PROLOGUE

2.2K 96 11
                                    

PROLOGUE


IT'S not bad to wish for someone to come back even if they're already gone too long. He comes back because he never dies.

"You're still the savage Ezelle Lamontez I've known few years ago," nakangiting sambit sa akin ni Janet habang himas ang lumalaki na niyang tiyan. Sumipsip ako sa iniinom kong milktea at pinagmasdan siya.

"Don't tell me, walang ama iyan?" tukoy ko sa magiging baby niya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"The fuck, syempre meron! Ikakasal na kami next year," depensa niya at ibinalandra sa harap ko ang palasingsingan niya. May diamond ring na nakasuot roon. Napangisi ako.

"Sa isang taon pa naman pala, e. May chance pang ma-postpone," pang-aasar ko kaya halos hindi na maipinta ang pagmumukha niya. I really find it funny to prank her.

"Ewan ko sa'yo, Ezelle. Magjowa ka na nga lang kasi. Ang tanda mo na. Noong huli nating pagkikita may kinukwento ka pa sa aking lalaki 'di ba? Sino nga 'yon? Si Cae---"

Bago pa tuluyang lumabas sa bibig niya ang isang pangalan ay sinupalpalan ko na siya ng piraso ng cake. Halos mabilaukan siya sa ginawa ko kaya napainom siya ng milktea.

"Damn! Baby, si ninang oh. Papatayin ata si mommy," nakanguso niyang sambit na tila kinakausap ang baby niya sa tiyan. Nasapo ko na lamang ang mukha ko.

"Pero seryoso kasi, Ezelle. Kumusta na? After what happened to you and your sister, wala na akong balita sa inyo." She cleared her throat and looked at me.

"Khirl and I are now in good terms. Lolo's managing his business well but I really don't see myself helping him to grow his company. So I decided to apply using my degree. I got hired and I'm so excited to work there next week," paliwanag ko.

Tumango-tango siya.

"Oh, great! Degree in Education, right?" I nodded.

"It's good to see you growing, Ezelle. Like what your grandfather always wanted you to be." She smiled at me.

"Like your old saying goes, old Janet," biro ko. Kulang na lang ay masamid siya. Tumawa ako nang malakas.

"I bet your lolo really finds it hard to look for another secretary," pagmamayabang niya.

"Kasi walang kasing husay si Janet?" taas-kilay kong tanong.

"Kasi si Janet lang ang malakas," gatong niya. Kapwa kami nagtawanan at nag-apir pa.

Pareho kaming napatingin sa labas nitong milktea shop na kinaroroonan namin nang makarinig kami ng busina ng sasakyan. Lumabas mula roon ang isang lalaki na naka-business attire. Lumapad ang ngiti ni Janet at mukhang alam ko na kung sino ang lalaking ito.

Inayos niya ang mahaba niyang buhok, inubos ang natitirang laman ng biniling milktea at tumayo na.

"Una na ako, ah. Next time na lang ulit ang mahaba-habang kulitan at chikahan. Andiyan na ang sundo ko," paalam niya habang nakangiti. I have no choice but to smile and nod.

Lumapit ang lalaki at hinalikan siya sa noo.

"Von, si Ezelle nga pala at Ezelle, si Von, the father of my baby," pagpapakilala niya sa kanyang magiging asawa. Nag-shakehands kaming dalawa.

"Let's go?" aya nito kay Janet.

"Bye, Ezelle!"

Pinagmasdan ko lamang silang lumabas ng shop at sumakay sa kotse nang mapakislot ako sa pagtunog ng cellphone ko. May tumatawag.

"Hello?" Ilang minutong walang sumasagot sa kabilang linya.

"Ate, it's me... Caleb," aniya. Bakas sa boses niya na parang kakagaling lang sa pag-iyak.

"May nangyari ba? Don't tell me, nahuli ka na naman ng parak?" pabiro kong tanong. Hindi siya tumawa kaya nawala ang ngiti ko sa labi.

"B-bakit? May nangyari ba? Nasaan ka? Si Khirl kasama mo?" Nakarinig ako ng pagsinghot.

"Caleb, answer me!"

"Ate, maybe I need to tell it to you in person. Ang h-hirap ipaliwanag, e."

"Sige, nasaan ka ba?" Aligaga kong inilagay sa bag ang wallet ko at tumayo na. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.








"What are you going to tell me?" Hindi nga ako nagkamali at magkasama sila ni Khirl rito sa pinakamalapit lamang na fast food chain. Dahil gabi na rin, wala nang masyadong tao at malapit na magsara.

Nagkatinginan muna sila bago magsalita.

"I don't know where to start---"

"Just tell it directly. Hindi mo naman na kailangang magpaligoy-ligoy pa," putol ko sa sasabihin niya. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga at tumitig sa akin. May luha sa kanyang mga mata at napatiim-bagang.

"My uncle has really no intention to tell me the truth about this. But I was too desperate to know everything," panimula niya at napaiwas ng tingin. Nagpupuyos na siya sa galit at hinanakit.

Biglang kumabog ang puso ko.

Paulit-ulit akong napalunok.

"W-what do you mean?"

"When he died, I never get to see his face. What was his look during his funeral? His casket was closed all along insisting by uncle that his face was brutally damaged and he can't be recognized."

Dahil sa sinabi niya'y parang alam ko na sa puntong iyon kung sino ang kanyang tinutukoy. Napasinghap ako at parang naninikip ang dibdib.

No, I won't cry. I won't. He's just a stupid son of a bitch who's not worth to be remembered by me.

"Are you saying that the casket was empty all along?" paninigurado ko. Umiling siya.

That was years ago. Imposible. Pero bakit may parte sa akin na umaasang sana nga hindi siya ang nasa kabaong noon? Sana hindi siya ang ibinaon sa lupa.

"No, but they took another body so they won't look suspicious that it's not him." Napasinghot siyang muli at mas tumindi ang iyak. Halos hindi na rin alam ni Khirl ang gagawin upang mapatahan si Caleb.

Inilabas ni Caleb ang cellphone niya at nanginginig na iniabot sa akin.

"All these years, I still believe that he's still alive and he's not rotting in hell. But he's inside that institution, secluded and alone. Still fighting for survival."

Hindi ko na mapigilang mapaiyak nang makita ang mga nasa litrato.

Isang pamilyar na lalaki ang nakaratay sa isang kama, sa malawak na kwarto. Maraming tubo at suwero ang nakakonekta sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Kumirot ang puso ko at parang pinipiga ito. That was years ago but his face was still familiar to me. I will not really forget him or I really decided not to forget every single detail about that jerk.

Luhaan akong tumingin sa umiiyak na si Caleb.

"Ate, he's alive. He will be alive. Please, please help me find him. Let me find him."

***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now