CHAPTER 16 - KILL 'EM

618 35 0
                                    

CHAPTER 16

KILL 'EM

PINILIT kong gumapang palayo maiwasan lamang ang nagngangalit na talim ng chainsaw. Mas lumapad ang ngisi ni Javed. Panay lamang ang tawa ni Ashlene habang pinagmamasdan kami. Wala na akong pakialam kung mas madagdagan pa lalo ang mga sugat ko sa katawan. Ang importante ay matakasan ko ang kamatayan ko mula sa kanila.

Nakakuha ako ng bwelo at biglaang tumayo. Susuray-suray pa ako noong una. Nilingon ko sila. Tumatakbo sila palapit sa akin. Mas kumabog ang puso ko. Hindi nila ako pwedeng maabutan.

"Tangina!" panay rin ang mura ko. Ito na lang ang tangi kong magagawa upang maibsan ang sakit at takot na nararamdaman. Bawat hakbang ko ay parang madudulas ako sa sobrang putik ng dinaraanan.

"Run! Andiyan na kami!" pananakot ng humahalakhak na si Javed. Napapikit ako at binilisan ang pagtakbo. Walang anu-ano'y napatili na lamang ako nang matisod ang paa sa nakabulagtang katawan ng sundalo. Mas napamura ako. Dito ko ibinunton ang inis. Pinagsisipa ko ang duguan niyang bangkay.

"Letse!" sigaw ko at gumapang muli. Ngunit hindi pa ako nakakatayo nang maramdaman kong nasa likuran ko na si Javed. Napakalakas ng ugong ng chainsaw na hawak niya. Isang lapit lang sa akin ng talim noon at paniguradong putol ang leeg ko. Napapikit ako't kumagat-labi.

Hinarap ko siya na may luhaang mga mata. Inalis ko ang takot at pagkabahala kahit sa loob ay halos magwala na ang puso ko.

"Suko ka na ba? Hindi mo na ba tatakasan ang kamatayan mo?" Pinahid ko ang putik na nakabahid ngayon sa aking mukha kasama ng dugong tumalsik mula sa nabasag na ulo ni Pinky kanina. Ngumisi ako. Nilabanan ko ang malademonyo niyang ngiti.

"When I entered Dolorous Academy years ago, I was scared for my dear life. I was so afraid to be killed by my fellow murderers. But look who survived that murderous event. She's still alive and breathing. For she killed everyone in an instant."

Napansin kong nanginig ang kanyang mga kamay dahil sa sinabi ko. Mas nginisian ko siya.

"Alam mo na siguro kung bakit nabuhay ako sa impyernong iyon. Dahil pinatay ko sila lahat. Lahat sila, bumahid ang dugo sa kamay ko. Matagal-tagal ko na rin itong pinag-iisipan at pagod na akong makipaglaro sa mga siraulong gaya n'yo."

"Shut up!" sigaw niya pero nagbingi-bingihan lamang ako at humalakhak na parang baliw. Gusto kong buhayin ang galit niya. Iyon ang magiging lakas ko mayamaya lamang. Hindi na ako nag-abala pang tumayo. Gamit ang isang kamay, kinapa-kapa ko ang bulsa ng sundalo, nagbabakasakaling may patalim roon o kung ano mang kalibre ng baril.

"Kaya ko ring pasabugin ang walang laman mong ulo, Javed. Huwag mo akong subukan," panghahamon ko. Gulat ang rumehistro sa pagmumukha niya. Saglit pa'y nakarinig ako ng isang malakas na putok ng baril.

Nagkatitigan kami ni Javed habang nanlalaki ang mga mata. Umawang ang bibig niya at lumabas mula roon ang malapot niyang dugo. Nawalan siya ng balanse sa pagkakatayo. Naibagsak niya sa paanan ang chainsaw. Aligaga siyang napatingin sa tiyan.

Butas ito at tumutulo na rin ang dugo niya.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang iika-ikang si Blaize. Bugbog-sarado ang hitsura at naliligo sa sariling dugo. Natutop ko ang bibig ko nang sa akin naman niya itapat ang hawak niyang baril. Kung saan man niya nakuha ang hawak niya ngayon ay hindi ko alam.

"B-blaize?" tawag ko pero parang wala siyang narinig. Muli niyang kinalabit ang gatilyo at napasigaw na lamang ako nang tuluyan itong pumutok. Ngunit hindi sa akin tumama ang bala kundi sa malaking puno nang sumulpot si Ashlene at pilit inaagaw ang baril na hawak niya.

"What the fuck, bitch?! You ruined everything!" Bakas sa boses ni Ashlene ang gulat na buhay pa hanggang ngayon si Blaize at ito pa mismo ang bumaril kay Javed.

Gusto kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nakatitig na lamang ako sa nakahandusay nang si Javed. Bumubulwak sa tiyan niya ang masaganang dugo. Alam kong mamamatay na rin siya mayamaya. Nagtiim-bagang ako at tinadyakan siya sa tagiliran.

"Back off! Give me the gun! I'm gonna kill you all!" sigaw pa ni Ashlene at halos salakayin na ang kawawang si Blaize. Hindi na ako nakatiis pa at dali-daling hinagilap ang swiss knife na nasa pantalon ko lamang pala.

Para akong lasing na bumangon mula sa pagtatawag-uwak. Nanlalabo ang aking paningin na nilapitan si  Ashlene. Nakatalikod ito sa akin na sinasakal na si Blaize.

Walang paligoy-ligoy ko siyang sinaksak mula sa likod. Dumaing siya sa sakit. Lumuwag ang pagkakasakal niya kay Blaize kaya nagawa niya itong tadyakan palayo. Siya na mismo ang dumagan rito at hinampas ng bitbit na baril.

Mayamaya'y binitawan ni Blaize ang baril at tinusok ng matutulis niyang kuko ang mga mata ni Ashlene. Isang nakakakilabot na tili niya ang bumasag sa napakadilim na gabi.

Napahikbi ako habang pinagmamasdan silang magpatayan sa harap ko. Hangga't maaari ayoko na sanang makialam pero hindi ko sila kayang panoorin na lang nang ganito.

Nilapitan ko si Blaize at pilit siyang inaawat ngunit ayaw niyang papigil.

"Blaize, tama na! Tama na! You had enough!"

Sa kabila ng sakit na nararamdaman, hinawakan ko siya sa magkabilang braso upang ilayo kay Ashlene. Dumudugo na ang mga mata nito.

"Blaize, no!" sigaw ko. Umalingawngaw ang isang putok ng baril. Nakita kong hawak na ito ni Ashlene at nakabulagta na ang duguang si Blaize sa tabi niya.

Humalakhak si Ashlene na parang wala na sa katinuan. Umiiyak ito at tumatawa.

Halos maiyak ako. Hindi ko siya kayang tingnan nang ganito. Naaalala ko lamang ang sarili ko. Kumirot ang puso ko.

"A-Ash..." halos pabulong kong sambit. Hindi siya sumagot. Mas lumakas ang tawa niya at pag-iyak. Sisinghap-singhap sa tabi niya si Blaize na may tama na pala sa tagiliran.

"I told you I'm... gonna win this death game for tonight. You just hitched me, Ezelle. I hate you," tiim-bagang niyang sambit.

Iminulat niya ang mga mata. Lumuluha na siya ng dugo. Itinutok niya ang baril sa nakahigang si Blaize at walang-awang pinaputukan muli ang kaklase. Sabog ang ulo nito. Mas tumawa siya. Nagtalsikan ang mga dugo at laman.

"They are all dead now, Ezelle. Then I must die too. But I don't want to see myself dying in your murderous hands. I will be the one to take my life," nakangising niyang sambit at suminghap. Nahihirapan na siyang huminga.

Umiling ako.

"No! Drop your gun! You're just insane!" awat ko nang itapat na niya sa sintido ang dulo ng umuusok pang baril.

"Is this a witty decision? Killing all my classmates and killing myself for the final show, so the authority would suspect that the murderer could no other than but you?" Naikuyom ko ang kamao ko. Napahigpit ang kapit ko sa swiss knife.

"Good bye, Ezelle. See you soon in hell."

Kinalabit niya ang gatilyo. Pero wala nang lumabas na bala mula roon. Gulat siyang napamulat. Muli niyang kinalabit. Wala na talaga.

Napatingin siya sa akin. Itinaas ko ang swiss knife ko at tinago sa bulsa ng maputik na pantalon. Ngumisi ako.

"Looks like the murderer who killed everyone would survive tonight."

Muling lumakas ang ulan. Isang nakabibinging tili ang pinakawalan ni Ashlene sa kabila ng malakas na bugso ng ulan ngayong gabi.

***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon