CHAPTER 8 - LOUGE HOSPITAL

670 41 2
                                    

CHAPTER 8

LOUGE HOSPITAL




OTOMATIKO akong napamulat nang maramdaman ang pagbukas ng pinto kung saan naroon ako. Hindi man ako makagalaw, nagawa ko namang maigala ang paningin ko at sa pagkakataong iyon, nakita ko sa bukas na pinto ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. Ganoon pa rin ang hitsura niya. May malapad na ngisi sa kanyang labi at may hikaw sa isang tenga. Tulad ko'y nakasuot rin siya ng damit pang-pasyente.

Napalunok ako nang mapansin kong naglalakad na siya palapit sa akin. Ibinuka ko ang bibig at naghahagilap ng sasabihin ngunit hindi ako makapagsalita. Bumilis ang tibok ng puso lalo na nang ngumiti siya sa akin. Doon na ako napaiyak.

"Ang tanda mo na pero hindi ka pa rin nag-iisip. You're not using your head, obviously. Lagi ka na lang tinatalo ng sarili mong estudyante. Alalahanin mong mas magaling dapat ang mentor kaysa sa tinuturuan. Huwag mong hayaang dumating ang araw na kapag naubos na ang lahat ng nasa paligid mo, ikaw naman ang patayin nila."

Napapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha. Napangisi ako nang mapakla.

"Are you trying to say that I should kill them?" tila wala sa sariling sambit ko pero wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. "Caelum Carter, you're really such an asshole," bulong ko at mas napaiyak.

"Ate?"

Muli kong iminulat ang mga mata ko at iginala ang paningin.

Walang Caelum Carter na sumalubong sa akin. Kinapa ko ang basa kong pisngi. Umiyak naman ako. Bakit parang totoong bumisita siya rito?

Akma sana kong babangon mula sa pagkakahiga nang pigilan ako ni Caleb. Kunot-noo akong napatingin sa kanya.

"Anong nangyari?" Sa pagkakaalam ko, nasa despedida party ako kagabi.

"Narito ka na naman sa hospital. Sinugod ka rito ng estudyante mo kasi nawalan ka raw ng malay. Susunod si Khirl rito. Tinatapos lang ang shift niya sa coffee shop," sagot niya dahilan para mapahawak ako sa ulo ko. Kumikirot ito.

Sa isang iglap ay bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari kagabi. Namatay ang ilaw. May nagsisigawan. May dugo.

"Ayos ka lang?" tanong pa ni Caleb. Napansin yata niya ang panginginig ng mga kamay ko. Agad kong nahawakan nang mahigpit ang laylayan ng kumot. Sandali pa'y nakarinig kami ng katok.

"Knock knock?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

It's none other than Ashlene. The class president of Mirk section.

"Narito na pala siya. Ate, siya nga pala ang nagdala sa'yo rito. Siguro naman kilala mo siya, no?" sambit pa ni Caleb. Ang kaninang magaan kong pakiramdam ay napalitan ng mabigat na atmosphere. Nakita ko na naman ang pagsilay ng demonyo niyang ngisi sa labi.

"Can I talk to her?" painosenteng tanong ni Ashlene at nagpaalam pa kay Caleb. Makahulugan kong tinitigan si Caleb upang sabihin na huwag siyang pumayag at huwag niya akong iwan rito sa kwarto kasama ang demonyong babaeng ito. Pero tumayo lang siya at tumango bilang pagpayag.

Halos magwala na ang kaloob-looban ko.

"Sige, maiwan ko muna kayo, ate Ezelle," paalam niya at dumako na sa nakabukas na pintuan upang lumabas. Sunod-tingin si Ashlene nang lumabas si Caleb. Kaming dalawa na lang ang naiwan.

Dahan-dahan niyang sinarado ang pinto at ini-lock. Kumabog ang dibdib ko dahil sa pagtitig niya nang matalim.

Kahit unti-unti na siyang lumalapit sa akin ay hindi pa rin ako makagalaw.

Napaiwas ako ng tingin at ngumisi.

"Should I thank you for bringing me here? Or should I still feel grateful for not killing me that night?" sarkastiko kong bati at napatitig sa blangkong pader nitong kwarto.

I heard her chuckled as she sits beside my bed. Hindi ko siya sinulyapan man lang.

"You're welcome Ma'am. Pero hindi ko sure kung makakaligtas ka pa sa susunod," aniya dahilan para mangilabot ako.

"They were too violent last night to kill you. But as their class president, the bright and respectful one, I made an order not to kill you. I won't dispatch you yet. We would like you to play along."

Halos matuyuan ako ng laway dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"Just stop killing people. It won't make you any better. Sinisira n'yo ang buhay ng mga nasa paligid n'yo!" Tinitigan ko siya nang masama. Imbes na masindak ay nakipagtitigan rin siya. Mayamaya'y humagalpak siya ng tawa na parang wala nang bukas.

Nagtiim-bagang ako.

"Coming from a murderer like you, huh?"

"That was years ago and I've already change, Ash," giit ko pero nagkibit-balikat lang siya.

"Your actions are the product of your own guilt. Takot ka lang tanggapin kung sino ka talaga. Why not join us? Killing people for fun and experience!" nakangisi niyang alok. Halos manginig ako sa galit. Gusto ko na siyang saktan ngayon din.

"I will never be like you again," kalmado kong sagot kahit naiinis na.

Tumayo na siya at nag-inat-inat. Humikab pa nga ang gaga.

"I'm hoping for your fast recovery, Ezelle. Looking forward to see you again around Mortala campus. Good bye!"

She slammed the door really hard that it made me shivered in nervousness. Napabuga ako ng hangin at napapikit.

She is really that someone whom others couldn't mess with. Mukhang mapapatay niya lahat ng kakalaban sa kanya.

Hindi ko alam na may mas dedemonyo pa sa akin.

For the nth time, nanahimik na naman ang buong paligid. All I can hear is my fast heatbeat and my heavy sighs.

The whole room was ventilated but I'm perspiring.

Mayamaya ay nakarinig na naman ako ng ingay sa kabilang pader. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Huwag nilang sabihin na narito na naman ako sa kaparehong kwarto kung saan nila ako dinala dati noong nahampas ako ng baseball bat sa ulo?

Pinilit ko muling bumangon upang pakinggan ang naririnig na ingay. May nagtutulak na naman ng medical trolley. Sigurado ako roon.

Hindi pa ako nakontento at bumangon na. Dahan-dahan pa ang ginawa kong pagkilos dahil kumikirot pa ang kasu-kasuan ko. Muli kong idinikit ang tenga ko sa makakapal na pader at pinakinggan ang tunog.

Nasa ganoon akong posisyon nang kusang bumukas ang pintuan at iniluwa nito sina Khirl at Caleb. Napangiwi sila nang makita kung anong ginagawa ko.

"Ate? Ayos ka lang?"

"Narinig n'yo 'yon? Ano bang meron sa kabila?"

Kapwa sila nagkatinginan at parang naguguluhan. Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi sa chismosa ako. Pero parang may nag-uudyok sa akin na tingnan kung ano ang nasa likod nitong makakapal na pader. Parang may dapat pa akong malaman tungkol sa hospital na ito.


***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon