CHAPTER 15 - MEET THE DEATH

602 34 0
                                    

CHAPTER 15




MEET THE DEATH



SUSURAY-SURAY akong maglakad at hindi iniinda ang kirot na nagmumula sa mga sugat ko. Basang-basa  na ako ng ulan.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ng kaluskos. May paparating.

Hindi nga ako nagkamali. Saktong paglingon ko ay nakita ko ang humahangos na si Pinky. Nanlilisik ang luhaang mata nito at agad akong inundayan ng saksak. Nasapol ako sa balikat.

I groaned so much in pain as I kick her off. Mas nadagdagan ata ang kirot na nararamdaman ko nang umagos mula sa balikat ko ang sarili kong dugo. Napatingala ako at kumagat-labi.

"O Diyos ko," naiiyak kong sambit at napahikbi. Nahuhugasan na ng malakas na ulan ang dugo ng sugat ko kaya nanginginig akong napasandal sa malaking puno. Naaninaw ko si Pinky na hinang-hina ring bumabangon.

Sumigaw siya na parang nasasaktan.  Muli niyang akong sinugod ng saksak. Isinalag ko naman ang kabila kong braso. Ako naman ang sumigaw nang madaplisan niya ito.

Para na akong mapapanawan ng ulirat dahil sa sobrang sakit. Narinig ko pang humalakhak siya.

"Please, Pinky. Get your senses up together! Hindi ikaw iyan!" sigaw ko sa kabila ng lakas ng ulan. Ni boses ko ay hindi ko na rin marinig.

"Die!" aniya at itinaas na naman ang kutsilyo. Nanginginig man ang braso, nagawa ko siyang pigilan na saksakin na naman ako. Nanatiling nakaangat sa ere ang kamay niyang may hawak na kutsilyo.

"No, honey. You'll be the one to die tonight," anunsyo ko. I raised my free hand and punch her in her wounded face that made her scream in pain. Sinamantala ko ito para agawin sa kanya ang kutsilyo.

Dinaplisan ko rin ng talim ang braso niya. Napaatras siya at napaiyak sa sakit. Hindi niya alam na pare-parehas lang naman kaming nasasaktan rito.

Lumapit pa ako sa kanya at sinalakayan siya. Hinigit ko ang buhok niyang nanlilimahid na rin sa pinagsamang putik at dugo.

"A psychopath like you don't deserve a life," nanggigigil kong sambit dahilan para mas magalit siya at manlaban.

"No, you'll die tonight, Ezelle! If I kill you, Ashlene will let me live! I will kill you! You bitch!" Natawa ako dahil sa narinig ko.

"As if that psyho will fulfill her fucking promise.  She will dispatch you too, after you kill me. Uunahan ko na siya para hindi ka na maghirap sa kamay niya." Mas sinakal ko siya. Halos lumuwa na ang mata niya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanyang leeg.

"Y-You! Get off---" Pero hindi ko siya pinakinggan.

Medyo matagal na rin noong nagawa ko ito at hindi ko inakalang magagawa ko ulit. Bahala na. Basta hindi ko hahayaang ako ang madedehado rito.

Kung ano man ang mangyari, susuko na lang ako sa batas. Hindi ako papayag na isa sa mga siraulong ito ang papatay sa akin.

Mas diniinan ko ang pagkakatusok sa mata niya gamit ang isang kamay. Kasabay nito ang paghawak ko nang mahigpit sa kutsilyo at tinarak ito sa ulo niya.

Tumalsik at sumirit ang dugo. Halos malasahan ko na ito. Napaduwal ako. Hindi ako nakontento sa isang saksak na iyon. Sinundan ko pa ng ilang beses at paulit-ulit. Nanggigigil ako at ayaw kong tigilan.

Hanggang sa mangisay siya nang tuluyan. Sinaksak ko rin ang pagmumukha niya na halos hindi na makilala dahil wasak na ito. Nagtalsikan ang piraso ng laman. Para akong nababaliw na napangisi. Nang mapansing hindi na siya gumagalaw ay nabitawan ko na siya at napahiga na lamang sa maputik na lupa. Habol ang hininga at mabilis ang tibok ng puso.

Malakas pa rin ang ulan. Mas sumakit ang katawan ko sa biglaang pagtayo pero hindi ko na iyon ininda. I need to find the way out to get out of this hell. Napaiyak muli ako nang makita ang mga dugong bumahid sa damit ko. Pinagsamang dugo at putik na rin ang nakadikit sa akin.

Nanlalabo na naman ang paningin ko pero nakakakita na ako ng ilaw sa hindi kalayuan. Nabuhayan ako ng kaunting pag-asa.

"Tulong! Tulong!"

Mas binilisan ko ang paglalakad sa kabila ng pagiging iika-ika. Nasilaw ako sa biglaang pagtutok niya sa akin ng flashlight.

"Nawawala ka ba, Miss?" Nangilabot ako nang marinig na naman ang boses niya. Itinutok niya sa akin ang flashlight. Nakarinig ako ng malakas na tawa sa bandang likuran.

"Damn, Javed! You scared her to death!" palatak ni Ashlene kaya halos manigas ako sa kinatatayuan. Natutuyuan na ako ng laway at hindi makasigaw.

"Natakot ba kita, Ma'am? Huwag kang mag-alala, hindi ka pa rin ligtas sa kamatayan mo. Actually, kanina ka pa niya hinahanap. Hindi ba, Ash?" baling niya kay Ashlene na nakangising demonyo na.

"Right."

Napaatras ako. Ngunit bago pa ako makatakbo ay hinigit na nila ang braso ko. Mas malakas sila sa akin kaya hindi na ako nakapalag. Isang pukpok na naman sa ulo ko dahilan para manlabo ang aking paningin. Nawalan ako ng balanse at sa puntong ito'y isa lang ang naiisip ko.

Wala na naman akong kawala sa kanilang dalawa.







Kahit gusto ko nang maidlip, hindi ko hinayaang lamunin ako ng antok. Nagpapasalamat akong mas matindi ang kirot na nararamdaman ko mula sa mga sariwang sugat dahil pinipigilan nito ang pagkawala ng aking kamalayan.

Ramdam ko ang pagkakagasgas ng aking mga braso dahil kinakaladkad lang nila ako na parang hayop. Kung kanina ay nanlilimahid na ako sa putik, mas nadoblehan ngayon. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Napangiwi ako. Maging ang likod ko ay naramdaman kong parang may matalim na bagay na pumunit.

Gusto ko nang maiyak.

Medyo humina na ang ulan. Rinig ko ang mabibigat nilang yabag. Hatak-hatak pa rin nila ang dalawang braso ko. Nagpumilit pa rin akong magpumiglas pero wala na talaga akong sapat na lakas.

"Don't worry, Ezelle. You'll be safe with us. Kaso ilang minuto nga lang dahil papatayin ka na rin namin mayamaya," sambit ni Ashlene at binitawan ang braso ko. Ganoon rin ang ginawa ni Javed sa kabila. Tumigil sila sa pagkaladkad sa akin. Habol ko ang hininga at hindi mapigilang mapasinghap. Napagtanto kong nakabalik na kami rito sa base camp.

Mayamaya'y binuhusan nila ako nang malamig na tubig na tuluyang nagpagising sa diwa ko. Paulit-ulit akong napaubo. Tinadyakan ni Ashlene ang sikmura ko kaya mas namilipit ako sa sakit.

Kaunti lang at kapag nakaipon ako ng lakas, hindi ako magdadalawang-isip na ingudngod sa batuhan ang pagmumukha ng gagang ito. Pero uunahin ko itong si Javed na ang sarap hambalusin ng talim ng chainsaw sa mukha.

Sa halip na mapaiyak, natawa ako sa mga naiisip ko. Hindi na ako makapaghintay.

Nagtataka ata sila kung bakit ako tumatawa sa kabila ng paghihirap ko sa kanila. Nawala ang ngisi ko sa duguang labi nang marinig ko na naman ang tunog ng chainsaw. Napalunok-laway ako.




***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now