CHAPTER 10 - JAMBOOREE

658 40 1
                                    

CHAPTER 10

JAMBOOREE


PARANG walang nangyari na pumasok ako ng classroom kung saan naghihintay ang Mirk section na advisory class ko. Padabog kong inilapag ang folders at tinitigan sila isa-isa. Gusto ko silang sindakin sa pamamagitan ng titig ko pero mas kinabahan ata ako nang mapatama ang titig ko kay Cheska. Matalim ang titig na ipinukol nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim bago magsalita.

"I have an important announcement to all of you today," panimula ko. "There will be a camping and you are all required to join. If not, it's a deduction to your grade so you have no choice but to comply," paliwanag ko pa. Nanatili silang tahimik at nag-iisip.

"Aside from grades deduction, what are the possible consequences if we do not really want to join?" Dencio asked in a bored tone of voice.

"Aksaya ng oras, e," gatong pa ni Liem na parang ayaw talaga patinag at hindi sasama. Napabuntong-hininga ako.

"Okay, given na hindi kayo mahilig sa camping or curricular activities. Pero kahit bilang cooperation na lang dahil out of 12 sections na narito sa Mortala, kayo lang ata ang walang balak sumali." Naiinis na ako. Hindi ko na nga sila masaway sa mga ginagawa nilang katarantaduhan, hindi ko pa sila mapakiusapan. Napasulyap ako kay Ashlene na prenteng nakaupo sa likuran. Boring nitong pinagmamasdan ang kanyang mga kuko at hindi rin nakikinig.

Para saan pa ba at naging class president siya kung hindi rin niya mapasunod ang kanyang mga kaklase?

"Ashlene!" tawag ko sa kanya dahilan para dahan-dahan niyang maiangat ang tingin. Nagtagpo na naman ang mga titig namin. Noong huling kita ko sa kanya ay sa hospital pa. "Do something to encourage your classmates. You all should join the camping. Walang maiiwan rito sa Mortala na taga-Mirk section, maliwanag?" sambit ko pa at ikinuyom ang palad dahil sa inis.

Sa halip na sumagot, nginisian lamang niya at ako tumayo. Naglakad siya papunta sa unahan at siyang humarap sa klase. Naging matalim ang titig niya sa mga ito. Nanatili akong walang kibo sa sulok upang pakinggan ang sasabihin niya.

Mayamaya pa'y pumalakpak siya sa hangin para kunin ang atensyon ng lahat. Kanya-kanyang tigil ito ng mga ginagawa nang makita si Ashlene sa harapan. Ngayon, alam ko na kung bakit siya ang naging class president ng section. Mabilis siyang magpasunod. Iyon nga lang, sunod-sunuran ang iba sa kanya.

"We will join the three-day camping. Get that?" maotoridad na anunsyo nito sa harap ng kanyang mga kaklase dahilan para magtanguan ang lahat.

Nag-cross arm siya pagkuwa'y lumingon sa akin at napangisi.

"Siguraduhin mong mag-eenjoy kaming lahat sa camping na iyon. Kapag hindi, gagawa kami ng bagay na mag-eenjoy talaga kami," nakangisi nitong banta at naglakad na pabalik sa assigned seat niya.

Naipilig ko ang ulo dahil sa narinig at pinilit ikinalma ang sarili. Muli ko silang hinarap at ako naman ang nagsalita.

"I'll give you the parent's consent later. Prepare yourself, get ready and see you tomorrow, class."












"Nagpaalam ka ba kay Khirl na tatlong araw ka rito?" tanong sa akin ni ate Marie habang ipinaparada ang kotse hindi kalayuan sa bus na service namin papunta sa camp site.

"I just sent her a message. Busy iyon sa trabaho. After ng shift, sinasamahan naman niya si Caleb," sagot ko.

"Finding his dead brother again?"

"He's not dead," kontra ko. Tinutukoy namin si Caelum na kapatid ni Caleb. Alam kong walang alam si ate Marie rito pero ayoko lang na makarinig pa sa iba na patay na si Carter dahil ngayon, kumpirmado na naming nawawala lang siya.

Naghahanap lang ako ng tiyempo para matulungan si Caleb na mahanap si Caelum. Sa ngayon, hindi ko pa magawa dahil mas nagiging busy na ako. Sana hindi pa huli ang lahat kung sakali.

Nagkibit-balikat lang si ate Marie at sabay na kaming lumabas ng sasakyan.

"Be safe as always, Ezelle," sambit niya nang iabot sa akin ang bag na naglalaman ng gamit ko papunta sa tatlong araw namin na camping. Ngumiti ako at tumango.

"Salamat, ate Marie. Nakakahiya na sa'yo. Lagi mo na lang akong inihahatid nitong mga nakaraang araw. Hindi mo naman na kailangang gawin 'to. Malalaki na kami ni Khirl," giit ko pero natawa lamang siya.

"You know that I will always fulfill my promise to your mom when she was still alive," she said as she squeeze my hand. I can't help but to feel touched knowing that she still remembers my mom until now. Ilang taon na ang nakalilipas pero ganito pa rin ang pakikitungo niya sa aming magkapatid.

"Sige na, magda-dramahan pa ba tayo rito?" medyo naluluha kong tanong. Ewan ko ba kung bakit ang senti namin ngayon? E, ilang araw lang naman akong mawawala dahil sa camping ng Mortala.

Pagkatapos niya akong yakapin ay hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Just promise me one thing," sambit pa niya dahilan para mapatitig ako sa kanyang mga mata.

"What is it?"

"You will get home safe without fractures, cracks and multiple stabs." Dahil sa sagot niya'y ako naman ang natawa.

"Grabe ka naman. Hindi naman ako sumama sa camping para makipagpatayan," natatawa kong muwestra pero hindi man lang siya ngumiti sa biro kong iyon.

"Gusto kong mag-ingat ka lagi. Alalahanin mong ilang beses nang nalagay sa peligro ang buhay mo sa isang buwan mo pa lang na pamamalagi sa Mortala. Please lang, Ezelle. Huwag mo nang dagdagan pa ang stress ng lolo mo sa kompanya," paliwanag niya. Napakagat-labi ako.

"Teacher Ezelle!" Parehas kaming napalingon sa boses na tumawag at nakita ko si Javed na tumatakbo palapit sa akin. May malawak itong ngisi sa mga labi na parang natutuwa makita ako. Nasa loob naman ng bus ang kumakaway na sina Rhona at Cheska.

"Una na ako, Ezelle. Iyong paalala ko sa'yo, huwag mong kalimutan," paalam ni ate Marie at sumakay na ng sasakyan. Bago pa makalapit ang estudyante kong si Javed, pinaharurot na niya ang kotse paalis.

Nilingon ko si Javed.

"Kumusta? Kompleto na ba kayo sa loob?"

"May kulang pa, Ma'am," ngising-aso na sagot niya. Kumunot ang noo ko.

"Sino?"

"Sorry, am I late?" bati ni Ashlene sa bandang likuran namin.

"Pres naman! Ang tagal mo! Naiinip na sa paghihintay ang Mirk section!"

"Hell, dapat lang kayong maghintay! Ako ang boss, e!" ganti nitong si Ashlene at sumulyap sa akin. Ngumiti siya.

"Hey, Ma'am."

Hindi tulad ng dati na may sa demonyo ang awra, ibang Ashlene ang bumungad sa akin ngayon.

"Mga yawa kayo! Gutom na ako!" reklamo ni Dencio sa loob ng bus kaya napatawa ako.

Nakarinig rin ako ng halakhakan sa loob ng sasakyan. Napailing ako at sinundan sila sa paglalakad. Kung hindi lang talaga sila mamamatay-tao, iisipin kong normal lang sila at mga siraulong estudyante.

Kaso hindi.

Napahigpit ang kapit ko sa swiss knife na nasa loob lamang ng bulsa ko. Napatigil tuloy ako sa paglalakad dahilan para lingunin ako nina Ash at Javed.

"Ma'am, may nakalimutan ka?"

Ngumiti ako at umiling.

Wala. Wala akong nakalimutan. Ang katotohanan ay dala ko ito at nasisiguro kong may dala rin sila.


***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now