CHAPTER 22 - REMEMBER ME, CAELUM CARTER

759 48 6
                                    

CHAPTER 21



REMEMBER ME, CAELUM CARTER


AND for the last stop over of the day, our car stopped by in front of Louge Hospital where Caelum Carter is staying until his full recovery. I don't know when he will be able to talk the same way again, or when he will remember us and my name. I really have no idea.

But one thing I can assure of, is I won't stop visiting him every single day just to talk and tell him what's going on outside this hospital. It's a good thing that sir Arkanghel, his uncle, already told us that he had no intention to hide us Caelum for a very long time. He's just waiting for him to get back to life again. Well, those long years were over because he's now back. He's alive, though, he can't remember us.

It's very okay for me. Mas okay na 'yon kaysa sa bibisitahin namin siyang walang malay at 50-50 pa. Panay pa rin ang kabog ng puso ko habang nakasakay sa elevator. Ilang araw lang akong hindi nakabisita pero ganito pa rin ang excitement na makita siya. Kahit hanggang ngayon, hindi pa rin daw siya nagsasalita ayon kay Caleb. Kahit hindi pa niya ako maalala.

Pagbukas pa lamang ng elevator ay dali-dali na akong humakbang palabas, patungo sa pinakadulong kwarto kung saan siya naroroon. Bumuga muna ako ng hangin, dalawang beses upang pakalmahin ang pusong parang tinatambol bago tuluyang pihitin ang doorknob.

Katahimikan ang sumalubong sa akin. Walang bisita ngayon. Wala si sir Arkanghel, si Caleb at Khirl. Dahan-dahan akong pumasok at sinarado ang pintuan. Nadatnan ko siyang natutulog.

Ganoon pa rin ang hitsura niya. nakaratay pa rin pero medyo nakakabawi na ang katawan. Tingin ko nga ay masasanay na akong makita siyang may over-grown na buhok, walang piercings sa tenga at walang ngisi sa kanyang mga labi. Umupo lamang ako sa tabi niya at pinagmasdan siya habang natutulog.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa tuwing titingnan siya. Ang amo ng mukha na akala mo'y hindi mamamatay-tao. Nadako ang tingin ko sa palasingsingin niya. Naroon pa rin ang singsing na palatandaan ng killer noong gabi ng acquaintance party. Bahagya akong natawa.

"Ano kayang nangyari noon kung hindi ako pumasok sa Dolorous?" mahina kong sambit at kinakausap na naman siya kahit hindi niya ako maalala at maintindihan.

"Paano kung hindi ko tinanggap ang task na patayin kayo lahat? Paano kung... ikaw mismo ang pumatay sa akin?"

"Ang dami kong what if's, Caelum." Ngumiti ako nang mapakla.

"I've been longing for you since the night you told me to end your sufferings. You're always in my mind all my years in prison. I'm thankful that I didn't end my life that night after I cut off yours." Napakagat-labi ako at tumungo. Kahit hindi naman niya alam na naiiyak ako, ayokong umiyak sa harapan niya. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanan niyang kamay. Pinaglaruan ko ang mga daliring iyon na minsan ko na ring nahawakan noon.

"What if I took my life that night not knowing you're still alive? Does that mean that we're not really meant for each other?" Iyak-tawa ang ginawa ko dahil nakokornihan na ako sa sarili ko.

"You should wake up, demon. I've been dying to see and talk to you every day. You'll pay for this one," bulong ko at hinaplos ang noo niya hanggang sa malalagong buhok. Napangiti ako.

"Gumising ka na. Marami pa akong kwento sa'yo, kung alam mo lang." Pinahid ko ang mga luha ko at napasinghot. Mayamaya'y nakarinig ako ng mga yabag at mga boses.

Sina Caleb at Khirl iyon.

"Bakit, selos ka?"

"Ugok, bakit ko mararamdaman iyon? Alam ko namang mas gwapo ako doon, no! Mana kaya ako sa kagwapuhan ni kuya Caelum!"

"Ba't defensive hane? Halatang selos ka ngang unggoy ka!"

"Luhh? Si Eldritch Cartel lang 'yan. Si Caleb 'to, okay? Okay!"

"Parang tanga 'to!"

"Tangina mo, Khirl Irish!"

"Tangina mo rin!"

Natawa ako sa mga naririnig ko. Napalingon ako sa pagbukas ng pinto at nakita ko ang gulat nilang ekspresyon.

"A-Ate Ezelle? Kanina ka pa ba riyan?" nauutal na tanong ni Caleb kaya maging si Khirl ay namutla rin. Saglit lamang at tinabig siya ng kapatid ko.

"Tabi nga! Wala 'yang narinig, bingi iyang si ate, e!" depensa nito na parang hiyang-hiya sa pinagsasabi kanina.

"Yeah, I may be a little bit deaf but I am not stupid. Is there something going on between you and Caleb?" Ang kaninang maingay na si Caleb ay halos mabilaukan sa kinakain na burger kaya humagalpak kami ng tawa.

"Joke lang 'yon, e."

"Some jokes are half-meant."

"Ang masasabi ko lang, Caleb, alagaan mo iyang kapatid ko, ha. Kung ayaw mong gilitan kita ng kitchen knife!" pagbabanta ko pa kaya mas nasamid ata siya.

"Ate?!" suway sa akin ni Khirl na inaayos ang mga biniling prutas sa maliit na mesa. Para kay Caelum ang mga ito.

"Why? I'm just protecting you."

"If protecting me means death, then rest in peace, Caleb Carter."

"Tangina n'yo talaga," mura ni Caleb kaya hagalpakan na naman kami ng tawa.

"Para kayong mga tanga. Magagalit si kuya Caelum kapag nagising 'yan. Sige," ani Caleb at hinatak si Khirl palabas ng kwarto.

"Saan na naman ang punta n'yo?" tanong ko habang naniningkit ang mga mata. Saglit lang kasi sila rito at aalis na naman. May something talaga sa dalawang ito.

"Magde-date kayo 'noh?" usisa ko pa kaya nabitawan ni Caleb ang kamay ni Khirl.

"Hindi!" kapwa nila sigaw at hindi na nagpaalam pa kung saan nga ba pupunta. They slammed the door close and leave me here again with this sleeping demon beside me.

Napabuntong-hininga ako. Muli kong pinasadahan ng tingin si Caelum. Mahimbing pa rin itong natutulog.

"Sana naman paggising mo, maalala mo na si Ezelle Lamontez. For now, I won't force you to remember every details of me. But I really want to be your friend, Carter. Let's be friends again, sa susunod na pagbisita ko." Nginitian ko siya, hinawakan nang mahigpit ang kamay at akma nang tatayo para umalis at sundan sina Caleb at Khirl.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang humawak pabalik ang kamay niya. Bumilis ang tahip ng puso ko. Tinitigan ko ulit siya. Nanatiling nakapikit ang mga mata ngunit sumilay sa kanyang mga labi ang isang tipid na ngising matagal ko nang gustong makita.

"C-Caelum?" Mas naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Doon na ako naluha.

"You know that I will always remember you, Ezelle. Even in my next life."

This is not a drill. I am not hallucinating. He whispered my name. My heart automatically jumps off my chest as I burst out a loud cry. Hindi ko alam kung kanina pa siya ganito, o pinakikinggan lang niya akong mag-monologue sa harapan niya.

"Caelum Carter!" iyak ko at sinugod siya ng napakahigpit na yakap.

"Fuck! I can't breathe!" mura niya pero mas hinigpitan ko ang yakap.

Sa kabila ng luhang tumutulo sa mga mata ko ay ang pagsilay ng natural na ngiti. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko at niyakap siya lalo.

"I really missed you..."

"...Caelum Carter."



***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now