatak ko at pinagmasdan ang libingan ni Malcolm. Naayos na ang crack nito na dulot ng pagpukpok ni Caleb ng martilyo.

Napangiti ako. Sigurado akong masaya naman si Malcolm kung nasaan man siya ngayon. And I am relieved that Caelum is in a good condition right now.

Speaking of that devil, I must visit him in the hospital today. Sana sa muli kong pagpasok sa kwarto niya, maalala na niya ako nang tuluyan.



***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat