Chapter 45

23 4 0
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa banyo dahil sa pakiramdam na masusuka ako. February ngayon at ang araw ngayon ay nakalaan para sa graduation namin. Naghilamos ako pagkatapat ko sa sink ng c.r. Nagpunas ako ng muka at tangkang aalis na ng maduwal akong muli.

Masama ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit. Agad akong nagsuot ng uniform dahil nakaligo nanaman ako kanina.

Dahan-dahan akong pumunta sa dining at nandoon si Calvin at Corrine. Nasa palasyo ako ngayon simula ng ikasal sila. "My dear, here is your favorite bicol express." wika ni auntie Leona at nilagyan ang plato ko. 

Kumuha ako ng kutsara at sinandok ko ang ulam ngunit pagkasubo ko'y hindi ko maintindihan ang lasa kasabay ng naduduwal na pakiramdam ko. Agad akaong tumakbo sa sink. "May problema ba sa luto ko?" takang tanong ni auntie Leona sa sarili.

Hindi na lang ako kumain at nagpaalam na mauuna na ako sa venue. 

Mabilis akong nakapunta dito sa cademy. Narito kaming lahat sa loob ng hall of speech. Nakasuot kami ng sash na maroon na may giold lining.

"Magandang araw sa inyong lahat. Narito tayo ngayon upang saksihan ang pagtatapos ng ating mga rankers." pagpapasimula ng bagong dean ng academy.

"Ako si Lalaine Calixtro. Ang inyong bagong dean dito sa cademy. Ang siyang bumabasbas sa inyong matagumpay na pagtatapos." pagpapakilala niya.

Sabay sabay kaming tumayo at inintay ang gintong espada. Kung saan nakadisenyorito ang logo ng Southern Victoria Academy at narito rin ang tatlong diyamante. Kulay pula, puti at itim.

Napatingin naman kaming lahat kay Leejian habang nag-iintay ng espada. Huminga siya ng malalimat saka bumalik ang tingin sa amin.

"Okay, magsasalita na ako. Wag niyo nga akong tignan ng masama. Tinaggap ni mommy ang offer ni king Calius na maging dean siya dito kahit matagal na siyang hindi nagtuturo." paliwanag niya.

"Ang ganda naman ng mommy natin." nakangiting wika ni Theo habang ipinapasa ang espada kay Leejian. "Mommy ka dyan! ano ka kapatid ko?" mataray na sabi ni Leejian at ipinsa kay Naomi ang espada. "Tsk! Ang ingay niyo!" reklamo ni Naomi at pahagis na binigay kay Ethan ang espada.

"Omii naman bakit sa akin mo binubunton?" angal ni Ethan na para bang bata at ibingay kay Adrian ang espada. "Wala kayong pagbabago napaka-ingay niyo." natatawang wika niyaat agad na ipinasa ang hawak na espada kay Maicah.

"Hindi na kayo nahiya. Graduation natin ngayon tapos ganyan kayo." umirap pa siya at ipinasa sa akin ang espada. "Chill guys. Dapat happy lang tayo ngayon." malumanay na wika ko at ipinasa kay Zac ang espada na kaagad niyang binigay sa katabi.

"Love. Conratulations to us." sambit niya na lubos na nakapagpangiti sa akin.

Natapos ang graduation at ngayo'y nagpi-picture taking kami. Umupo ako saglit dahil sa pagkahilo na nararamdaman ko. Gusto akong kasama ni Zac kanina dito kaso ayoko naman na matulad siya sa akin na nagmumukmok.

Nakita ko sila Theo at Leejian na masayang nakikipag-usap kay Ms. Lalaine. Mukang determinado talaga siya kay Leejian. Habang si Ethan at Naomi ay nagpapa-picture habang may suot na malalaking shades sa photo booth.

Habang magkakasama naman sila Adrian, Maicah, Zac, Corrine at Calvin. Binaling ko ang aking tingin sa mga hawak kong litrato naming lahat. Napakalayo na ng narating namin ng magkakasama.

Mayroon din kaming picture ni Zac kung saan wala kaming kasamang iba. Nakasuot kami parehas ng korona at ang iba namang pictures ay may wig kaming suot. Naki-usap si Zac sa nagma-manage na i-print ng seperate ang picture namin kung saan nasa likod ko siya habang yakap-yakap ako.

CELESTINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon